Ramdam ko ang lakas ng presensya ng enerhiya mula sa katawan ng taong 'yon. Parang tantiya din niya ang lakas na nananalaytay sa mga ugat ko. May kung anong koneksyon ang nagdurugtong saamin. Panganib ang ibinubulong ng utak ko pero bulong ng puso ko'y may mas malalim na pakahulugan ang damdaming nanalaytay ngayon saakin. Lalapitan ko ba siya o lalayuan? Panganib ba ang dulot niya o maaaring kasagutan sa lahat ng katanungang sumisiksik sa isipan ko? Nagdesisyon kaming sumaglit sa isang liblib na kweba na nasa bandang kanluran ng Waguner. Ilang kilometro na lang ay nasa kabilang kaharian na kami. Nagkumpulan sina Reid, Souk at Pea sa isang sulok habang nasa tabi ko si Sheryl na kasalukuyang gumagawa ng ilusyon para maitago kami sa mga pinaghihinalaang kalaban. Nasa magkabilang gilid ng bun

