Warning: Mature content Chapter 52 Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa suite. Hindi ko naman pwedeng igala ang anak ko dahil gabi na at isa pa maaga ko talagang pinapatulog ito at hindi hinahayaang magpuyat. Ganito rin ang pagpapalaki ni nanay sa amin noon kaya hindi kami sakitin na magkakapatid. Hinatid kami ni Charlie sa room namin. "Good night kiddo" ginulo nito ang buhok ni Cade. "Good night po papa" "Good night mommy" sabi rin nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Tumingin ako sa kanya, parang may kakaiba dito. Pero hindi ako nangahas na magtanong, hahayaan ko na siya mismo ang magsasabi sa akin. "Aalis na ako, mag-iingat kayong dalawa ha" Hinaplos pa nito ang ulo ni Cade bago bumaling sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon. "Charlie..." Tumang

