Natasha Saffire Kaithelyn POV
Wala ako sa mood ngayon papasok, kasi naman eh. Huhuhu nakalimutan kong humingi kay mama! Wahhh. At wala ng dapat sisihin kung di ako lang! Wahh wahh wahh. T_T matanda na ba ko? Hindi pa naman eh. I'm still young. Charr. Hays. Buhay nga naman.
Ehem...
Bago natin simulan ang lahat. Kyahh. I'm Natasha Saffire Kaithelyn Samonte Smith 15 years old. Hindi naman po kami mayaman. Hindi rin ako nag-aaral sa PRIVATE . Simple lang Naman Ako! Ohh ang isang katulaaaad kooooo ay di na dapat pang pakawalan. Charrr! Kyah kyah! Ang daldal ko.
Nag-Aaral nga pala ako Sa Saint Jude National High School Grade 9 na ako ngayon! At last week lang nag-umpisa ang pasukan. Kaya medyo, naninibago pa ako sa mga new classmates ko. Hehehe!
By the ways..
Nandito na ako ngayon sa gate ng School. Hays. As usual marame ng tao. Hindi naman sa late ako. Ganyan lang talaga kasi para makasilay pa siguro sa mga crush, o Jowakels nila wahaha Buti ako hindi na kailangan pa.
Marame nga palang sections dito sa school namin every grades. At dahil nga Public school lang 'to. Every section din umaabot ng fourthy students. Kaya ang dating classmate ko hindi ko na classmate kasi, rumble ang ginagawa. Pero bilang na nga lang ang classmate ko 'noon na classmate ko pa rin ngayon. Pero, hindi ko close ang mga 'yon. Pero may isa akong kaibigan na classmate ko pa rin ngayon. Hehehe! Daldal ko 'no?
Nandito na ako ngayon sa tapat ng room namin, at pumasok na. Kaso lang. yung iba nakatingin sa akin. Lahhh!! Inaano ko sila? Hehehe. Ganyan lang talaga sila. Kasi nga bago pa lang kami magkakaklase ngayon. Pero, huwag nila akong sungitan kasi, baka sabunutan ko sila. Hahaha! Biro lang. baet-baet ko kaya! Ewan ko ba, ang hina kong tao.
Sa may bandang hulihan ako dahil "S" ang simula ng last name ko. Hays! Umupo na lang ako at yumuko na lang sa arm chair ko. Boring ng life! Kemee!
Every monday, wala kaming first subject. So, Vacant ngayon namin. Kaya yung mga classmate kong may kanya-kanyang mundo. Yung iba nasa Mercury, kasi mga nagpipiling Hot. Yung iba nasa Venus, kasi mga nag papabebe. Yung iba nasa Mars, mga Alien. Hahaha. Ang sama ko! Hihihi. Peace tayo mga classmate!
Naramdaman ko na lang na may lumapit sa akin. Kaya napatingala ako at tiningnan siya. Hehehehe. Kilig na ako! Kyah kyah.
"Wala ka na namang sa mood?" Tanong nito sa akin. Pinilit kong itago ang kiligness ko. Kyahh! Kunwari wala talaga akong sa mood as in kaya naman. Tumango na lang ako ng malungkot.
"Ang baby ko, wala na naman sa mood." Malambing na sabi niya. At tumabi sa akin. Yan ang isang dahilan kung bakit ko siya lalo minamahal. Dahil ang lambing niya! Hihihihi!
"Ihh kasi ano—".
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Papawalain natin yan.." biglang sabi niya ng nakangiti. Ano na naman kaya plano niya?
"Paano?" Takang tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang sya at tumayo at pumunta sa upuan niya. At may kinuha siya sa bag niya.
Yes, he's my boyfriend. Simula ng grade 8 kami. Dati crush ko lang sya. Pero ngayon, akin na sya! Hihihi. Awit sa akin, ang harot! Hehe.
Flashback....
Tahimik lang akong nagsusulat ng biglang may nakasanggi ng arm chair ko. At dahil sa inis ko ng mapagtanto ko 'rin kung sino 'yon ay agad akong napatayo at hinarap siya.. sinigawan ko sya ng napakayabang niya.. Simula pa lang ayoko na talaga sa ugali niya. Kasi naman, ang yabang-yabang niya. Kaasaaar! Huhuhuhu.
Siya lang naman ang number one hate person ko.. wala ng iba kundi si Zander dela Cruz.
Dahil sa pangyayaring pasigaw ko sa kanya, kinabukasan ay nagbago ang lahat.. dati wala kaming pansinan. Yung tipong hindi kami nag eexist sa isa't-isa. Pero kinaiinisan ko sya. Yung ganon. Hays. Ang gulo!
Halos araw-araw na niyang ginugulo ang tahimik kong buhay.. lagi niya akong inaasar, lagi siyang nakatabi sa upuan ko. Tumagal din ng almost one month na nasa ganon kaming sitwasyon.
Kinagabihan ay nag f*******: ako at biglang nag pump ang name niya. He chat me and I reply to him. Pero, dahil nga sa aso't-pusa kaming dalawa. Nag-away lang kami.
Kinaunagahan ay, wala siya sa mood ng pumasok. Ganon din ako. Pero dahil may practice kami ng sayaw para sa MAPEH ay nakipractice ako. Pero nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin ang isang kaibigan ko.
"Bhabess, may tagos ka!" Bulong nito sa akin. Nanlaki naman ang mata ko. Wahhhhh! Huhuhuhu. Nakakahiya!!!!!
"Hala!" Nausal ko na lang. kinakabahan ako. Di ko na alam ang gagawin ko. First time 'to!
Pero napatigil ako ng biglang may nag-abot sa akin ng jacket???
"Ipangtakip mo muna sa likod ng palda mo at pumunta ka ng cr.." seryosong sabi nito at naglakad na papunta sa upuan niy. Napatitig naman ako sa jacket na inabot niya.
Magka-away kami pero tinulungan niya pa rin ako?
"Lah, huy. Itali mo na yang jacket. Samahan ka na namin sa cr.." natauhan ako sa sinabi ni Mariel.. pinangtakip ko na ang jacket at sinamahan na ako ng mga kaibigan ko sa cr.
"Bhabess, akala ko ba magkaaway kayo ni Zander?" Takang tanong sa akinni Norlyn..
"Oo nga, galit na galit ka pa ngang nagkwento kanina.." dugtong naman ni Rhea.. lumabas naman ako sa cubicle at tiningnan sila na nagtataka na nakatingin sa akin.
"Oo, magkaaway kami pero di ko inaasahan na.. tutulungan niya ako.." sabi ko na lang at napabuntong hininga.
"Pero ang bait niya ha! Pinahiram ka niya ng jacket.." si Amor.
"Pero still nakakainis siya. He always tease me.." Inis na sabi ko at napabuntong hininga na lang ako. Magkakaroon ata ako ng utang na loob sa kanga. Hays!
"Alam mo kasi, the more you hate the more you love.." si Mariel.
"Ewan.. hehehe. Tara na nga!" Aya ko sa kanila at nagtungo na kami sa room. Nakita kong nakatingin sa akin si Zander kaya naman, nginitian ko na lang sya. Para iparating na salamat.
Natauhan ako ng biglang lumapit sya sa akin at nakita ko ang puro pagkain na hawak niya!!! Wahhhhhh! Foooddsss!
May favorite flatops! Yummmm!!
"Wow!! Binili mo 'to baby ko para sa akin?" Parang batang tanong ko habang kumikislap ang mga nata ko. Wow!
"Hindi.. ninakaw ko yan.." pilosopong sagot niya kaya naman tiningnan ko sya ng masama. "-Joke lang. Hahaha syempre naman binili ko 'yan para sayo.." malambing na sabi nito kaya naman napangiti ako.
"Wahhh thank you.." sabi ko na lang sa kanya ng nakangiti.
"Welcome. Anything to my baby. Ilove you.." malambing na sabi nito... kyahh! Kinikilig ako hihihi.
"I love you too.." sagot ko na lang at kumuha ng pagkain.
Okay, ang harot ko talaga. Hehe. Sowi naman po, nagmahal lang!