Chapter 42 Mabuti na rin na hindi malaman ng mga tao dito sa opisina ang kaugnayan ko kay Charlie. Ngayon ay two years na ako sa kompanya at na-promote na bilang manager. Nalipat sa ibang branch ang dating manager dito, ako ang pumalit. Nakatira pa rin kami sa bahay nina Tito Ed pero nagpaalam na rin ako na lilipat ng tirahan. Kumuha ako ng hulugan na condo sa Makati. "Bakit ka pa lilipat Eve? Malaki naman itong bahay para sa atin" "Pasensiya na po tita, gusto ko na rin po kasing matuto na tumayo sa sarili kong mga paa" "Ikaw talaga, sige pumapayag na ako basta kung may problema huwag kang mahihiya na magsabi sa akin okay?" "Opo, maraming salamat po huwag kayong mag-alala, dadalaw po kami ni Cade dito every weekends" Kumuha ng sasakyan ang kompanya para sa akin, regalo daw nila s

