Chapter 24
Bumalik na ako sa room namin, si Adam naman ay dumiretso na sa bungalow, doon na daw niya tatawagan ang parents at hihingi ng sorry sa pag-alis nito ng walang paalam. Medyo nawala ang alalahanin ko ng sabihin niya iyon sa akin. "Girlsss! Nagtext si Julian, get ready na daw, proceed na tayo sa pool" malakas na tili ni Nick, hindi ko alam kung excited o kinikilig sa text, siguro both haha
Rash guard ang suot ko, hindi pa naman ako college para mag- swim suit. Pero ang totoo talaga ay hindi ako sanay na ipinapakita ang katawan ko. Si Nic naman ay racer back at boyleg short. Ang iba ay one- piece, tulad ni Kris, sa palagay ko hindi ko pa siya ganoon kakilala para maging kaibigan. Ngayon ko lang naisip na mabuti na rin siguro ang nangyari kasi nalaman ko agad ang ugali niya. Hindi ko siya masisisi kasi sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Adam, ako lang naman haha! A big joke, may nararamdaman din naman ako kay Adam at espesyal iyon. Iyon nga lang, pinipigilan ko, mas priority ko sa ngayon ang pag-aaral ko. "Eve! Tara!" hinila ako ni Nic patalon sa pool waahh, wala akong nagawa ng mag-splash na kami, nakainom yata ako ng tubig. "Ang lamig" nanginig ako ng konti, kinampay ko ang mga kamay at paa ko, ang sarap lumangoy. "Doon tayo sa may slide, Eve" excited na sabi ni Nic "Sige, tara!" nag- unahan kami sa paglangoy patungo doon.
Sumunod sa amin sila Ali, Julian at mga room mates namin "Wooooohh!" ang ingay nagkakasiyahan na ang lahat, tawa naman ako ng tawa sa mga kalokohang pinaggagawa ng iba, ang iba naman ay pasayaw sayaw pa bago tumalon sa pool, hayyss I will treasure this moment talaga. Pumila kami sa slide at sunod-sunod na bumagsak sa tubig. Feeling ko ang tubig pumasok na sa tainga ko. Enjoy na talaga namin ang paliligo, halos hindi na namin napansin ang oras "Attention! Attention! everyone" may pumalakpak para makuha ang atensyon ng lahat. "There's a free food here courtesy of the resort, get yours now" everyone cheered. Nakita kong umahon na ang iba at pumila doon sa table kung saan nakahain ang pagkain. Nanatili muna kami ni Nic sa pool, ayaw sumabay sa mahabang pila. Malapit na palang mag- two o'clock, nag- skip kami ng lunch "Ano'ng oras tayo uuwi?" tanong ko "The management told our principal to have dinner first before leaving. So maybe after dinner" Ali explained "Oh! whole package pala, akalain mo iyon" si Nic
Namasyal ang iba sa fun park at ang iba naman ay lumipat ng pool. Ang mga room mates namin ay nagyaya din sa fun park. Hindi na ako sumama kasi nanggaling na kami doon ni Adam kanina. "Bakit ayaw mong sumama?" tanong ni Nic, hinila ako saglit sa isang tabi "Best, ano kasi galing na kami doon ni... Adam kanina" tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. "Best, kayo na ba?" "Ha? Hindi, bakit mo naman naisip iyan?" sabi ko, tumitig ito sa akin "Wala namang masama kung aaminin mo sa akin" "Hindi pa pwede, alam mo iyan" she sigh "Basta best, kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako" yumuko ako sa sinabi niya, parang gusto akong dalawin ng kalungkutan "Alam ko bestie...alam ko" mahinang sabi ko.
Sumabay ako sa kanila, madadaanan naman kasi ang room namin, ayaw ko ng maligo, mamamasyal kasi sila. Pagod na rin naman kasi ako, magpapahinga nalang ako sa room namin. Nakabihis na ako ng maisipan kong tingnan ang phone. May text si Adam, binuksan ko ang message sa inbox
AAZ: Done!
Me: Good! Thanks!
