Chapter 17

1599 Words
/17/ SIMPLE GENEROSITY Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and He will repay him for his deed - Proverbs 19:17 . KHEL'S POV . Meera and I went down the tree house and right on cue, sumalubong sa'min sina Brint at Narri. Nagtatawanan ang dalawa at nagkukwentuhan nang 'di ko maintindihan. As the two approached us, they gave a wide grin. Lumapit si Narri sa kaniyang pinsan, saka si Brint sa akin. "Did you enjoy the stroll, bro?" the moron asked. I gave him a cold look. "Not as much as you do." Natawa ang ungas sa sinabi ko, saka ako inakbayan. I was annoyed but I just let him clung over my shoulder. "Oh! Two hours na lang at magtatakip silim na," ani Narri habang nakasilip sa kaniyang relos. "Should we find a place to stay overnight?" "Oo nga." Then Meera turned to my friend. "Kaya mo pa bang mag-drive, Brint? Ilang oras pa ang biyahe papuntang Laiya, San Juan." "Ayie! Concern ka sa'kin, miss cutie?" Brint grinned, then simply glanced at me and back at Meera's. "Naku! Baka may magselos." Moron. Nagtiim-bagang ako upang pigilang masapak itong kaibigan ko. Mabuti na lang at hindi sineryoso ni Meera 'yung sinabi niya. "Malapit-lapit lang ang San Juan. Mga dalawang oras na drive lang 'yon mula rito," ani Brint. Agad na humirit si Narri, "Aba! Anong dalawang oras lang? Lang?! Sigurado ka bang kaya mo pang mag-drive nang gano'n kalayo?" But my friend proudly nods his head. "No problem! Tiwala lang kayo sa'kin!" And because my friend insisted to drive for our next destination, we decided to say goodbye to this place; the Fantasy World. At around three o'clock, we exited the castle's gate and walk back down the empty road. Once again, I saw pine trees along the road's side. Behind those branches and above those greens, the colorful towers from the castle was seen. As we walk further, the castle's view slowly disappears from our sight. Muli, nakabalik kami sa principal gateway kung sa'n kami nagbayad ng entrance fee. Paglagpas namin dito, natanaw ko na agad ang aming sasakyan na naka-park sa gilid ng walang katao-taong kalsada. The four of us reached the camper van and ride in to it. Again, we hit the road and continue the trip. Habang tinatahak ng aming sasakyan ang main road, na mabuti't walang traffic, ay dumaan muna kami sa isang gas station. Siyempre, para magpa-gas. After the van's tank was fueled, Brint paid the fee. "Thank you! Ingat, sir!" sabi pa no'ng gasoline-boy. Then off we go. Muli, tinahak ng aming sasakyan ang malawak na kalsada. The drive is smooth. No traffic on the way. Tila nakikipag-unahan kami sa sikat ng araw, dahil kailangan naming makarating sa next destination bago pa man magtakip silim. But at the middle of the ride, an unexpected situation happens. SKKKEEERRRRCCCHHH---! Biglang preno ni Brint sa sasakyan. A screeching noise was heard. Mabuti't naka-seatbelt kaming apat, kung hindi ay tumilapon na kami sa windshield. "The heck, Brint?!" angil ko. But I was taken off when I saw a man outside the car's front. Nakatayo 'yung 'di kilalang ginoo sa tapat ng aming sasakyan, tila hindi n'ya sinasadyang mapahinto ang aming sasakyan. Napakunot-noo ako. We didn't waste a time, naunang bumaba ng sasakyan si Brint. Lumingon ako sa backseat kung sa'n naroon ang magpinsan. "Dito lang kayo," I reminded them. But the hardheaded Meera didn't listen. Tinanggal n'ya ang kaniyang seatbelt at binuksan ang pinto ng backseat. Nauna pa siyang lumabas kaysa sa akin, at sumunod naman si Narri. I clicked my tongue. Stubborn ladies. Wala na 'kong nagawa. So, I get off the van and followed them. Pagtapak ko sa labas, nadatnan kong kinakausap na nila Brint ang ginoo. "P-Pakiusap t-tulungan ninyo a-ako!" the man stammered, begging. "I-Iyung asawa k-ko kasi ma-manganganak na! Na-flat-an ka-kami ng sasakyan! P-Pakiusap, pasakayin n'yo kami k-kahit sa pinakamalapit na o-ospital lang?!" Halos mangiyak iyung ginoo habang sinasabi ito. Tinuro pa niya ang isang tricycle, doon, nakaparada sa tabing kalsada. Sa loob ng tricycle na 'yon ay may babaeng buntis, tila nahihirapan at hinihimas ang umbok nito sa tiyan. "P-Pakiusap!" I rolled my eyes, annoyed by the man's drama. He's not our responsibility, so why bother to help him? "Sige po! Ihahatid namin kayo sa pinakamalapit na ospital! Tara, tulungan natin 'yung misis ni kuya!" biglang sabi ni Meera. What?! I frowned and about to protest, but I never got the chance. "N-Naku! Maraming salamat, ineng! Hulog kayo ng langit!" ani ng ginoo. Mabilis na umaksyon 'yung ginoo, pati na rin ang tatlong mga kasamahan ko. Nagtungo sila doon sa tricycle, saka inakay ang babaeng buntis papunta sa aming camper van. I cursed inside my head and fixed my eyeglasses. Ano pa nga bang magagawa ko? I insisted to open the backseat's door. Doon nila pinasakay ang ginoo at ang buntis, kasama sina Narri