"I don't believe you." Nilagok ko ang coke sa harap ko habang si Luther naman ay nasa gilid ko. Nasa loob kasi kami ng cafeteria dahil lunch na. I'm looking for Simon but instead na siya ang makita ko ay ang haliparot na si Luther. Inaya pa nga ako nila Camille na sa labas na kami kumain pero tinanggihan ko sila. Tinatamad kasi akong lumabas and besides hinahanap ko si Simon at sinasabi ni Luther na mahal niya.
As of now? Wala pa din akong nakikita. Masyado kasing malihim at tahimik si Simon. Eto naman kasing si Luther ayaw pa sabihin.
"Then, don't." Ngumiti si Luther kay Divina na dumaan. Namula bigla ang pisngi nito at halos mapatid pa dahil sa pagtingin kay Luther. Napahalakhak pa nga ako ng mahina.
"You're mean.." natatawang nilagok ni Luther ang Coke sa harap niya. Umirap ako pero di ko pa din mapigilan ang matawa. Kahit hindi kami close talaga ni Luther ay natutuwa ako sa kanya. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa mga ginagawa niya. There's nothing wrong kung mapalapit ako sa kanya diba?
It's pretty safe for sure. Kasi, alam niya ang laro ko at alam ko ang laro niya. Kaso, kahit ako ay sinusubukan niyang laruin minsan. Gumunaw man ang mundo. Pumuti man ang uwak. Hinding hindi ako maiinlove kay Luther. Asshole will always be asshole.
"Mean?" Tumaas ang kilay ko. "Hindi ba pwedeng malandi ka lang?"
Ngumiti si Luther at hinarap ako. Wait----- natigilan ako bigla. Yung ngiti niya kasi.. hays!!! Ginagamitan ka lang ng charms niyan Sasha!
" landi talaga? Di ba pwede charming lang talaga ako?"
"Hindi eh." Ngumiti ako at hinawakan ang baba niya at pinihit pakaliwa at kanan. "What are you doing?" Kunot noong tanong niya.
Tinapat ko pa ang hintuturo ko sa bibig ko para patahimikin siya. "Shhh.. hinahanap ko kasi kung nasan yung charm na sinasabi mo, parang wala naman.." natatawa kong sabi sa kanya. Ngumuso si Luther at nilaro ang labi gaya ng ginagawa ni Simon.
"If I know kinilig ka nung hinawakan mo ako.." ngumiti ulit siya at kumindat kaya bahagyang nanlaki ang mata ko. Gago na to! Malandi na, feelingero pa.
"Wag kang assuming! Kinilabutan ako.." masungit na sagot ko sabay subo ng pasta na nakaikot sa tinidor sa harap ko. Ngumisi si Luther at inakbayan ako kaya pakiramdam ko ay sumabit ang pasta sa lalamunan ko.
"Yeah.. eto tubig para mawala ang bara sa lalamunan mo.." inabot niya ang baso ng tubig sabay tayo at humagalpak ng tawa. Urrgh! Nakakainis ang pag kakapal ng mukha niya.
Napatitig ako sa kanya na habang naglalakad sa gawi nila Divina. Umupo siya doon at ngumiti para ipakita ang pang close up smile niya. Unlike Simon napaka light ng awra ni Luther. Para bang ligayang ligaya siya sa mga ginagawa niya.
Masaya siyang kasama, no doubt.. carefree siya, masayahin, and no dead air kapag kasama mo siya. Yung nga lang. Dapat kontrolado mo ang feelings mo dahil talagang mahuhulog ka sa kanya. Gwapo, mayaman, mabango, may sense of humor. Yung nga lang, gago!
Iritable akong nagpunas ng bibig at uminom ng tubig. Naiinis ako dahil palagi niya akong naiisahan! Palagi nalang niya akong tinatalikuran na talunan! Magagantihim ko din yan malandi na yan.
"Hey, cuz.." napatingin ako kay Darton na nakangiti habang may nakasabit na filer sa kaliwang kili kili. Kasunod niya naman ang isang chinitang babae na maganda naman pero hindi katangkaran. Nanliit ang mata ko sa kanya kaya pinanlakihan niya ako ng mata.
"She's Joyce Co." Tipid na salita ni Darton sabay upo sa harap ko katabi si Joyce. I see.. kaya pala singkit at maputi siya dahil sa chinese siya.
"Hi.." salita ni Joyce kaya napatawa ako ng bahagya. Ramdam na ramdam ko ang pagsipa ni Darton sa binti ko kaya naman hindi ko lalo napigilan ang pagtawa. Ang ganda kasi ni Joyce pero ang liit ng boses niya. Kasing liit ng height niya ang boses niya. Mabuti nalang at maganda siya.
"Sorry, may naalala lang ako." Pigil na tawa ang ginawa ko ng sinagot si Joyce. Bahagya siyang yumuko at namula ang pisngi kaya umayos ako. My goodness! I was rude.
Umorder ng pagkain ang dalawa. Si Luther naman ay pinagkakaguluhan na sa kabilang lamesa kaya inabala ko nalang ang sarili sa pagkain.
"Why's Luther, there?" Salita ni Darton sabay subo ng pasta kay Joyce na medyo nagulat pa.
Natawa na naman ako ng bahagya kaya lumitaw ang iritableng mukha ni Darton. "Coz' he's not here?" Natatawa pa din ako. Matulis ang mga ni Darton na tinignan ako kaya umayos na ako ng upo.
"Crazy.." iiling iling na salita ni Darton. Nagkibit balikat nalang ako at tinuon ulit sa pagkain ang mga mata. Kahit naririnig ko pa ang boses ni Joyce at pinagwalang bahala ko nalang.
Maya maya ay may tumunog na cellphone. Mabilis kong hinanap ang phone ko pero ala naman message. Patuloy ang pagtunog ng phone kaya nagkatinginan kami ni Darton. "Is that yours?" Sabay na salita namin tsaka umiling. Napatingin kami kay Joyce na umiling lang din. Isa pang tunog ay nakita ko ang umiilaw na cellphone ni Luther sa ilalim.
"Kay Luther," sagot ko kay Darton sabay wagayway ng phone. Itinuloy ni Darton ay Joyce ang pagkain habang ako ay busy sa phone ni Luther na wala naman lock. Ang swerte ko!
Luther
-hi babe..
Nanliit ang mata ko sa message niya na send to many yata kaya ang daming reply. Galawan fuckboy talaga!
Nathalia
-awww, morning babe..
Janice
-Geez, you're sweet talaga.
Nanliit ang mata ko. Hi lang, sweet na? Duh! Pathetic! Sa panahon ngaun dapat matalino ka. Sa laro ng mundo kakainin ka nito ng buhay kung tatanga tanga ka.
Nakuha ng atensyon ko ang isang pangalan ng babae na pinakamahaba ang usapan nila. Lumingon lingon pa nga ako kay Luther na naka akbay na kay Davina ngaun.
Celine
- how are you?
Luther
-I'm good.. I guess?
Celine
- why not sure?
Luther
- coz you're not here beside me.. :(
Hindi ko maiwasan mapairap sa kalandian ni Luther.
Celine
-aww, sorry babe.. you know I can't
Luther
-that's fine babe, I have extra's
Humagalpak ako ng tawa. Napakunot pa nga ang dalawa sa harap ko pero ipinagpatuloy ko pa din.
Celine
-extra's? (Insert angry emoti)
Luther
- extra patience, babe.. :-*
Celine
-OMG! I think I'm falling babe.
Luther
- uh-- ehh-- err..
Celine
-what? Hindi mo ba ako sasapuhin?
Luther
- :( sorry babe, hindi ako kama para sapuhin ka.
Awww! Sobrang sakit ng tyan ko kakatawa sa huling message ni Luther! Certified asshole talaga. Seriously?
"What the f**k, Sasha?" Napatigil ako pero di ko pa din maiwasan ang mapatawa ng sobra. Hindi ako kama? Hahaha! That Celine should know that. Hindi kama si Luther! Madalas din siyang sapuhin ng kama!
Iritable niyang hinablot ang cellphone niya sa kamay ko. Halos di na ako makahinga kakatawa dito. Kahit si Darton at Joyce ay tila ba nalilito sa sobrang pagtawa ko.
Napatigil lang ako ng napansin kong ang tumahimik ang cafeteria. Napa-ayos lang ako bigla ng napansin kong lahat sila ay nakamata sa akin. Panay pa ang mura ni Luther sa gilid ko.
"Luther... I'm falling.." natatawang sabi ko. Hindi makapagsalita si Luther at nakakatuwa dahil pulang pula ang pisngi niya.
"You're so nosy.." umiiling na sabi niya.
"I'm not. Burara ka lang." Natatawa pa din ako. Napatingin sa akin si Luther na bahagya pa din namumula.
"Uyyy.. nahihiya siya.." kinurot kurot ko pa ang tagiliran niya kaya lalo siyang nairita.
"Sino siya Darton?" Singit ni Joyce kaya naman napatingin kami ni Luther sa kanya ng sabay.
Tinakpan ko pa ang bibig ko para hinfi kumawala ang hagalpak ko ng tawa. Kaso, si Luther bumanat pa. "What are you? Small girl with small voice? Are you a minion?"
Nagkatinginan kami ni Luther sabay hagalpak ng tawa. Biglang tumayo si Darton na masamang masama ang itsura at hinila si Joyce palayo na halatang napahiya..
"Mababaliw ako seyo, Luther.." tawa ako ng tawa. This is fun. I think I like Luther to be my partners in crime.
Napatigil ako ng napatigil si Luther na seryoso lang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.
"Are you crazy over me?" Gulat na gulat na tanong niya. Umirap ako sa kanya sabay tayo at hila ng bag ko.
"Crazy over you?" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Tinagilid ko pa nga ang ulo ko para suriin kung nagbibiro ba siya or ano. Sa huli, alam kong nagbibiro lang si Luther dahil ganyan naman talaga siya.
Humagalpak ng tawa si Luther at tumayo. Hindi ko alam kung bakit lumundag ang puso ko ng akbayan niya ako.
Naglakad si Luther na naka-akbay pa din sa akin. Hindi ko alam kung bakit nangatog ang tuhod ko. Nakangiti lang siya at ganon pa din pero ako? Pakiramdam ko ay matutumba na ako. Kumain naman ako diba? Bakit pakiramdam ko ay nanghihina ako?
"I hate you for being so like me, Sasha.." he whispered..
Napatingin ako sa kanya. "The feeling is mutual, Luther."
Nagkibit balikat siya at halos hilahin na ako palabas ng cafeteria.