Chapter 36 "Pare mukhang napapadalas ang pagtambay natin sa tindahan ni Mang Diego ah?" ngising sabi ni Gabriel. Alam ni Gabriel na hinihintay na naman ni Havier ang guwapong binatang si Elliot. Sa ilang linggo na ang nakalipas ay napapansin niya na laging nag-aaya ang kanilang kaibigan na si Havier na tumambay sa tinadahan ni Mang Diego. Nag-aalangan lang si Gabriel na itanonh kay Havier kung nanliligaw ba ito kay Elliot? Kung ano ba talaga ang relasyon ng dalawa? Baka kasi ma-offend ito sa kanyang itatanong. "Ikaw na nga itong nililibre ikaw pa nagrereklamo," ngising sabi ni Havier. Simulang sabihin ni Havier na manliligaw siya kay Elliot ay lagi na niyang inaabangan ito pag-uwi nito galing sa trabaho. Lagi siyang natambay sa tindahan ni Mang Diego. Minsan naman ay sinasama niya

