Chapter 39 "Carmela, na check mo na ba lahat? Nakalagay na ba sa van ang mga pagkain?" hindi mapakali ang nanay na mas excited pa sa akin. "Opo nanay, huwag na po kayong mag-alala, pumasok na po kayo sa van ako na po ang bahala dito" natatawang sabi ni Ate Carmela. Sumama ang dalawa kong ate kasama ang cute kong pamangkin na si Andrea. Hindi nakasama ang mga asawa nila dahil may trabaho ang mga ito. Nagpaalam naman ang ate sa beach gayundin ang tatay. Mabuti at pinayagan, wish ko lang na hindi sana malaman ni Adam na kapatid ko si Ate Carmela. Hindi naman yata siya madalas sa beach kasi busy siya sa pagiging CEO ng kompanya nila. Pumasok na kami sa van, nasa front seat ang tatay, nasa loob kaming mga puro girls ng pamilya, oo nga pala, ngayon ko lang naisip na puro kami babae at si tat

