Kalahating oras bago ang itinakdang palugit ng kaharian ng Claremur. Nakatayo ako sa pinakasentro ng bricked wall na isang daang talampakan ang taas. Nagsilbi itong pananggalang ng kaharian sa loob ng maraming taon laban sa iba pang kahariang nagnanais lumusob at sakupin sila. Ilang beses na itong nasira sa paglipas ng hindi mabilang na quarterly clash pero nananatili pa ring nakatayo sa kabila ng lahat. Gaya ng Claremur. Ito ang pinakaunang kahariang itinayo sa Delta ilang dekada na ang nagdaan. Ito rin ang isa sa pinakamalakas sa mga sinaunang kaharian noong araw. Ayon sa salaysay nina King Paul at Queen Theodora, nagsimula ang pagbagsak ng Claremur nang magpadala ang Alpha ng mga artipisyal na alius sa Delta. Ipinadala ang mga ito sa mga karatig kaharian. Nagsimulang umangat ang Bartsv

