-Alexa POV- Saan kaya kami pupunta ngayon. Tapos na kaming kumain kanina pa. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Wala talagang sinasabi si Red. Magkahawak kami ngayon habang nakasakay sa cab. "Red, san tayo pupunta?" "You'll know when we get there." "Thank you ha? Nasagot yung tanong ko, grabe!" Sarcastic kong sabi sa kanya. Bakit kasi hindi nalang sabihin sakin kung saan kami pupunta. Hindi na nga lang ako magtatanong. Tahimik lang kami papunta sa kung saan man kami pupunta. *** "Marie, andito na tayo." "Mmmm..." "Gising na andito na tayo." Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. At sa balikat pa ni Red ako nakatulog. Ahy! Ang sweeettttt. "Asan tayo" Tanong ko sa kanya pagkababa naming ng sasakyan. "Hindi ko rin alam eh." Nagkamot pa siya ng batok niya. Ahyyyy, ang kyu

