Chapter 39 "Elliot, kamusta naman ang tulog mo? Mukhang maganda kasi ang gising mo ah?" ngiting tanong ni Rica. Kararating lang ni Rica sa trabaho at tulad ng dati ay nadatnan na niya si Elliot na nagsisimula na magtrabaho sa loob ng opisina ng hr department. Pansin ni Rica na maaliwalas ang maamong mukha ni Elliot na para bang masarap ang tulog nito kagabi? "Maaga lang po ako nakatulog kagabi Miss Rica," ngiting tugon ni Elliot. Lihim na natuwa si Elliot sa sinabi sa kanya ni Miss Rica. Masarap talaga ang tulog niya kagabi dahil meron siyang katabi kagabi walang iba kundi si Havier. Hindi namalayan ni Havier sa panonood nila ng pelikula nito ay nakatulog siya at naalingpungatan na lang siyang nakayakap sa makisog na binata at ganun din ito sa kanya. Naalala rin ni Elliot ang n

