Ang hirap pala kung ang asawa mo sobrang dedicated sa work niya. Kagaya nalang ng asawa ko, out of the country na naman dahil sa work. Bakit ako hindi naman ganun ka busy? Naba-balance ko naman yung work ko tsaka family life ko. "Hoy, nakapangalumbaba ka naman dyan!" Ang ingay talaga ng bestfriend ko. Nandito ako ngayon sa bahay ng bruhang ito dahil gusto niya raw magbonding kaming magbestfriend. Gusto nga niya mag mall kami kaya lang tinatamad ako mag mall. Kaya dito nalang kami sa bahay niya, movie marathon. Saturday naman ngayon at wala akong pasok. "Namimiss ko na kasi ang asawa ko." "Tigil-tigilan moko diyan Alexa Marie. Nagtatrabaho ang asawa mo dun." "Palibhasa kasi wala kang asawa kaya hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon." "Wag kang masyadong madrama diyan. Uuwi

