Chapter 11 "Nakakagulat na nag-aya kang magkape pare?" ngising sabi ni Wilson. Sobrang nagulat at nagtaka si Wilson ng bigla na lang pumasok sa kanyang opisina ang kanyang matalik na kaibigan na si Armie. Napangisi na lang siya ng mag-aya ito sa kanya na magkape. Sobrang tawang-tawa si Wilson kanina dahil akala niya kung ano ang sasabihin sa kanya ni Armie? Sobrang seryoso pa itong pumasok kanina sa kanyang opisina. Iyon pala mag-aaya lang pala ito magkape. "Para maiba naman. Puro alak tayo pare magkape naman tayo. Tsaka maganda rito," ngising sabi ni Armie. Naisipan ni Armie na ayain magkape ang kanyang matalik na kaibigan na si Wilson. Alam niyang nagtataka ito na nag-aya siyang pumunta sa isang coffee shop. Akala ni Armie ay ok na siya. Akala niya na pakikipagtalik lang ang s