Pagkatapos kong magreply ay nag-ayos na ako ng mga gamit ko. Maaga pa naman, matutulog nalang muna ako. Nag vibrate ang phone ko. Calling...AAZ, bakit na naman kaya? "Hello" medyo namaos ang boses ko siguro dahil sa kakatawa at kakasigaw kanina. "Hi love!" masiglang bati nito "What are you doing" tanong niya "Ahmn, I will take a nap, how about you?" balik tanong ko dito "I'm thinking of you and our future ahead" napangiti ako sa sinabi niya "Really?" kinilig ako, well konti lang naman "Adam" "Yes?" "How old are you?" I asked "Why?" tanong din niya "Please don't answer my question with another question, it's inappropriate" "I'm twenty" sagot niya "Ahh, kaya pala" "What?" "Nothing, I'm just wondering how you become a CEO at early age" ngek! bakit iyon? e ang gusto kong itanong ay kung ilan na naging girlfriend niya waah, nag hesitate ba ang dila ko?
"My dad, he introduced me at the board meeting of our company last time as the next heir when I reach twenty. And last month, he turned over his position at me" "Oh so it means birthday mo pala last month? hindi ka man lang nag-imbita" biro ko sa kanya "Actually, I turned twenty before I met you" "Oh! Sorry my bad" tinakpan ko pa ang bibig ko na akala mo naman ay makikita niya ako. "I refused, I want to finish my studies first before I take the responsibility, athough it had been already discussed and agreed both my dad and grandpa to trained me at early age and become a CEO at twenty" mahabang paliwanag niya "I agree on a part that you are young and still studying to take that kind of responsibility was very hard, why change now?" natahimik siya "Ahh, not until I met you Eve" "Huh? me?" itinuro ko pa ang sarili "Yes, you, you gave me strenght and power, so I took the position immediately, to earn money for our future" omg! grabeh, ayoko na waaahh nakakakilig syett! para akong tangang pinupukpok ang higaan na walang tunog "Eve, what happen? are you okay?" nag-aalalang tanong nito, humikab nalang ako kunwari "Yeah" "Do you really want to sleep now?" "Oo" para tumigil na itong puso ko baka tuluyan ng mahulog sa iyo.
Nagpaalam nalang siya na pupunta nalang muna sa resto. Naalala ko na naman tuloy iyong magandang manager doon hayyss, naku Eve! matulog ka nalang mas maganda pa. Hayaan mo na iyon baka inutusan lang ng dad niya, mabuti pa nga siguro, sang-ayon ako sa sinasabi ng utak ko.
Nagising ako sa isang kalabit, dumilat ako "Eve, gising na, malapit na ang dinner" si Nic, kumurap kurap ang mga mata ko. "Hinahanap ka ni Adam kanina, sabi ko natutulog ka, gusto nga sana kitang gisingin pero sabi niya huwag na daw, hayaan ka nalang na magpahinga, how sweet naman best!" walang putol na kwento nito, kinikilig pa, tumango- tango lang ako "Inaantok pa ako" sabi ko lang sa kanya "Bahala ka, sige may thirty minutes pa naman" natatawang sabi niya, kaya itinuloy ko nalang ang tulog ko.
"Eve..." I heard her voice again, waking me up. "Hmmnn" hindi ko pa kayang dumilat "Sabay na daw kayo ni Adam kumain, tapos na kami" "Huh?!" bigla akong napabangon sa narinig "Ano'ng oras na?" tanong ko "Sleeping beauty oras na para gumising" natatawa ito "Wait! Banyo lang ako" dali- dali akong tumayo at tumakbo sa papuntang banyo. "Take your time, 9 pa naman tayo uuwi" pahabol nito sa akin.
