Naupo na silang dalawa naglapitan ang mga tao.
"Okay, pag bilang ko ng tatlo saka lang kayo maguimpisa." Sabi ng organizer. At nagumpisa na itong magbilang ng magumpisa tahimik lang akong na nonood.
Ang iingay ng mga bata. Tiningnan ko ang anak ko tahimik lang ito na nanood.
Samantalang ako hindi mapalagay kasi naman ang laki laki ng kalaban ni Erus.
"Kaya ba talaga ni Erus yan mukhang talo siya diyan ang laki niyan e" Bulong ko kay Julluis ng hindi ako makatiis kasi tumatawa pa ito.
"Don't worry ma'am Kierah. Yakang yaka yan ni Boss Erus." Sabi nito. Napa ngiwi ako, matagal na akong nagtataka kung bakit nila tinatawag na Boss si Erus pati si Aida nakiki Boss din. Kung sa bagay yung yaya na yun ng anak ko lahat ginagaya.
Nung tingnan ko sila Erus, napa tili ako kasi nakita ko na tumutumba na ang kamay ni Erus. Pero laking gulat ko ng bigla na lang kabigin ni Erus ang kamay niya at bigla itong itumba. Napapalatak si Julluis, nakita ko na pawis na pawis ang kalaban ni Erus. Samantalang si Erus parang wala lang.
Manghang mangha ako. Pagtingin ko sa kanya nginitian niya ako inirapan ko naman siya. Kaya napailing na lang ito.
Inaya ko na si Kier sa lamesa namin.
Tinawag na kami ng organizer.
"Ang susunod na laro natin ay for pamily again. Paper dance,Bibigyan namin kayo ng tagiisang news paper, sasayaw kayo sa tabi nito pag hinto ng music kailangan nasa loob kayo ng papel ang nasa labas ay tangal na. Okay naiintindihan niyo?" Sabi uli ng organizer. Nagsitango kami.
Nilapag namin sa gitna namin ang news paper. Naiilang ako kasi hindi naman ako mahilig sumayaw.
Kaya na tawa na lang ako ng magumpisa ang tugtug. Dahil sumayaw ang dalawang kasama ko, hindi ko alam na marunong palang sumayawa ang anak ko.
Tinuturuan niya pa si Erus. Paghinto ng music pumasok na kami sa loob ng papel. Nung una kasya pa kami nung pinatupi na ang papel pinatapak na namin si Kier sa paa namin nung sumunod karga na Erus si Kier halos magkadikit na kami. Tatlo na lang kaming pamilya na naglalaban at maliit na ang papel, ng huminto ang music nilagay ni Erus si Kier sa balikat niya at pinatapak niya ako sa paa niya saka ako yumakap sa kanya.
Nakalimutan ko ang ayos namin dahil nadala ako ng laro. Ng magtilian ang mga tao at napasipol si Julluis dun ko lang naisip ang ayos namin. Bibitiw sana ako kaso niyapos niya ako kaya napadikit ako lalo sa dib dib niya kaya dinig na dinig ko ang lakas ng t***k ng puso niya. Ng tumingin ako sa kanya nakatingin din siya sa akin. Kaya namula na naman ako na umiwas ng tingin sa kanya.
Ng matapos ang laro hiyang hiya ako sa kanya hindi ako makatingin sa kanya.
"Grabe ma'am ang swet niyo ni Papa Erus ma'am parang tunay na magasawa kayo ma'am bagay talaga kayo." Sabi ni Aida ng lumapit sa amin. Sinamaan ko ito ng tingin kaya napahawak ito sa bibig niya.
Maraming award kaming na tangap kaya tuwang tuwa ang anak ko na si Kier.
Kami din ang napiling Best family dahil maganda daw ang banding namin nagkakaisa daw at masyado daw supporrive ang Daddy namin. Kaya muntik na akong masamid ng sarili kong laway. Nagpicture taking pa kami habang hawak namin ang nakuha naming trophy Best Family of the year ang nakalagay. Pinag dikit pa kami ni Erus. May naka akbay siya sa akin. Ilang na ilang ako. Ng umuwi na kami
Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain naging madal dal ang anak ko sige ang puri kay Erus.
