Today is Friday, ngayong araw na ang school festival kaya naman busy ang lahat sa paggawa ng kani-kanilang booths at stalls.
Nandito ako ngayon sa cr at nagbibihis ng costume para sa horror booth namin. I wore a white uniform with a holes on it. Medyo malalaki ang butas nito kaya naman medyo kita ang loob kaya nag sando ako.
Sa pangbaba naman ay nagsuot ako ng school skirt na hindi aabot sa tuhod ang haba. Ayoko sana ng Idea ng skirt kaya lang sabi ni Pyok ang panget na nga daw ng character ko tapos ang panget pa ng costume ko. Kaya ayun ginawa nilang estudyanteng sexy kuno na manananggal.
Tumingin muna ako sa salamin at inayos ko na ang muka ko. Ginulo-gulo ko ang nakaladlad na buhok at naglagay ng lipstick na magsisilbing pekeng dugo.
Paglabas ko ng cr ay instant tinginan agad sa akin ang mga estudyante. Kainis naman kasi eh, bakit ba ako pumayag na maging ganito. Kung nagserve na lang sana ako sa stall namin edi sana hindi ako pinagtatawanan ngayon.
Nice costume Krisha…bagay sayo! Right girls? Ani Lorry
I agree, bagay sayo Krisha…You look ahmm… very scary. Galingan mo manakot mamaya ha! Pag sang-ayon ng kaibigan ni Lorry na si Gladys.
Ang lakas nilang ganituhin ako ngayon. Palibhasa sila ang bahala sa entrance ng booth kaya di sila naka costume.
Naglakad na ako palayo kanila Lorry dahil wala namang sense ang pambubully nila sa akin ngayon.
Pagdating ko sa booth ay naabutan ko si Jess at Pyok na nakasuot na din ng costume. Hindi namin kasama ngayon si Jai dahil busy ito para sa pageant mamaya. Hindi ko rin alam kung nasaan si Ivan dahil hindi ko pa naman ito nakikita simula pa kanina.
Sana ol kasi maganda pa rin kahit naka costume! Sabi ko sakanila
Si Jess kasi ang white lady at si Pyok naman ang bampirang babae. Hindi naman ganoon kaeffort yung costume nila. Ako kasi kailangan pa ng pakpak.
Krisha you look sexy kaya with that look! Isipin mo, madalas na isipin ng iba sa mananangggal ay medyo matanda na panget. Look at you, nag upgrade at naging modern ang manananggal dahil sa look mo! Ang lakas ng s*x appeal mo para sa isang manananggal. Ani Jess
Alam mo wag ka na nga magreklamo. Isuot mo na tong pakpak mo at lumipad ka na papunta sa loob ng horror house dahil magsisimula na tayo. Sabi naman ni Pyok
Teka lang…nasan nga pala si Antony?
Kasama rin namin siya sa mananakot eh. Kasabay ko yun pumasok kanina. Saan kaya nagpunta yon?
Si Antony ba yun? Turo ni Jess sa isang lalaki na matangkad at naka costume ng Frankenstein. Halata namang inis na inis ito sa itsura niya dahil nakabusangot ang muka nito habang naglalakad.
O bakit naman nakabusangot ka? Tanong ko sakanya.
Sinong matutuwa sa itsura ko ngayon ha? Nakabusangot niyang sabi.
Eh sino ba kasing nagsabi na dapat mong mapatawa ang costumer natin sa horror booth? Sabi ko sakanya.
Sinimangutan niya naman ako lalo at hinila na papasok sa loob ng booth namin.
Pumwesto ako sa isang gilid na hindi masyadong mapapansin ng mga papasok. Hindi ko na alam kung saan nakapwesto sila Pyok at Jess. Si Antony naman ay malapit lang din naman sa akin.
Ang unang costumer namin ay mga babae. Di pa sila nakakapasok sa loob ng booth ay rinig ko na agad ang tilian nila. Tsk sakit naman sa tenga.
Ik…ik…ik…ik…ik…ik…ik….wag nga kayo, sound yan ng manananggal no!
Ng mapansin ko na malapit na ang mga babae sa pwesto ko ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at pinakita sakanila ang piinakapanget kong facial expression.