"How was your sleep?" Adam ask, tumingin ako sa mga mata niya, parang may kakaiba. By the way he look at me, admiration was visible upon his deep set of brown eyes oh! my weakness... Erase!erase! sabi ng utak ko. Yumuko ako, inalis ang isiping iyon sa utak ko. Baka nagkakamali ka lang, at muli akong tumingin sa kanya at napapikit saglit "I had a good sleep, ang lamig napasarap ang tulog ko" sabi ko "I can't wait to see your face in the morning when you wake up, I'm very much sure that you're so damn beautiful" waahh totoo nga! full of admiration was seen on his eyes now. Napangiti nalang ako sa sinabi niya kahit gusto kong magtatalon sa tuwa, hindi pwede, malay ko ba baka binobola lang ako nito.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa resto nila. Nakita kong pumasok si Kristin at kasama ang pinsan ni Adam. Ano nga ulit name nun? nakalimutan ko na. Lumapit ang pinsan niya sa table namin ng makilala kami nito. "Hey! Eve!" tawag nito sa akin, nakalimutan ko name niya "Oh hi!" sabi ko "Late dinner?" tanong nito "Yes" nakangiti kong sabi dito "Oh! same here, I'm with my friend Kristin" at tiningnan nito si Kris na nasa likod niya. Tumingin din ako dito at tumango. Lumingon ako sa kaharap ko na nakasimangot na ang mukha "Finish your meal first" sabi nito sa akin at nilingon ang pinsan niya then ibinalik ulit ang atensiyon sa kinakain.
Narinig ko namang tinawag nito ang waiter at umorder sila ni Kris. Nang matapos ay lumapit ulit ito sa amin "Can we join you two?" sabi nito pero nakatingin ito sa akin "No! We are almost done" si Adam ang sumagot. May topak na naman yata ang isang ito. Kakabigay lang naman ng order namin e. "Sure!" sabi ko, napangiti naman ito sa akin. Tiningnan ko si Adam at kinunutan ng noo. Hindi na ito umimik ng sabihin ko iyon o kahit magprotesta ay hindi na ginawa, sigurado hahaba lang ang usapan pag nagkataon. Umupo sa magkabilang gilid namin ang dalawa. Katabi ko ngayon ang pinsan niya at katabi naman niya si Kris. Pinagmasdan ko ang mukha ni Adam, seryoso ito, hindi ngumingiti. Sa wakas dumating din agad ang order ng dalawa kaya nag-umpisa na rin silang kumain. Hindi umiimik si Kris, galit pa rin talaga sa akin. "Adam your mom called, she asks me to tell you that you should take good care of Tin and kindly send her home" nagulat ako sa sinabi nito at napatingin kay Adam. May alam din siguro ang pinsan nito tungkol sa kanilang dalawa ni Kris. "She had told me instead rather than telling you" sagot nito in a sarcastic tone. "I don't know, you better ask your mom" maya-maya nga ay tumunog na ang phone nito. He sigh after seeing who's the caller was. "I'm going to take this call" tumingin siya sa akin, kaya tumango ako. Tumayo siya upang magtungo sa bar counter at umupo sa isa sa mga stool pero nakaharap dito sa amin. "So Eve, how are you?" pagkaalis ni Adam ay nakipag-usap agad ito sa akin. Si Kris naman ay napansin kong sinusulyapan si Adam sa pwesto nito. "I'm good" sabi ko ng hindi tumitingin dito. "Do you know Kristin here? She's also studying at San Ignacio High" tumingin ako kay Kris "Yes, we're classmates" sagot ko "Oh! so you two knew each other!" parang hindi ito makapaniwala na magkakilala kami ni Kris. "Tin, you didn't told me that you knew Eve here" naiinis na lumingon si Kris dito "You never asked!" gigil nitong sabi "Yeah my mistake, I never asked" tumatangong sabi nito habang nakatingin kay Kris na parang alam na nito ang dahilan kung bakit at natawa nalang sa sarili.
Hindi mapakali si Kris kaya tumayo ito para lapitan si Adam, konti lang din ang nabawas sa pagkain niya. Sinundan nalang namin ito ng tingin ng lumapit kay Adam "You know what? Tita Amalia want them to end up together but Adam always refused, Tin mother and Tita Amalia were bestfriends" parang may kumurot sa puso ko, parang nanliit na naman ako sa sarili ko ngayon, ako nga yata talaga ang mang-aagaw dito, ako yata ang kontrabida sa love story nila, dapat na ba akong bumitaw? Pero paano na ang mga ipinangako sa akin ni Adam? Hahayaan ko nalang ba iyon?