Alexa POV Isang taon na ang lumipas simula ng manganak ako. Sa loob ng isang taon mas nakilala ko ang asawa ko. Kung dati sobrang sweet niya, mas naging doble pa ang kasweetan sa nakalipas na isang taon. Paggising ko sa umaga, parating may nakalagay na white rose sa bedside table namin. Siya din ang nagluluto ng breakfast. Madalas namin pagtaluna ang mga bagay na iyon. Pero kahit kailan hindi ako nanalo sa kanya. Kaya habang tumatagal nasanay na rin ako. Mas hands-on din siya pagdating kay Rav. Isang iyak lang ni Rav sa gabi, bangon kaagad ang asawa ko. Siya na rin ang nagpapatulog ulit dito. Isang sika na architect na rin ang asawa ko. hindi niya tinanggap ang alok ng papa na maging COO ng kanilang kompanya. Bagkus, nagpatayo siya ng sarili niyang office at doon tumatanggap ng kliyente
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


