“Nay, ano ho ang lulutuin ko para kay Aldrin? Kinakabahan ako baka hindi kainin.” nagdadalawang isip pa si Vionne kung papasa ba sa panlasa ni Aldrin ang almusal na ihahain niya. Kailanman ay hindi siya nagluto ng almusal para kay Aldrin. Nasanay na silang dalawa ni Aldrin na pagkagising ay may nakahanda na sa hapag kainan. “Kahit ano. Ako ay mamale gke ngayong araw, marami akong dapat na bilhin kaya ikaw ang mag-asikaso sa asawa mo simula ngayon ha? Pagbutihin mo. Minsan kahit mahal na mahal tayo ng ating kabiyak, kapag hindi busog ang mga lalaki lalo pa sila ang nagpapasok ng pera, posible ka pa ring iwan.”pananakot ni Aling Selina sa anak. Iniwan na si Vionne ng kanyang ina. Nasa tapat siya ng lababo at nag-iisip pa rin king ano ang lulutuin. Nagbukas siya ng ref, nakita niya ang hil