"I told you mom. Can knock them down of Erus." Sabi ng anak ko sa akin. Habang kumakain na tawa na lang ako.
"The big man was sweating profusely while Erus didn't even make his body sweat." Sabi niya uli sabay tawa napapatingin ako sa anak ko ngayun ko lang nakitang tumawa ito. Ang laki ng pinagbago niya ng maging bodyguard niya si Erus.
Napatingin ako kay Erus naiiling ito sa mga sinasabi ng anak ko. Saka ngingiti ng lumingon ito sa akin bigla akong nagbaba ng tingin sa pingan ko. Pero hindi ko napigilan ang pagiinit ng pisngi ko.
"Ano ba tong nangyayari sa akin. Datirati naman wala akong pakialam sa mga lalake. Pero bat ngayun simpleng tingin lang ni Erus parang may kabayo sa dib dib ko kung makakabog ito." Sabi ko sa isip ko. Nakinig na lang ako sa pinaguisapan nila hangang sa makabalik kami sa sasakyan.
Pagdating namin sa bahay tulog na tulog na ang anak ko sa kandungan ko. Bubuhatin ko na sana ng pagbuksan kami ni Erus ng pintuan pero yumuko siya. Kaya natigilan ako kasi ang lakas ng kabog ng dib dib ko ng halos magkadikot na naman kami.
"I will carry him." Sabi niya saka walang ano anong binuhat ang anak ko.
Naka hinga lang ako ng maluwag ng medyo malayo na siya habang karga ang anak ko. Tiningnan ko na lang siya habang may sinasabi kay Julluis. Saka umakyat sa hagdan sumunod na lang ako.
Pagdating sa silid ng anak ko nilapag niya ito sa higaan. Saka lumabas na inasikaso naman ito ni Aida.
"Aida pagkatapos mong asikasuhin si Kier magpahinga kana." Sabi ko saka hinalikan ang anak ko at nagpaalam na. Paglabas ko nakita ko na may kausap sa cellphone si Erus. Ng makita niya ako pinatay na niya ang cellphone niya.
Aktong bubuksan ko na ang pintuan ko ng may maalala akong sabihin sa kanya kaya humarap ako sa kanya. Nagulat ako ng makitang nakatingin siya sa akin.
"Ahhm. Erus"
"Ahhm. Kierah"
Magkapanabay na sabi namin. Pareho kaming natigilan. Napatingin ako sa baba siya naman napakamot sa batok niya.
"Ahhm. G..Gusto ko lang magpasalamat sayo." Sabi ko na lang uli. Habang nakayuko ng hindi siya umimik tumalikod na ako ng pipihitin ko na ang seradora ng pinto tinawag niya uli ako. Kaya lumingon ako nakita ko na napakamot na naman siya sa batok niya.
"Ahhm. G.. Good night" sabi niya saka yumuko at kamot sa batok niya.
Napangiti ako at tinuloy ko na ang pagbukas ko ng pinto. Pero bago ako pumasok lumingon ako uli nakita ko na tatalikod na siya kaya tinawag ko siya.
"Ahhm.Good night din. Saka Arah na lang. Yun kasi ang tawag sa akin ng mga taong malapit sa akin." Sabi ko saka pumasok na sa loob ng silid ko ng maisara ko napahawak ako sa dib dib ko. Ang lakas lakas kasi ng kabog nito.
***ERUS POV#***
Kanina ko pa parang napapansin na sinasadya ng malaking lalaki nayun na kami ang makalaban.
Kaya ng malaman ko na sila ang makakalaban namin sa hilaang lubid. Humanda ako kasi kanina kung hindi ko nakita siguradong sasagiin niya si Kier.
Kaya sinabihan ko sila Julluis na pagmasdan ang kilos ng lalaking yun.
