Wala akong ibang mapupuntahan kaya dumiretso ako sa bahay ng bestfriend ko. Hindi naman siguro yun naglakwatsa ngayon. Alam kong dadamayan din ako ng babaeng yun. Kahit na may pagka b***h yun, mahal na mahal ako nun. Andito na ako sa tapat ng bahay niya. Nagbuntong-hininga muna ako bago ako yuluyang lumabas ng kotse ko at kumatok sa may pintuan. Sanay na akong pumasok agad sa bahay niya kaya lang wala ako sa sarili ngayon kaya naman kumakatok ako. Ilang sandal pa ang nakalipas at pinagbuksan na ako ni Mika. Dahil na rin siguro sa sama ng loob na nararamdaman ko ngayon, bigla ko nalang siyang niyakap pagbukas pa lang niya ng pintuan. Doon ako umiyak ng umiyak. Para akong isang batan paslit na inagawan ng isang laruang manika dahil sa labis kong pag-iyak. Inalo naman ako ng bestfriend ko a