Dali dali naman silang nagsitakbuhan at umirit ng umirit dahil sa pananakot ko sakanila.
Hahaha mga abnormal… di ko pa nga naibigay yung best ko, tumakbo na sila!
Marami pa kaming naging costumer ngayong araw. Yung iba sa sobrang takot nahahampas ako, kapag naman lalaki nanununtok.
Sa totoo lang ang sakit na buong katawan ko dahil mas muka pa akong nabugbug!
Pinagbreak muna kami ng president namin dahil daw tanghalian na. agad kaming naghanap nila Jess at Pyok ng makakainan at si Antony naman ang bumili ng makakain.
Di na kami pumunta sa canteen dahil nakakahiya naman kung kakain pa kami doon ng ganito ang itsura.
Grabe ang sakit ng braso ko! Bwisit yung mga babaeng humahampas sakin kanina. Sakit na nga sa tenga tapos mapanakit pa! ani Jess
Ano pa ako? Nahipuan lang naman ako sa dibdib kanina…kadiri! Salong salo niya yung buong dibdib ko!!!
Sino naman kaya yung humipo sa dibdib ni Pyok? Grabe na nga yung panghahampas sa amin tapos mahihipuan pa.
Pagdating ni Antony ay agad niyang nilapag ang pagkain at inabot sa akin ang isang ice pack.
Ilagay mo sa gilid ng mata mo. Lalong lalala ang pasa niyan kapag di mo nilagyan ng yelo. Ani Antony.
Nasa isang open space kami at pansin na pansin namin ang lahat ng mga tao. Kung iisipin, hindi naman magiging ganito karami ang tao ngayon kung hindi open sa outsiders ang school.
Mamaya pagkatapos natin sa booth mag-ayos na agad tayo. I heard maraming gwapong outsiders’ ngayon ang nandito! Ani Jess
Hay nako Jess para ka na ring si Jai…Nga pala nag text sa akin si jai, papunta na daw siya ngayon dito.
I hope Manalo si Jai sa pageant. She has the looks and the wit. Ang laking achievement para sa akin na makitang Manalo ang kaibigan ko.
Wait lang guys cr lang ako…
Tumayo na ako at nagmadaling maglakad dahil sasabog na ang pantog ko.
Hindi pa man ako nakakarating sa destinasyon ko ay may isang kamay ang humila sa braso ko.
Where are you going? Tanong ni Ivan
Ano ba! Hinila mo na naman ang braso ko! Hobby mo ba ang manghila ha?
Sorry…Lumambot ang expression ni Ivan ng makita niya na mukang nasaktan nga ako sa pag hila niya.
Aba try niyong magpahila ng biglaan, ewan ko lang kung hindi sumakit ang braso niyo.
Tumingin muna ako sa paligid kung may mga tao ba, baka mamaya may makakita sa amin na magkasama kami eh.
Ano ba ang kailangan nito at kung makahila wagas? Nagmamadali na nga ako dahil sasabog na ang pantog ko tapos may eeksena pa!
Ano ba ang kailangan mo? Iritadong tanong ko sakanya?
Can you watch and support me later? Adik ba siya? Pwede niya naman sabihin yan sa akin sa text!
Malamang classmate kita at ikaw ang representative ng classroom!
No, not as a classmate boss…you know?
You know, what? Nagtataka naman akong tumingin sakanya.
You know, as ano….
Teka nga lang muna ha…nakakahiyang iwanan ka bigla. Excuse me lang, naiihi na ako at sasabog na ang pantog ko!
Kumaripas na ako ng takbo sa cr at pumasok sa cubicle. Grabe sumakit ang puson ko dahil sa pagpigil ko ng ihi!
Kagigil naman kasi si Ivan. Kung kalian naman ihing ihi ako tsaka siya manghihila.
Pagkatapos kong umihi ay naghugas na ako ng kamay at binalikan siya kung saan ko siya huling iniwan.
Pagdating ko dun ay nakasandal na siya sa pader at mukang inaantay din ako.
Sorry. Naiihi na talaga ako kanina pa kaya ganoon ang reaksyon ko kanina.
It’s ok. You actually look cute. Naiihing mananangal! Hahaha. Natatawang sabi ni Ivan sa muka ko.