Pinapwesto ko sa unahan si Kier ginitna namin si Kierah nung una ayos naman kaso ng pagdating ng huli nakita ko na ngumise ang lalake kaya na tunugan ko ang gagawin niya. At hindi nga ako nagkamali dahil binitawan niya ang tali kaya agad na sinalo ko ang magina.
"Sinadya niya Boss nakita namin." Sabi ni Julluis ng awatin ko na lapitan ang lalake.
"Hayaan mo na. Nakita ko din yun." Sabi ko dito saka pinakalma sila at nilapitan ko sila Kierah.
"Okay lang kayo?" Tanong ko sa kanila ng lapitan ko. Napatingin siya sa akin, hindi ko alam kung bakit masyado akong nagaalala sa mag ina na ito.
"Yeah. I..ikaw?" Tanong niya sa akin. Natigilan ako, hindi ko inaasahan na magaalala siya sa akin. Nailang ako masmabuti pa pala yung nagsusuplada siya sa akin. Kesa seryoso siyang nakikipagusap sa akin nakakaba. Bumibilis ang pintig ng puso ko.
"I'm okay" Sabi ko na lang saka nilapitan ko si Kier para maitago ang pagkailang ko
Kausap ko si Jullius pinaguusapan namin ang nangyari kanina. Ng makita naming papasok na ang magina nagpaalam na sina Julluis.
"Ahhm. Erus." Rinig kong tawag niya sa akin. Kaya lumingon ako.
"S..salamat pala kanina."
Sabi niya natigilan na naman ako.
"Trabaho ko ang protektahan kayo." Sabi ko, napatango siya.
"Salamat parin." Sabi niya saka pumasok na sa loob naiwan ako na napapatanga..
Ng bumalik kami bunong braso ang sumunod na laro para sa mga tatay.
Napangiti ako ng makita na yung lalake na naman ang makakalaban ko
Nakita ko na napatingin sa akin si Kierah tinaasan ko siya ng kilay inirapan niya ako kaya napangiti na lang ako. Kita naman sa mata niya na nagaalala sa akin.Sa hindi maintindihang dahilan sumasaya ako dun.
Nung mahawakan ko ang kamay nung lalake alam ko na na kayang kaya ko itong itumba pero nagpangap ako na nahihirapan pero hindi ko tinutuloy na itumba. Narinig ko na nagtanong si Kierah kay Julluis kaya lihim akong napangiti. Napatingin ako sa lalake butil butil na ang pawis niya. Gusto kong matawa ng maalala ko ang ginawa niya kanina na inis ako. Kaya sa inis ko hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya nakita ko na napangiwi ito napangiti ako Bago ko tinumba ito. Tuwang tuwa si Kier sa tabi ko.
Nakita ko na hawak hawak ng lalake ang kamay niyang namumula dahil sa hawak ko.
"Boss namilipit sa sakit ang loko." Bulong ni Julluis sa akin.
"Pasalamat siya yun lang ang ginawa ko sa kanya. Kung nasaktan ang mag ina baka hindi lang yun ang abutin niya sa akin." Sabi ko saka nilapitan na ang mag ina na tawa naman si Julluis sa sinabi ko.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na laro. Paper dance.
"s**t! " Mura ko hindi ako mahilig sumayaw, pero marunong akong sumayaw kung kinakailangan lang. Pero hindi talaga ako mahilig sa mga parties. Ayoko sa maiingay na lugar.
Nagumpisa na ang laro tinitingnan ko ang papel iniisip ko na ang gagawin ko kapag lumiit ang papel. Nung una ayos lang pero nung lumiit na ang papel at kinailangan ko ng ilagay si Kier sa balikat ko ang balak ko sana papahawakin siya sa braso ko, pero nagulat ako ng yumakap siya sa akin. Hindi na ako nakaimik sa gulat at hindi pa yun ang lakas ng kabog ng dib dib ko ng magkalapit ang katawan namin.
"s**t!" Lihim akon napamura sa sarili.
Ng maramdaman ko na kakalas siya kinabig ko siya kaya mas lalong nagkadikit kami at para na tuloy kaming magkayakap.
"f**k!" Mura ko ulit sa sarili ko dahil mas lalong nagwala ang dib dib ko. Lalo na at amoy na amoy ko ang pabango niya. Hindi ko maiwasan na maalala ang babae na nakasama ko ng gabi ilang taon na ang nakalipas pero sariwa parin sa akin ang lahat. Natauhan lang ako ng marinig ang sipol nila Julluis. Kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"One point yun Boss ah."
Sabi ni Julluis sa akin ng lapitan ako.
"Gago!" Sabi ko dito na tawa lang ito.
Nakita ko ang pagkailang niya. Hangang sa kumakain na kami kinakausap ako ni Kier ng maramdaman ko na may nakatitig sa akin paglingon ko nakita ko siya na nakatingin sa akin. Ngunit agad ding umiwas ng tingin napa ngiti ako dahil nakita ko na namula siya.
"Ang ganda niya talaga at ang dali niyang mamula." Bulong ko sa isip ko.
Ng makarating kami sa bahay kinuha ko si Kier sa kanya. Na wala sa isipan ko na maari kaming magkalapit uli. Huli na ng maisip ko yun ang lakas na naman tuloy ng pintig ng puso ko.
Ng maihatid namin si Kier gusto ko sanang magpaalam sa kanya kaso nakita ko na kausap niya pa si Aida. Kaya hinintay ko na lang siya sa labas.
Tinawagan ko muna si Thor para alamin ang hakbang ng kalaban namin.
Ng makitang palabas na si Kierah nagpaalaam na ako saka pinatay ang cellphone ko na taranta ako ng makita na bubuksan na niya ang pintuan niya kaya tinawag ko siya.
"Ahhm. Kierah"
" Ahhm. Erus.'
Magkapanabay na tawag namin. Napakamot ako sa batok ko.
"Ahhm. G..Gusto ko lang magpasalamat."
Maya maya sabi niya. Napatango na lang ako. Ng makita na bubuksan na niya ang pintuan tinawag ko uli siya.
"Ahhm. Kierah!" Sabi ko nakita ko na lumingon siya sa akin nagwala na naman ang dib dib. Napamura na naman ako sa sarili ko.
"Ahhm. G. Good night." Yun na lang ang nasabi ko saka kumamot sa batok.
"s**t! Kailan ako nailang sa kausap. Ano ba tong nangyayari sa akin.?" Nakita ko na napangiti siya saka itinuloy ang pagbubukas ng pintuan ng silid niya. Kaya na iiling na tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.
"Ahhm. Good nighy din. Saka Arah na lang kasi yun ang tawag sa akin ng mga taong malapit sa akin." Sabi niya saka pumasok na sa silid niya. Napatanga ako sa sinabi niya ng maisip ang sinabi niya. Napangiti ako.
"Yes!" Sabi ko saka ngingiti ngiti na bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit basta ang saya saya ko.
****SOME ONE POV#**
Nakita ko na naguusap ang dalawa.
Sa hallway
"Hmm. Sige magsaya kayo. Makakahanap din ako ng pagkakataon sa inyo."
Inis kong bulong. Pumalpak na naman kasi ang tauhan ko kanina. Kainis talaga.
"Matinik talaga ang hinayupak. Pero pasasaan bat maiisahan din kita. Kaya bantayan mo ng maige ang amo mo."
Sabi ko habang napapangiti. Saka may tinawagan.
"O, ano na? Kumusta ang pinakukuha ko sayo?" Tanong ko sa kausap ko.
"Ayos na Boss ipadideliver ko na sayo ."
Sagot naman nito sa akin.
"Good." Sabi ko saka pinatay ang Cellphone ko.
"Lalaruin muna kita Erus." Bulong ko.
"Hangang masiraan ka ng ulo sa kakahanap kong sino ang kalaban mo." Bulong ko uli saka humalak hak.