We stayed inside the cave to keep hidden from possible enemies. Allen's group knows where the safe routes are at dito muna kami magpapalipas ng oras. Tila nadagdagan ang kompiyansa kong makakayanan namin ang ano mang laban gayong mas marami na kami sa grupo. Hindi parin maiwasan ng mga mata ko ang pansinin ang matamis na lambingan ng mag-asawang Rita at Rambu habang nasa loob kami ng kweba. Nakagawa si Reid ng isang bonfire gamit ang kumpol ng mga malalaking tipak ng bato kaya aninag ko ang matamis na turingan ng pares. Napansin ni Rita na napapangiti ako sa kanilang mag-asawa kaya hindi na rin nito napigilang lumapit at makipagkamustahan saakin. "Hindi ka pa ba nakakapili?" bungad saakin ng babae saka umupo sa tabi ko. Nagtaka ako sa tanong nito pero nang maglaon ay napagtanto ko ang i

