"Anything that I can be of help just to make you smile tonight?" bulong ni Alec saakin. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa puno ng aking tainga. Kanina pa siguro nito nahahalata ang labis kong katahimikan. Nasa iisang paikot na lamesa kaming mga bihag ng Bartsville. Tahimik na kumakain si Souk sa tabi ni Reid na abalang nanonood sa mga kaganapan sa malawak na function hall ng kaharian. Tahimik namang nakamasid si Sheryl na kanina pa marahil nagtataka sa inaasta ni Levi. Hindi ko pa nakakausap ang dalaga tungkol kay Levi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito. Hindi ko rin mabasa ang saloobin nito sa mga nangyayari dahil hindi ko magamit ang aking mga chains. Malakas ang tugtugin at masayang nagsasayawan ang mga taga Bartsville. Kakatapos lang ianunsyo ng kaharian na

