Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasabi sa akin ng lalaking ito ngayon.
Pardon me…You’re here because of what? I hysterically asked to him.
I’m here because I was promised to marry someone from your clan.
And that’s okay with you? Are you out of your mind? Ipapakasal ka sa hindi mo naman mahal tapos okay lang sayo?
I should not be paranoid. Pwedeng hindi ako ang ipakasal sakanya and I am praying na sana nga hindi ko. But why am I exaggerated right now?
Are you afraid na ikaw ang mapili bilang asawa ko? He asked me while laughing.
Aba may gana pa siyang tumawa ngayon? For me it is a serious thing tapos sakanya parang wala lang?
He’s now scanning my whole body until his eyes stopped in my boobs. Tinakpan ko naman ang sarili ko dahil sa ginagawa niya.
You’re actually pretty good to be my wife. Should I suggest you? He said with his smirked face.
Ha! Hindi ko siya magugustuhan at kung ako man ang mapili, lalayasan ko siya.
Do you think my father will allow my lola Madre’s agreement with your family? He’s too protective to allow you to marry me!
He just smirked at me. Mukang nagugustuhan niya ang pang-aasar sa akin. I am now devoted to someone, and I will not do reckless action. Ayokong mahiwalay sakanya…ayokong mahiwalay kay Ivan.
Moments passed and my phone rang. It is Ivan who’s calling me right now.
Lumayo muna ako ng kaunti sa Ivan na kasama ko para hindi niya marinig ang pakikipag-usap ko sa telepono.
Love…I first said.
Boss…galit ka ba? You didn’t answer my texts and calls last night after we fight so I thought you’re still mad at me. Ivan said with his calmed voice.
Nasa tamang pag-iisip ka na ba ngayon? I asked him with my serious tone.
Akala mo makakalimutan ko yung nangyari kagabi? I still hate him. May mga araw na ganon ako sakanya lalo na kapag nag-aaway kami tapos siya naman ang nagsimula.
I’m sorry boss…I promise not tell those things to you again…I know you love me and no one can change me in your heart right? Nagiging bata na naman siya. Gantong ganto siya kapag humihingi ng tawad sa akin eh.
I sigh. I feel defeated now. Promise me Ivan…If this happen again, I won’t tolerate it anymore…hindi ako lalakero para ipagpalit ka sa iba. Sana maintindihan mo yon.
Sorry talaga boss…I love you. Ingat ka diyan. Text me again later. Or maybe I’ll just check on you from time to time.
Bye love…love you too. I ended the call and looked back.
I saw Ivan, yung Ivan na pinakilala sa akin. He’s peeking on me. Did he heard my conversation with my boyfriend?
Lumapit ako sakanya. He just smirked at like he knew or heard something.
Akala ko ba strict ang parents mo? Parang di naman…pang-iinis niya sa akin. Kaya ba ayaw mo dahil…may boyfriend ka na? He asked me
Oh e ano ngayon? Does that change a fact na ayaw kong magpakasal sayo.
I didn’t say you will marry me…you said it to yourself.
But you said to me that I might be your bride! Naiinis kong sigaw sakanya.
Yes I said that you MIGHT be my bride. I didn’t say that they chose you already. He said to me, emphasizing the word ‘might’.
Dahil sa inis ko sakanya ay umalis na lamang ako at bumalik sa party. Buong magdamag akong nakabusangot dahil sa pangba-bad trip sa akin kanina nung Ivan na pinakilala sa akin.
Hindi naman kasi Malabo na ako ang ipakasal sakanya dahil sa akin siya pinakilala diba? I assumed it already.
Days passed, pasukan na ulit. Tapos na ang break at kailangan ko ng balikan ang reyalidad ng school.
Five days kaming nagstay sa bahay nila tita. Umuwi na din kami bago mag new year. Nothing happened with those days. Nagkakausap pa din kami ni Ivan.
Ngayong araw, may usapan kami ni Ivan na mag date. Nakapagpaalam na ako kanila mama pero ang paalam ko sakanila ay tatapusin ko na yung mga activity na pinapahabol sa amin.
Boss, here! Nakita ko si Ivan sa gilid ng parking lot katabi ang sasakyan niya.
Nang makalapit ako sakanya ay agad niya akong niyakap.
I missed you, Boss…He said to me with his sweet voice.
I missed you too Love…Ilang araw din tayong hindi nagkita. Ani ko sakanya habang nakayapos ang dalawang braso ko sa beywang niya.
Edi punan natin yang mga araw na yan…dapat araw-araw ang date natin.
I’ll try my best Love…alam mo naman sila mama at papa.
Kita ko kung paano magbago ang timpla ng muka ni Ivan. Mukang hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa akin.
We better go Love…mas maaga tayong aalis mas marami tayong oras na magkasamang dalawa.
Okay. He said to me before he open the door of his car.
Habang nasa byahe ay puro lamang kami kwentuhan. He asked me what happened in our reunion and I said to him that I met a lot of family members from our clan.
I didn’t tell him about Ivan, the man that I hated that day. Matapos naming mag-usap non, hindi ko na siya ulit nakita at nakasama pa.
Eh ikaw Love, how was your Christmas vacation? I asked him.
Nothing much…He said to me while he’s still focusing on driving. My mom and Jerome celebrated the Christmas in our house. Nung New Year naman, pumunta ang pamilya ni decery sa bahay namin.
We parked his car in the parking lot of the mall. Bumaba na kaming pareho ng sasakyan at pumasok na sa loob ng mall.
We hold each other hands as we walked in the mall. Maraming napapatingin sa amin, or should I say, kay Ivan. Everywhere we go, nahahakot niya ang tingin ng lahat ng tao lalo na ng mga babae. Wala akong magagawa, ang gwapo ng boyfriend ko eh.
Nang mapagod kami at makaramdam ng gutom ay napagdesisyonan namin na magpahinga at kumain sa isang fancy restaurant.
Nasanay na ako na tuwing kasama ko si Ivan, lagi kaming kumakain sa isang mamahaling restaurant. Wala naman akong magawa dahil yun ang gusto niya.
What do you want to have? He asked me.
Uhm …isang pasta na lang at isang juice. I said to him. Kahit naman na hinahayaan ko si Ivan na pumili ng kakainan ay umuoder pa rin ako ng hindi ganoon kamahal na pagkain. Nakakahiya na nga na dinala niya ako sa ganitong lugar tapos nakakahiya pa na umorder ng mahal.
Tinawag ni Ivan ang waiter at sinabi ang order naming dalawa.
While waiting for our food, a man appear in front of our table.
Ivan! What are you doing here? A man asked to Ivan.
Ivan looked at the man. Jomar? Hey man! Tumayo si Ivan at nakipagkamay sa lalaking ngayon ay nasa harapan pa rin namin. I’m with my girlfriend…You? What are you doing here? May kasama ka?
Yeah…I’m with my girlfriend also. The man name Jomar looked at me. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay kaya naman tinanggap koi to. I’m Jomar…Ivan’s friend.
Nice to meet you Jomar…I’m Krisha, Ivan’s girlfriend. Pagpapakilala ko sakanya.
Nagtataka kung tinignan ang lalaki dahil sa tinitignan niya ng maige ang muka ko.
You’re back to yourself, man! Paiba-iba ka na naman ng babae. Natatawang sabi ng lalaki kay Ivan.
Uhm…excuse me, what are you saying? Nagtatakang tanong ko sakanya.
Nakita ko si Ivan last week dito sa mall. He’s with a woman. pandak at payat yung nakita ko kaya nasisiguro ko na hindi ikaw yung nakita ko na kasama niya. Mahabang paliwanag niya sa akin.
I looked at Ivan that is now silent. Mukang wala siyang balak na magsalita.
By the way Ivan. Iimbitahan sana kita sa birthday ko…alam mo na, dating gawi. You can bring your girl. He looked at me. Kung siya pa rin. Umalis na ang lalaki at iniwan na kaming dalawa ni Ivam
I waited for him to explain. Bakit makikita siya ng kaibigan niya sa mall kasama ang isang babae? And what did he say? Bumalik na naman daw sa dating gawi si Ivan?
If I think about it, matangkad din ang mama ni Ivan katulad ko kaya naman imposibleng siya yon. Lastly, wala siyang kapatid na babae. Kaya sino yung babae na sinasabi nung kaibigan niya?
Wag mong paniwalaan yung sinasabi ni Jomar…loko-loko yun eh. Hindi ako pumunta ng mall na may kasamang babae. Maybe akala niya ako yun pero hindi talaga ako yon. He explained to me.
Somehow napapaisip ako kung paniniwalaan ko si Ivan sa explanation niya. Before he became my boyfriend, I’ve known him as a playboy. At nung naging boyfriend ko naman siya, wala akong nababalitaan na may babae siya dahil madalas na magkasama kaming dalawa.
I just looked at him and didn’t say anything. Medyo nahihirapan talaga akong tanggapin ang reason niya.
Pagdating ng pagkain ay kumain na kami. Tahimik lang at wala pa din kaming kibuan. Sometimes he will ask me some random question and I’ll just answer him…pero after non tumatahimik ulit ako.
Matapos naming kumain ay naisipan naman namin na manood ng movie. He let me choose what movie should we watch kaya naman napili ko ang isang movie na bago pa lamang ipapalabas sa sinihan.
We entered the cinema at umupo sa dalawang bakanteng upuan sa taas.
While watching, I can still saw Ivan looking at me. Pag napapansin niya na tumitingin ako sa gawi niya ay iiiwas niya sa akin ang mata at ibinabalik sa pinapanood.
As I watched the movie, I can understand the whole story of it. Ang bidang babae at paulit-ulit na tinanggap ang lalaking nanakit sakanya ng pauli-ulit dahil sa iisang babae. At the end of the movie a girl leave the man and found new love in the arms of the other guy. Nagkapamilya sila at nagkaroon ng mga anak. Ang lalaki naman na nang-iwan sakanya ay iniwan din ng babaeng pinili niya. Sinubukan niyang balikan ang babaeng bida pero nakita niya kung gaano na ito kasaya sa piling ng iba.
Totoo nga talaga ang kasabihan na ‘ nasa huli ang pag-sisisi’. There are times that we were choosing between two things. And after we choose what we really want, marerealize mo na hindi ka pala masaya don at magsisisi ka kung bakit yun pa ang pinili mo.
Boss…Ivan reached for my hand. Are you still bothered about what Jomar said to you? He asked me.
I just sighed. Oo. I honestly said to him. Iniisip ko kung totoo nga ba na nakita ka niya with another girl.
You know me Boss, I can’t do that to you…
Yea…I know you Ivan. I really do…Once you were a playboy before you entered the relationship with me. Seryoso kong sabi sakanya.
Hindi sa wala akong tiwala sakanya pero…dahil sa sinabi ng kaibigan niya, bumalik ang takot ko na baka nambababae ulit siya.
How can I cheat on you, Boss? You know how much I love you right? Hindi ka ba nagtitiwala sa akin? Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Sayo Ivan meron, pero sa tukso? I really trust him. Nakikita ko naman kung paano siya nabago ng pagsasama namin.
If you trust me then, trust me more. Ni minsan, hindi ko pa naramdaman magmahal ng ganito sa isang babae Krisha…Ikaw lang…I promise you. He said to me.
Unti-unti niya namang nilapit ang muka sa akin at pinatakan ng halik ang aking labi. It was a smooth kiss. Iba sa halik na ginagawa niya sa mga babae niya noon.
Pagkatapos naming mamasyal ay hinatid na ako ni Ivan sa kanto namin. Medyo madilim na kaya nagmadali ako na umuwi dahil baka mapagalitan ako nila mama at papa.
Pagdating sa bahay ay bumungad kaagad sa akin ang muka ni papa na nanonood ng Tv.
Anong oras na Krisha…mukang palagi kang ginagabi ha...seryosong sabi sa akin ni papa.
Tumingin lamang si mama sa akin at mukang inaantay din ang sagot ko kay papa.
Madami po kasi kaming projects pa…malapit na din kasing matapos ang school year ngayon kaya baka palagi po akong gagabihin. Dire-diretso kong paliwanag kay papa.
Siguraduhin mo lang Krisha…pag nalaman ko na iba ang inaatupag mo at hindi ang pag-aaral mo…sinisiguro kong titigil ka sa pag-aaral mo.
Tumango na lamang ako kay papa at pumunta na sa kwarto.
Natatakot ako na malaman ni papa ang tungkol sa amin ni Ivan. I promised Ivan na sa graduation ko siya ipapakilala kanila mama. I told him na by that time, mapapayagan na siguro ako nila mama na pumasok ng isang relasyon.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Ivan is already in our room. Habang naglalakad papunta ng room ay nakasalubong ko si Lorry.
Hi Krisha! Masayang bati sa akin ni Lorry. What’s with her? Bakit parang massayang masaya siya na makita ako?
Nagtataka ka siguro kung bakit masaya ako ngayon no? she asked me while smiling.
Uhm hindi naman.
Ano ka ba Krisha…wag ka ng mahiya na aminin. Alam mo kasi…lumapit siya sa gilid ko at ipinusisyon ang bibig malapit sa tenga ko. May boyfriend na ako. Tumingin ulit siya sa akin.
Ano namang pakealam ko kung may boyfriend na siya? Ayos nga yon eh, wala ng maghahabol kay Ivan.
Great! Congratulations then. I said to her.
Aww you’re so sweet and thoughtful... I thought ikaw ang pinaka malungkot sa binalitaan ko but, you look so happy to hear my news.
Hindi naman masyado… sabi ko sakanya na parang bored na bored. May iba ka pa bang sasabihin? I asked her and she shook her head. Bye Lorry.
Bye Krisha! Kita na lang tayo sa room. Nagsimulang maglakad si Lorry palayo sa akin pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay lumingon ulit siya sa akin. By the way… you should congratulate Ivan too. She said to me with a smirk.