4

2198 Words
Nanatili lang ako nakatitig sa kaniya na may bakas parin ng pagkagulat. Pagkagulat sa mga narinig ko mula sa kaniya. Totoo ba 'yon? Lumipat siya nang dahil sa akin? K-kilala niya ako? Eh bakit hindi ko siya kilala? Pero ang sabi niya, gusto pa daw niya ako makilala... Naguguluhan na ako sa pinagsasabi niya! "S-Spencer..." wala na akong masabi pa. Mukhang sa mga pinagsasabi niya, nabablangko ang isipan ko. Matamis siyang ngumiti. Doon ay dahan-dahan na niya ako binitawan. "Alam kong nabubuo sa isipan mo ang mga tanong, my baby doll. Malalaman mo din sa takdang panahon ang lahat." masuyo niyang sabi pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa aking mga mata. "Habang pinaghahanap natin ang kapatid mo, you can stay here. Be my guest—" Umaawang ang bibig ko. "M-magtatrabaho ako dito. Kahit katulong nalang." bigla kong sabi na dahilan para mapatulala ko siya. Binawi ko ang tingin ko sa kanila. "M-marami ka nang naitulong sa akin... Big deal sa akin na pinapahanap mo ang kapatid ko. Kaya, bilang kapalit na ng pagtulong mo sa akin, susuklian ko 'yon bilang isa sa mga maid ninyo—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko na bigla niyang pinulupot ang isang braso niya sa bewang ko. Namilog ang mga mata ko dahil sa inakto niya! "Spencer!" saway ko sa kaniya. Hindi mabura ang matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Kung bayad ang pinag-uusapan dito, hindi iyan ang gusto kong maging kabayaran mo, my baby doll." "A-anong..." "Ang maging asawa ko balang araw." Iyon ang dahilan para matigilan ako nang tuluyan. Kasabay na bumilis na naman ang kabog ng aking dibdib sa huling pangungusap na sinabi niya. Ang babata pa namin pero bakit iyon agad ang pinagsasabi niya? Ramdam ko na nag-iinit na ang mukha ko! Nakakahiya! "I want to share my surname with you in near future." namamaos niyang sambit. Ang mas hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Hinalikan niya ang noo ko! "Makukuha ko din ang pagmamahal mo, handa ako maghintay, my baby doll." - Nakapatong ang mga palad ko sa railings ng balkonahe na ito. Nakatingala ako sa kalangitan. Tapos na kami magdinner. Nagpaalam ako kay Spencer na didiretso an ako sa guest room dahil nakakahiya naman kung mananatili pa ako sa kuwarto niya. Mas nakakahiya baka ano pang isipin sa akin ng mga maid nila dito, pati ng mga magulang niya, kahit hindi ko pa ito nakikita. Dahil sa gabi na, maraming mga bituin doon. Maliwanag pa ang buwan. Napangiti ako nang naalala ko ang sinabi sa akin noon ni mama noong bata palang ako. "There's a whole civilization that used to believe they could see their destiny in the star." Stars determines your destiny. Ako kaya? Ano kaya ang magiging destiny ko balang araw? Magiging ganap ba akong nutritionist balang araw? Makukuha ko ba ang gusto ko sa buhay kung nagkataon? Pero papaano ko ba malalaman ang destiny ko sa pamamagitan ng mga bituin sa langit? - Lunes ngayon. Ibig sabihin, may pasok ako. Maaga ako nagising. Inunahan ko na ang mga maid sa paggising. Nagtataka ako kung bakit may uniporme na ako sa gilid nang kama. Mabuti nalang ay nakalakip na note doon, sinasabi ni Spencer na binilhan na daw niya ako ng uniporme. Pati ng bag na gagamitin ko sa eskuwela. Tinanggap ko nalang iyon dahil mas importante sa akin ngayon ay ang pag-aaral at makapagtapos. Nagluto ako ng almusal bago ako umalis. Hindi pa gising si Spencer nang umalis ako. May dahilan naman ako kung bakit hindi na ako sasabay sa kaniya sa pagpasok. Dahil ayokong maging laman kami ng tsismis ng mga kapwa din naming estudyante. Ilang beses ko nang pinag-isipan ito kagabi. Hindi porque magkasama na kami ni Spencer sa iisang bubong ay ganoon din ang trato namin sa isa't isa kapag ibang tao na ang nakakita. Tahimik akong nagsusulat ng notes. Hindi kasi uso sa akin ang laptop at tablet. Dahil sa hindi naman ako mayaman na tulad sa kanila ay nagtityaga ako sa pagsusulat. Sinusulat ko lang ang mga important terms sa mga itinuro ng mga instructor. Kapag may poryekto naman, talagang pumupunta pa ako sa mga computer shop na malapit lang dito sa school para gumawa. Ganoon din kapag may assignment. Lahat dinaan ko sa tyaga. Wala akong pakialam kung minsan ay nakakarinig na ako ng pangungutya nila dahil sa isang akong mahirap. Hindi naman ang pakikihalubilo ang kailangan ko sa kanila—diploma. Which is my gate pass to fulfill my wishes and dreams. Sarili ko ang katuwang ko. Umaasa ako sa sarili kong kakayahan. Namulat na ako noong bata palang ako na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay kaya kang tulungan. Minsan pa ay hinatatak ka paibaba. Sasaksakin ka patalikod. In short, school is a battlefield. They are competitive and they will treat you as their opponent. Wala akong pakialam sa kanila kahit ilang beses na nila ako tapunan ng matatalim at masasamang tingin.I always need to look straight forward to my goals. Lunch break na. Tanging sandwich at zesto lang ang binili ko. Dahil iyon lang ang kaya ng pera ko. May naiwan pa naman akong pera mula sa allowance na binigay ng aming ama. Pagkatapos ay tumambay ako sa rooftop saka kumain. Bigla tuloy sumagi sa isipan ko na kailangan ko na yatang maghanap ng trabaho kahit na nag-aaral pa ako. Kung tutuusin naman ay kaya kong magtrabaho sa gabi. Tama nga, maghahanap ako ng trabaho. Mamaya ay gagawa ako ng resume. Hindi ako pupwedeng sumuko. "Bakit mo ako iniwan sa bahay?" Napasinghap ako nang mairnig ko ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong lumingon. Si Spencer! Umupo siya sa tabi ko. May dala din siyang pagkain. Papaano niya ako nahanap?! "Nakita kitang paakyat dito sa rooftop kaya sinundan kita. Next time, huwag na huwag mo nang gagawin iyon." seryoso ang kaniyang boses. May bahid na pagtatampo. Yumuko ako. "Ayoko lang na may makakita na iba lalo na kung magkasama tayo. Magtataka lang sila..." mahina kong usal. "Hindi ba, ang sabi ko, wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin ng ibang tao sa paligid natin?" seryoso pa siya. Hindi pa niya naigalaw ang kaniyang pagkain. "Wala sila sa lugar para husgahan nila tayo." "Baka kasi awayin ako ng mga fans mo." sumeryoso na din ako. Totoo, marami nang babae na nagkakandarapa sa kaniya. Ang tawag nga sa kaniya prince charming. Kung sabagay, bagay nga sa kaniya ang titulo na iyon dahil mukha talaga siyang prinsipe sa hitsura niya. Lalo na't mayaman siya. Prinsipe na kung ituring siya ng mga maid sa kanila. "Fans? Tss." tumawa siya na may panunuya. Ang suplado din pala ng isang ito. "Hindi ka ba masaya kapag may fans ka?" kaswal kong tanong. "Nope. Ayaw namin ng mga pinsan ko na ganyan. Masagwa para sa amin." ginalaw na niya ang kaniyang pagkain. Ang akala ko ay kakain na siya pero bigla niya itinutok ang kutsara sa akin. "Say, aaah..." Kumunot ang noo ko. "Pagkain mo 'yan. Okay na ako sa sandwich..." Hindi siya nagpatinag. Mas inilapit pa niya ang hawak niyanng kutsara sa akin. Sa huli ay wala na akong magawa kungdi kainin ang nasa kutsara. Medyo natigilan ako nang matikman ko ang pagkain. Bumaling ako sa kaniya. Hindi ito ang pagkain na niluto ko kanina. Masarap ito at mukhang sosyal pa! "Nagluto ka ba bago umalis kanina?" bigla kong tanong. Masarap ang tapa ng baka! "Yeah, pero namarinate ko na ito kagabi." sabi niya. "Hindi pupuwedeng sandwich at juice lang ang pagkain mo." "Lahat ba kayo magpipinsan, marunong magluto?" sunod kong tanong. Tumango siya. "Yeah, dahil nasa food business ang family namin kaya hindi pupwede na hindi kami marunong magluto. 'Yung mga tatay namin ang nagtuturo sa amin sa pagluluto." sagot niya. "Masarap din ang luto mo kanina." Nararamdamaman ko na naman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Simpleng compliment lang 'yon pero bakit ganito na naman ang reaksyon ng sistema ko?! Oo, nagluluto ako para sa aming ama pati sa mga kasama nito pero never ako nakarinig sa kanila ng ganitong compliment. Kahit sa kapatid ko ay wala akong narinig sa kaniya na ganoon. Maliban lang sa dalawang tao na nakaappreciate ng luto ko, sina mama at Spencer. Yumuko ako. "S-salamat..." "Pupwede ka nang maging asawa ko." Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin na nanlalaki ang aking mga mata dahil sa pagkawindang. "Masyado pa tayong mga bata, Spencer." hindi ko mapigilang ikumento 'yon. "Eh di hihintayin kitang mag-eighteen. Kahit naman mag-asawa na tayo, hindi ako magbabago para sa iyo." Dahil na naman sa mga mabulaklakin niyang mga salita ay nagawa na naman niyang itikom ang aking bibig. Hindi na naman ako makahinga dahil mas bumilis ang pintig ng aking puso. Bakit masyado siyang kampante kapag pinag-uusapan ang mga ganitong bagay? Hindi naman sa naiilang ako, hindi lang talaga sumagi sa isipan ko ang salitang pag-aasawa. Masyado lang akong focus sa mga goals ko. "Marami pang mangyayari, Spencer. Maraming magbabago, kahit ang feelings, magbabago kapag namulat na sa atin ang katotohanan. Hindi tayo pupwedeng mamuhay lang sa fantasy. We're living in a reality." "But you are my reality, my baby doll." "Spencer naman... Seryoso ako." Nagkibit-balikat siya. "Mas seryoso ako." muli na naman niya ako binigyan ng matamis na ngiti. "Seryoso ako sa iyo, MC." tapos na siyang kumain. Iniligpit na niya ang kaniyang baunan. Nagpunas siya ng mga labi sa pamamagitan ng kaniyang panyo. Bumaling siya sa akin. "Simula ngayon, ako na ang magluluto ng baon para sa magiging misis ko." dahil sa mabilis ang kaniyang kilos at nagawa niyang halikan ang tungki ng aking ilong! "Mag-aral ka ng mabuti, ha? Hihintayin kita pagkauwian. May ibibigay ako sa iyo." Napalunok ako't pakurap-kurap na tumingin sa kaniya. - Habang pabalik na ako ng classroom ay tumigil ako saglit. Tumingin ako sa kanan ko at kumunot ang noo. Nagtataka ako kung bakit may mga estudyante na may mga nakapila, meron ding nagkakagulo. Umiba ako g direksyon. Naglakad ako sa gawi na iyon. Nang nakarating ako doon ay napagtanto ko na ngayon na pala ang registration para sa mga clubs. My mga sports club, meron ding drama club, scriptwriting at kung anu-ano pa. "Hello!" Napaatras ako't napasapo ako sa aking dibdib dahil sa pagkagulat. Biglang may sumulpot na babae sa harap ko! Mas matangkad ako sa kaniya nang kaunti pero ang cute niya! "Ako nga pala si Mika! President ako ng Soup Kitchen Club. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si MC Defament, tama?" nakangiti niyang tanong. "A-a... Ako nga..." Mas lalo ako nagulat nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nangingislap ang mga mata niya nang sagutin ko ang tanong niya. "Hindi rin ako nagkakamali, isang beses ay nakasali ka sa Nutrition Week dito sa school natin at ikaw ang naging champion last year. Narito ako para sabihin na sana ay makasali ka sa amin. Hindi lang volunteer club ito, I mean, lumalaban kami sa mga cooking competition, at ang premyo na nakukuha namin ay nadodonate namin dito sa club. And of course, feeding so many people who truly need it. Like, feeding program. It's a really worthwhile cause." "Ahh... Ehh..." hindi ko alam kung anong isasagot ko. Maganda naman ang agenda ng club niya pero iniisip ko, kailangan ko din ng trabaho. "Sure, you can count us in." Sabay kaming napatingin sa gilid namin nang biglag sumulpot si Spencer. Nakapamulsa siya at nakangiti. "T-talagaaaaaa?" hindi makapaniwalang tanong ni Mika. "Walang halong biro? Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Spencer Hochengco, galing ka sa Hochengco Clan, kilala ang pamilya ninyo pagdating sa food business. Kadalasan kayo magpipinsang lalaki ay sumasali sa national culinary competition. Hindi lang dito sa Pinas, maski sa ibang bansa." Napakamot ng batok si Spencer. "That was supposed to be a secret and I want to be low-profile..." mahina niyang saad. Sumapo ng bibig si Mika. "Sorry!" "It's alright." mahina wika ni Spencer. Bumaling siya sa akin. "Kasali na tayo, ha?" Walang sabi na hinawakan ko ang kamay niya. "Saglit lang, ha?" wika ko kay Mika. Mabilis ko din hinatak si Spencer palayo. Pinanlalakihan ko siya ng mga mata. "Hindi ko alam kung sasali ako dahil may aasikasuhin pa ako. Maghahanap ako ng trabaho, Spencer." matigas kong sambit. Naniningkit ang mga mata niya. "Huwag mo na itindihin ang trabaho. I can pay your tuition..." "Ayoko ng ganoon." mas matigas kong sabi. "Ayoko sa ganoong paraan. Naiitindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin, hindi ba?" Nanatili siyang nakatitig sa akin. Parang pinag-aaralan niya ang mukha ko sa tingin niyang iyon. Hindi ko makuha kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. "Alright, makakapagtrabaho ka pero sasali pa rin tayo sa club na iyon." "Spencer naman—" "Tatanggapin ko ang gusto mo. Na maging maid sa bahay namin." Natigilan ako. "S-Spencer..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala. "Ayokong mawala ka sa paningin ko, my baby doll. Mas maigi ngang maging maid ka sa bahay, atleast, nakikita pa rin kita at hindi ako mag-aalala nang husto." he smiled. "Because I can't afford to lose you again in my sight." Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napagtanto ko nalang na siya na ang humawak sa akin. Marahan niya akong hinataka pabalik kay Mika. "Sasali na kami sa club ninyo." wika ni Spencer sa kaniya. "OMG! Finally!" nagtatalon-talon ito nang dahil sa tuwa. "Halikayo, kailangan ninyo lang ay i-fill up ang registration form, at kaunting interview lang..." Napagtanto ko din na kahit anong layo ko talaga kay Spencer Ho, gagawa at gagawa siya ng paraan para manatili siya sa aking tabi. Kung ano ang ipinangako niya, gagawin niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD