Elliot 27

1662 Words

Chapter 27 Napaginipan na naman ni Elliot ang kanyang Tito Chan. Bumalik sa kanyang alaala ang mga ginagawa nila tuwing gabi at ang pagyakap niya rito at ang lagi nitong pagbili ng candy sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elliot. Inalis na lang niya sa kanyang isipan ang alaala ng kanyang Tito Chan. Gusto na niyang makalimutan iyon pero lagi lang itong bumabalik sa kanyang alaala. Napayakap na lang si Elliot sa kanyang katawan dahil sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan at mukha. Nandito siya ngayon sa balkonahe ng condo unit ni Mr. Armie Gutierrez. Kakatapos lang kumain ni Elliot at nabusog siya sa kanyang kinain. Ngayon ay muli na naman niyang nararamdaman ang antok. Napatingin siya sa loob ng condo unit at nakita niyang papalapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD