Just dinner

2116 Words
"Pwede bang palitan mo na ang cover pic mo?" Panay ang mura ko sa isip ng ibash ng sambayanan LSU ang babae na kasama ni Luther sa cover photo niya! Tukmol na 'to! Kapag nalaman ng mga babe niya sa school na ako 'yon eh pagsusugurin nila ako. "A.Y.O.K.O." tamad na sagot niya tsaka pumangalumbaba sa desk sa harap niya. Ilang araw ko nang pinapatanggal sa kanya iyon pero hindi niya ako pinapakinggan! At naiirita ako sa isang batalyon bash na nakamit ko! My goodness! ang mga hipon sa dagat! Biglang nagkarambola!naghuhulaan kung sino ang babae na kasama niya. "Kita, mo ito--" ugh! May isang babae na nagcomment na may tinga daw ang ngipin ko! Grabe siya! Kapag nakita ko siya ay babasagin ko ang ngipin niya para maintindihan niya kung ano ang itsura ng tinga. "Chill, hindi naman nila alam na ikaw 'yan." Umayos siya ng upo sabay ngisi sa akin. "Eh, alam ko na ako ito! Grabe na sila ah!" Umirap ako sa sobrang pagkairita sa kanya. Nagkibit balikat lang si Luther sabay ayos ng upo ng dumating si Miss Ana. Hindi na din ako makapangulit sa kanya dahil nasa harap na namin si Ms. Ana. Ipahack ko nalang kaya ang account niya? It's about s*x education today. Ang bored na mga kakaklase ko ay biglang nabuhayan. Si Darton sa harap ko ay panay ang text habang si Simon naman ay nakatingin sa harap habang nilalaro ang kanyang mga labi gamit ang daliri. "Okay class. Our topic for today is about s*x education.. siguro naman alam niyo na ang ibig sabihin 'non." Umingay bigla ang paligid at panay ang hagikgikan. "Miss, sorry... virgin pa ako.." biglang salita ni Luther kaya nalaglag ang panga ko. Panay ang kantyaw ng mga boys sa kanya habang naiiling ang ibang girls at tila ba hindi makapaniwala. Huwag silang mag alalala, hindi din ako naniniwala. Si Simon naman sa gilid at si Darton ay panay ang pag-iling. "Virgin your face, Very Cruz.." salita ni Simon kaya napahalakhak ng bahagya si Luther. "Miss, si Simon.. madaming alam 'yan." Salita ni Luther kaya nag igting ang panga ni Simon. Si Darton ay humagalpak ng tawa sa harap at lalong umingay ang klase. Naiiling ako sa kanila. I can't say anything coz.. uhh.. never mind! "Damn you!" Umiwas ng tingin si Simon ng napuno siya ng kantyaw. Naiiling si Miss Ana kay Luther pero meron ngiti ang mga labi niya. "Tutal, ikaw naman ang pinaka maingay sa klase.. ikaw ang tatanungin ko." Salita ni Miss Ana sabay tingin sa gawi namin. Napalunok ako bigla. Katabi ko kasi si Luther at Simon habang nasa harap ko si Darton. Wonder why Darton's with us? Nakiki seat in lang siya dahil tapos na ang klase niya. "Sasha.. ikaw daw." Salita ni Luther kaya tinignan ko siya ng masama. Ngumiti sa akin si Luther tsaka kumindat at bahagyang nag unat sabay bagsak ng kamay sa balikat ko. "You f*****g jerk!" Bulong ko pero hindi niya ininda. Malaki lang ang ngiti niya habang nakakunot ang noo ni Miss Ana sa kanya. "Not, Ms. Dela Fuente... ikaw ang tinutukoy ko Mr. Vera Cruz. " salita ni Miss Ana at may kung ano na binuklat sa libro niya. "Me? Wala akong alam sa s*x, Miss." Maang salita ni Luther kaya natawa ang buong klase. Bahagyang yumuko si Ms. Ana na halatang namula ang pisngi. Tumikhim si Ms. Ana at naging seryoso ulit. "Sino may sabi seyo na s*x ang itatanong ko? And will you please stand up, Vera Cruz." Lumunok si Luther at tumayo. "There goes the fun, bro." Bulong ni Simon na natatawa. Nakatitig lang ako kay Luther na hindi na maipinta ang mukha. "Motherfucker!" Bulong ni Luther kay Simon kaya sabay kaming natawang dalawa. "Okay, Mr. Vera Cruz.. saan nakukuha ang sakit na AIDS?" tanong ni Ms. Ana. Natahimik ang klase at nakatutok lahat kay Luther na sunod sunod ang paglunok pero malaki ang ngisi niya. Naging nakakaloko ang ngisi ni Luther. Na para bang nakahinga siya ng maluwag sa itinanong sa kanya. Na para bang alam na alam niya ang isasagot niya. "Sa motel, Miss." Diretso at walang abog na salita niya. Tumahimik ang klase hanggang isa isa ng nagtawanan ang lahat. Si Simon ay binalibag siya