"May problema ba Bro. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo naiintindihan kita dahil ponagdaanan ko din yan. Kung ano man ang maitutulong ko sabihin mo lang. Kung ano man ang Plano mo Bro handa kaming tumulong." Sabi ni Erus ng lapitan niya ako. Napatingin ako dito. Alam ko na malakas ang pakiramdam ni Erus. Mahihirapan ako sa naiisip ko. "Kung handa kana kausapin mo lang ako." Sabi nito Saka tinapik ang balikat ko. Tumango na lang ako. Iniwan na ako nito. Pinagmasdan ko ang anak ko na natutulog sa taba ko. Ilang araw Kong pinagiisipan ang lahat. Mahalaga sa akin si Erus pero mahal na mahal ko si Rachell Hindi ko kaya kung mawawala ito sa akin. Tatlong araw bago Ang sinabi na araw ng kausap ko nagring Ang Cellphone ko. "Kumusta napagisipan mo na ba Ang alok ko?" Tanong nito napakuyom a