Bakit? Tao pa rin naman sila ha! Kung makatawa to. Magka-UTI ka sana!
He’s making fun of me! He laughed at me bago lumapit sakin at bigla akong niyakap. Hindi naman ako kaagad nakareact dahil sa biglaan niyang pagyakap.
I know it’s not a sin to hug someone but, he’s Ivan. My goodness! Iilang tao lang ang nakakayakap sakanya, maybe his women, parents, brother or other relatives.
Hooy ano ba, baka may makakita satin dito. Nahihiya kong sabi sakanya.
Nakakahiya. I just realized how sweaty am I now. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit kaya paniguradong mabaho ako ngayon!
Pinilit kong makawala sa yakap ni Ivan pero ayaw niya ako pakawalan.
Just a minute boss…just a minute. Magrerecharge lang ako para mamaya kapag nasa pageant na ganado na ako.
Ihhhh mabaho na ako…
Ivan sniff my neck as if was the most aromatic flower he scented before. Ang feeling! Most aromatic hahaha.
You actually smell nice. Lalo niya pang ibinaon ang muka sa leeg ko at inamoy pati ang buhok ko.
Ahmm medyo awkward ang position namin. Never in my life na maexperience kong may yumakap sa akin na lalaki. I mean yung may something.
Hindi pa kasi kinaklaro ni Ivan kung ano talaga ang meron samin, I mean he said that he’s already committed but I don’t want to assume things dahil baka masaktan lang ako.
Ivan let go of me and stared at my face for a moment. Hindi naman ako makatingin ng diretso kay Ivan dahil nakakailang ang titig niya.
Kung hindi mo lang ako pinigilan na ipagakalat na boyfriend mo ako edi sana ngayon hindi tayo nagtatago.
That night. I can still remember it. I didn’t answer him when he asked me if I am committed to him. How can I answer him when he said that he’s committed to me already? And I doubt his reason also.
Hindi sa ayaw ko sa sinabi niya sakin but…feeling ko kasi, kaya lang niya gagawin yon ay para matigil yung pangbubully sa akin at hindi dahil sa gusto niya talaga akong maging girlfriend. You know what my point is?
And I guess I am not ready for that thing. I am happy with Ivan’s company, he makes me smile and laugh, and because of him, I learned how to be a jealous girl kapag may iba siyang kasama.
Something is stopping me to accept the thought of having a relationship with him. Not because of the bullies, not because babaero siya but maybe because I’m too scared of my father. I am willing to accept him even though I know to myself that he’s a player but, I cannot fully accept him because I’m scared of the things that might happen if I ended up having a relationship with him.
Wala naman tayong kasiguraduhan kung titigil talaga sila sa pagbully kung sasabihin mo yun eh, kaya…much better kung di mo na lang sabihin.
Ivan look at me with a serious face. I know that he knows that I am using this as an excuse. He sigh as he look me in my face.
Come to the pageant later…support me my boss. I smiled at him and give him an assurance that I will support him in the pageant.
Nagsimula na akong maglakad na at bumalik na sa mga kaibigan ko.
Boss, scream my name to support me, okay?he screamed to me.
Nakangiti akong kumaway at tumango sakanya bago ko siya tuluyang talikuran at maglakad palayo.
Pagdating ko sa pwesto namin ay agad din kaming nag-ayos at bumalik sa booth namin.
We never expect na dadami ang mga pumasok sa booth namin dahil pahapon na. Maybe because ngayon pa lang dumagsa ang mga outsiders dahil excited na silang panoorin ang pageant mamaya.
The pageant will be held in our auditorium at 6 pm. Buti na lang at pumayag sila papa na manood ako ng ganito dahil nalaman nila na isa sa mga kaibigan ko ang kasali. Panatag din sila dahil kasabay ko naman si Antony pauwi.
5 pm na ngayon at natapos na din kami sa booth. Lumabas kami at nagpunta sa cr para magbihis ng maayos na damit.
I wore a yellow floral puff dress with a white sandals. Isa ito sa damit na binigay sa akin ni Jai kaya sinuot ko.
Pagdating namin sa lugar ay hindi pa naman nagsisimula ang pageant. Maraming tao ang nasa loob. May mga banners na dala ang iba bilang pagsupport sa kandidata o kandidato nila.
Let’s go. Let’s check Jai sa backstage. Ani pyok
Naunang maglakad si pyok na sinundan naman namin ni Jess.
Busy ang lahat sa backstage. May mga naka suot na ng mga formal wear habang inaayusan sila.
Nang makarating kami sa pwesto ni jai ay nakita ko kaagad kung gaano siya kaganda ngayon sa suot niya.
She’s wearing a gold slutty dress, paired with a 5 inch pair of heels. Hindi naman ganoon ka-slutty yung suot niya pero yun talaga yung pangalan nung damit. Nakaladlad lang ang buhok niya na lalo pang nagpasexy sakanya. nude lang ang make up niya na lalong nag-angat sa hubog ng muka niya. Shemay ang ganda niya.
How do I look guys?
You look great…ani Pyok
Great lang talaga Pyok? Panira ka naman ng confidence eh!
You look stunning Jai…nakangiti kong sabi sakanya.
Girl! Galingan mo mamaya ha. Ichicheer ka namin!
Syempre gagalingan ko no. ipapanalo natin ang korona.
Luminga linga ako sa paligid upang hanapin kung nasaan si Ivan.
Looking for someone? Tanong ni Antony na nasa gilid ko.
Oh my God! Saan ka ba galing at bigla bigla ka na lang sumusulpot sa tabi ko?
Iniwanan niyo ako kanina. Nagbihis lang ako tapos pagpunta ko sa booth natin wala na kayo. Ani Antony
If you’re looking for him, nasa kabilang side siya ng stage. Hindi pwedeng pagsamahin ang babae at lalaki.
I’m not looking for him! Sigaw ko sakanya bago umalis at pumunta sa pwesto nila Jess.
Guys be ready. The show is about to start. Ani ng coordinator ng pageant.
Lumabas na kami nila Pyok, jess at Antony para mas mapanood namin ang show.
Magaganda ang candidate na rumarampa sa stage. But I must stick to my candidate. Lumabas si Jai ng nakangiti at rumampa na parang isang professional sa stage.
I am Decery Carpio, seventeen, from ICT! Nag ingay ang buong fans ni Jai matapos niyang magpakilala.
Matapos ng mga babae ay ang mga lalaki naman ang rarampa. Lumabas na ang lahat ng lalaki at nakita ko si Ivan. He’s wearing black blazer with the red shirt inside and a jeans.
I never see him with this kind of attire. Ang gwapo niya…sobra.
Bago pa siya magsalita ay nag suot ako ng cap at medyo lumayo ng kaunti kanila Pyok. I said to him that I will support him kaya gagawa ako ng paraan para masuportahan ko siya.
I am Ivan manicio, Eighteen from ICT!
Bago pa man tumalikod si Ivan sa pwesto at bumalik sa pwesto ay sumigaw ako.
Good luck Ivan! Win the crown for your boss!
Kita ko naman kung paano ngumiti si Ivan dahil sa sinabi ko.
I hope that he is charge enough para Manalo sa contest na ito….
Kahit na nakakahiya ang ginawa ko ay napapangiti pa din ako. Seeing him smiled because I shouted his name makes my heart flutter.
Going back to what we’ve stated before, I never thought that I’ll be like this to him. Who would have thought that from a man who I dislike the most, I learned to like him. Even though he’s the most playboy I’ve ever encountered, I still learned how to appreciate things that he’s doing to me.
Halos masuway ko na din ang mga magulang. Calling him every night is a big risk for me to take. Kahit na alam kong mapapagalitan ako nila mama at papa kapag narinig o nalaman nila may lalaki akong kausap, sumugal pa din ako.
I even remembered how I talked to myself and tell that I need to focus on my studies… that I am going to school for learning and not for boys. Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil nilimitahan ko yung sarili ko dati dahil sa paniniwalang itinatak ni papa sa isip ko tapos ngayon, para akong tanga na humahanga sa isang lalaki na gusto ng lahat.
Am I insane? Wala na nga siguro ako sa tamang pag-iisip dahil nagustuhan ko ang isang tulad niya. A man who break the hearts of all the girls he dated. A man who can’t be tame.