ng notebook habang si Darton ay lumamukos ng papel para ibato sa kanya. Naiiling ako sa sagot niya pero hindi ko alam kung bakit ako tumatawa ng sobra. Si Miss Ana ay lalong namula ang pisngi pero napanatili niyang composed ang sarili niya. " alright.. defend your answer.." salita ni Miss Ana. Natahimik ulit ang klase at tumutok kay Luther. Nagpakawala ng mahinang mura si Luther pero lalong naging nakakaloko ang ngisi niya. "Ganito lang kasi yon, Miss. Saan ba nakukuha ang AIDS? It's a s****l transmitted disease na nakukuha sa s*x. Sa laway sa.. ummhh.." tumigil si Luther at pumukit ng mariin." Sa lahat ng katas sa katawan?" Nagtawanan ang klase pero tumango tango si Miss Ana. Tumingin sa akin si Luther sabay kindat kaya natawa si Simon sa gilid ko. Umirap naman ako sa kanya kaya bumalik ang mata niya sa harap. "Way to go, Vera Cruz." Natatawang salita ni Simon. "I know that, Mr. Vera Cruz.. can you elaborate why motel is your answer?" Tumaas ang kilay ni Miss Ana. "Miss, saan ba nagsesex? Diba sa private place like motels or hotels? Or sa loob ng sasakyan or kahit sa kwarto--" napuno ng tawanan ang klase. Kumawala na ang pigil na tawa ko na kanina ko pa pinipigilan. "Enough, Vera Cruz." Halatang nagpipigil ng pagtawa si Miss Ana. Ang buong klase naman ay nabuhayan dahil sa kagaguhan ni Luther. "What's funny?" Ngumuso si Luther sabay upo sa silya niya. Naiiling akong sinagot siya. "Nothing.. I'm so proud of you.." humagalpak pa din ako ng tawa kaya umirap si Luther at binalik ang mata sa harap. Natapos ang klase at panay si Luther ang usapan. Hindi yata maka move on ang mga kaklase ko sa pinagsasabi ni Luther sa lahat ng tanong ni Miss Ana. "San ka?" Biglang tanong ni Luther pagkatapos kong magligpit ng gamit. May contest kasi sa Bulshoi mamaya and Prim invited me to join. Ayaw ko nga sana nung una pero nung nalaman ko na kasali si Simon ay mabilis pa sa alaskwatro na pumayag ako. "Maggie's.. may praktis kami ni Simon." "Praktis?" Patuloy na pagtatanong ni Luther. Sinundan niya pa nga ako papunta sa sasakyan ko. "Yeah.. for the dance contest sa Bulshoi.."pinatunog ko ang alarm ng sasakyan ko para makapasok. Si Luther naman ay tahimik lang sa gilid ko na tila ba malalim ang iniisip at seryoso. "I'm going.." ngumiti pa ako sa kanya. Tila ba natauhan si Luther pero nakakunot pa din ang noo niya. "Yeah.." matabang na salita niya tsaka ako tinalikuran. Nagkibit balikat nalang ako at nagdrive papunta kila Maggie. "What are you doing here?" Bungad ni Maggie sa akin na halatang kakagising lang. Tumingin muna ako sa wrist watch ko, pasado alas dos na ng hapon pero ngaun lang siya nagising? "Prim asked us to join sa dance contest." Umupo si Maggie sa gilid ko at panay ang hikab. "Kyaaa! Simon.." sabay takbo ko kay Simon. Sa wakas! Masosolo ko din si Simon. Hindi ko kasi siya madalas mahagilap dahil lagi siyang wala. Naging close tuloy kami ni Luther dahil siya ang fall back ko kapag ala si Simon. Nanliit ang mata ko ng napansin ko ang paninitig ni Simon kay Maggie at mabilis na pag iwas ng tingin ni Maggie tumayo siya mula sa pagkakaupo at dumiretso sa kitchen. Mabilis na dumalo sa kanya si Simon kaya saglit akong natigilan. O.M.G.-- don't tell me? No! Si Glen ang nanliligaw kay Maggie diba? Simon won't betray his brother. And the hell?! Si Maggie ba ang sinasabi ni Luther na mahal ni Simon? Madaming tanong ang bumabagabag sa utak ko. "Sasha, c'mon." Sigaw ni Prim kaya natauhan ako. Tumango ako at nilagay ang cellphone ko sa bag ko. Tumatawag pa nga si Luther pero hindi ko pinansin. Sumunod ako sa kitchen para sana tawagin si Simon ng napatigil ako. Simon's so close to Maggie na kulang nalang ay magpalitan sila ng hinga. Parang may kung anong tumusok sa puso na di ko malaman. May laman ang tinginan nila sa isa't isa. I don't want to conclude pero alam kong meron. Huminga ako ng malalim at pilit na inaalis ang nararamdaman ko. "Simon tara na.." sigaw ko para maistorbo sila. Natahimik ako ng nag iwas ng tingin si Maggie habang nagpakawala ng mura si Simon. Ghad! There is something wrong here. Paano si Glen? Paano na ako?huhu.. Pinilit kong umayos sa pagsasayaw kahit nakaramdam ako ng pag kailang kay Simon. Tahimik lang siya pero hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya. Jeez! This so not me! Hindi ako makapaniwala na may feelings pala talaga ako para kay Simon. "Okay, we're done here.. see you at Bulshoi.." sigaw ni Simon. Nagtilian ang grupo ni Prim habang ako ay nakamasid lang. Kaming dalawa ni Simon ang finale ng sayaw kaya hindi ko alam kung makakukuha ko ito ng tama. Nang mag gabi na ay pumunta ako sa Bulshoi mag isa. As expected, madaming tao ngaun dito. Malaki kasi ang pustahan sa underground contest na ito. Suot ko na din ang jogger pants at tank top na damit ko bilang costume ko. "Hi, Sasha.." bati sa akin ng ilang kilala kaya panay ang tango ko. "So hot.." napahinto ako ng makasalubong ko si Luther na nakangisi sa akin sabay sipol sa akin. Bigla akong natigilan sa hindi ko alam na dahilan kasabay ng paglundag ng puso ko. May hawak siyang baso ng alak at may ka akbay na babae na hindi ko alam kung sino. "Be right back, babe.." humalik siya sa pisngi ng babae na bahagya pang namula. Tumalikod ang babae at naglakad papunta sa dance floor. Nakatitig lang ako kay Luther na nakataas ang kilay sa akin. "Bakit mo iniwan?" Huminga ako ng malalim sabay lakad sa may gilid kung san gaganapin ang dance contest. "Coz'.." maikling sagot niya pero patuloy ang pagsunod sa akin. Nang makita ko ang grupo ni Prim ay hinarap ko si Luther. "Coz, what?" Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan si Luther. "Sasha, we have a problem." Nagbitaw ang paningin namin ni Luther ng biglang dumating si Prim. Dinig na dinig ko ang buntong hininga ni Luther pero hindi ko na siya natignan ulit. "Ano yon?" Tanong ko. "Simon's not here.." sagot niya. How could? Hindi naman nalelate si Simon sa mga appointment. Bakit ala siya? "Paano yan?" Worried face flashed to Prim's face. Nagpapanik na siya. Gusto ko man magpanic ay ano ang maitutulong non? Ala naman diba? "I can dance, too." Napatingin kaming dalawa ni Prim kay Luther ng biglang itong sumingit sa usapan. "Really?" Tila ba nabuhayan si Prim. Tumango si Luther. "He doesn't know the moves." Singit ko. Natawa ng bahagya si Luther kaya napairap ako. Ano na naman ang pinaplano nito? " Pang ilan kayo?" Tanong niya kay Prim. "We're the last." Sagot ni Prim. Lalong lumaki ang ngisi ni Luther. "Good, teach me the routines, then." Hamon niya. "Isang group nalang tayo na, hindi mo kaya." Singit ko. Nag igting ang bagang ni Luther at masama akong tinignan. "Don't belittle me, Sasha.. try me." Sa huli pumunta kami sa parking para turuan ng steps si Luther. Sumasakit pa nga ang ulo ko sa mga kalokohan niya! Sayaw his face! Ang tigas ng katawan niya. "Are you sure? What the heck, Luther! Ginagago mo ba ako?" Gigil na salita ko dahil apura ang tawa niya. "Of course not." Natatawang sagot niya. "Eh bakit tawa ka ng tawa?" Gigil na gigil na talaga ako na halos magputukan ang ugat sa leeg ko. "You're teaching me my own routines." Natatawang sabi niya. "Adik kaba? Si Simon ang nagturo niyan!" Sigaw ko. "Yeah.. but Simon learned that from me." "Liar!" Ang tigas ng katawan niya tapos siya ang nagturo? Ginagago talaga ako ng gago na 'to. "Hey, I'm not lying. You'll see later." Tawa pa din siya ng tawa kaya naman tumalikod na ako. Napatigil ako ng hawakan niya ang siko ko. Nang mapaharap ako sa kanya ay halos manghina ako. Lapit na lapit kasi ang mukha niya sa mukha ko. " Lets have a deal, Sweetheart.. If we win, we'll have dinner together." Bulong niya na halos ikatayo ng balahibo ko. Pinilit kong umayos kahit kakaiba na ang nararamdaman ko. " Dinner--" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko ng bitawan niya ako. "Yes, dinner. Just dinner, Sweetheart. No Strings." Kumindat siya sabay lakad papasok habang ako ay naiwan tulala. Asshole moves!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD