Chapter 34 "Elliot, kamusta ang lunch ninyo ni Mr. Ricaforte?" usisa ni Miss Glenda. Hindi na nagulat si Glenda ng makatanggap siya ng text message mula kay Elliot na nagsasabing inaya siya nitong lumabas na kumain ng lunch ni Mr. Ricaforte. Hindi naman tumutol si Glenda bagkus ay sobrang natuwa siya dahil mukhang natitipuhan talaga ni Mr. Orion Ricaforte si Elliot. "Oo nga Elliot, saan kayo kumain ni Mr. Ricaforte. 'Di ka man lang nag-take out para sa amin. Char lang!" masayang sabi ni Rica. Kanina pa nga hinihintay ni Rica pati na rin Miss Glenda ang guwapong binatang si Elliot. Gusto nila makibalita kung saan ito pumunta? Kung ano kinain ng mga ito? "Pasensya na po kayo kung hindi po kayo nauwi ng pasalubong. Wala man po kasi akong dalang pera. Hindi ko naman po kasi alam na y