at Meera. Mabilis na sumakay si Brint sa driver's seat, gano'n din ako sa passenger's seat. Without a minute, pinaharurot ng ungas kong kaibigan ang van. Like a bullet train, our vehicle runs down the road with speed. "AAAAHHHH!!!" Narindi ako sa sigaw no'ng buntis. Nilingon ko ito sa backseat at halos maawa ako sa itsura n'ya. Pawis na pawis ito at nahihirapan sa kaniyang pagdadalang-tao. "AAAAAAHHHH!!! AN'SAKIT! MANGANGANAK NA AKOOO! HI-HINDI 'KO NA KAYAAA!" "Ssshhh! T-Tiis lang, mahal. Malapit na tayo s-sa ospital! Tiis n-na lang," ani ng ginoo sa kaniyang asawa. For a moment, I felt guilty. Hindi dapat ako mainis sa kanila. Though they're not our responsibility, still, helping is better than ignoring. Unfortunately, kami pa talaga ang natiyempuhan nilang hingan ng tulong. Tss. "AAAAAHHHH!!! MANGANGANAK NA TALAGA AKOOO! OH, DIYOS KO! MAHABAG KA! AAAAAHHHH!!!" sumisigaw na ang buntis. "Brint, malapit na ba?!" natatarantang tanong ni Narri. My friend, who's driving, answered, "Oo! Kaunting tiis na lang ho, misis! Sir! Malapit na talaga tayo!" "AAARRRGGGHHH!!! LALABAS NA! LALABAS NAAA!!!" "Mahal, malapit na raw! H'wag kang mag-alala! Malapit na tayo!" Hinigpitan ng ginoo ang hawak sa kamay ng kaniyang asawa. "Kapit lang, mahal!" "AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" *** Hospital; lounge. From those white walls, white ceiling, white uniform of doctors and nurses, and white hospital gown of patients. Even the hallway is white. All is white. Plus, the scent of medicine blended with the smell of aircondition. It's been awhile since I enter a hospital. I still feel the bitterness when I look at the patients with wheelchairs, nurses that are walking back and forth, and doctors that are scatter around the area. Narito kami sa lounge, malapit sa emergency room. May mga metal benches dito, kung saan ka pwedeng umupo at maghintay. At gano'n nga ang ginawa naming apat. Nakaupo kami sa bench, sa gilid ng lounge, habang nakatulala sa kawalan. There are background noises, with unfamiliar people flowing like river before us. "Ano sa tingin n'yo? Nanganak kaya nang maayos 'yung buntis?" biglang nagsalita si Narri. She's sitting next to her cousin. Meera, who's sitting next to me, said, "Think positive, 'insan. Nawa gabayan sila ng Panginoon." Panginoon? Tss. "Hmm..." Tumango na lang si Brint na nakaupo sa kabilang gilid ko. "Sana nga... Sana nga nanganak nang maayos 'yung babae. Haysh! Kinakabahan tuloy ako." Narri scoffed, "Kinakabahan? Bakit, ikaw ba ang tatay? Ikaw ba? OA nito." Akmang tutugon ang kaibigan ko pero naputol iyon. Dumating ang ginoo, kalmado na ang itsura nito kumpara kanina. Napatayo kaming apat no'ng siya'y makalapit. "S-Sir..." Meera spoke. "Kamusta po?" Then a genuine smile flashed on the man's face, teary-eyed. The next thing I knew, that man took us from the lounge. We walk towards a certain hallway, then stopped at the middle of the hall, where there's a huge wall made of glass. At no'ng humarap kami sa transparent na pader, nakita namin ang babae sa loob ng silid. 'Yon ang babaeng asawa ng ginoo. Nakaupo ito sa kama, habang akay ang isang 'sanggol' sa kaniyang bisig. I know this sounds gay. But my heart totally melts when I saw that baby. Nakatayo lamang kaming apat, kasama ang ginoo, sa labas ng silid at nakatitig sa glass wall. Literal akong natulala. Mula rito, pinanood namin ang ina't sanggol na nasa loob ng isolation room. Narri starts crying with joy. Brint beamed a smile, so does Meera. I remain pokerface but deep inside, I'm aware that I was touched. I guess our generosity doesn't come in vain. Though I hesitated at the first place, I'm still glad that we helped. "Lalaki nga pala ang anak namin," ani ng ginoo kaya't napalingon kami sa kaniya. "Maraming salamat sa inyo, mga bata, ha? Tatanawin kong napakalaking utang na loob ang ginawa n'yo. Maraming salamat talaga!" Those words were full of sincerity. I... I don't know what to say. Meera stepped forth and she held the man's hand. She said, "Sabi nga ho, h'wag nating kaliligtaan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa sapagkat iyun ang lubos na kinalulugdan ng Diyos. Masaya ho kaming makatulong sa inyo. Pagpalain kayo nawa." She sounds so angelic and it makes me stare at her with both curiosity and awe. Lumuha ang ginoo at sunod-sunod na tumango. "Maraming salamat! Maraming maraming salamat!" After a few more conversation, we finally bid our farewell to the man and to his wife, and to their newborn baby. Nagpaiwan ang ginoo at ang kaniyang misis sa loob ng ospital, habang kami ay umalis na. Gabi na no'ng makalabas kaming apat sa hospital building. Pumunta kami sa parking lot, kung sa'n nakaparada ang camper van. Now, the only problem is... Where are we going to spend overnight? _________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD