Isabela
Kasama ko ngayon si Caine at ito na ang huling hearing sa kaso niya. At ang mauupo sa witness stand ngyong araw ay ang manager nito.
Pagpasok namin sa loob ay nandoon na din ang dati nitong alalay at manager kasama ang abogado nila.
"Ready?" tanong ko kay Caine.
"A little bit nervous. Paano kung magsinungaling siya? Paano kung mas lalo niya pa akong akusahan?" nangangambang tanong nito sa akin na ikinaharap ko sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Stop thinking too much, Mr Valdez. Trust me. They won't succeed. Mananalo tayo." mataas ang kumpiyansang saad ko.
"Can't help it. It's my first time to be in this kind of situation. Sa ilang beses nating pakikipagharap sa kanila ay hindi pa din ako nasanay." hindi ito mpakali kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Breath and relax, I wont make them win. I guarantee you that." paninigurado ko dito.
"I trust you." pinilit nitong ikalma ang sarili. Nang akmang aalisin ko na ang kamay ko, mahigpit nitong hinawakan iyon at hindi binitawan. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay nito kaya nginitian ko ito at pinisil ang kamay niya.
Nang pumasok na ang judge, agad na nag-umpisa ang paglilitis. Pinaupo na ang dating manager ni Caine at tinawag ako para kuwestiyonin ito.
Tumayo ako at naglakad palapit dito. Nang makalapit na ako ay seryoso akong tumingin dito at walang paligoy-ligoy na nag-umpisa.
"So, ikaw ang dating Manager ni Mr Valdez?" paunang tanong ko.
"Opo," magalang nitong sagot.
Tumingin muna ako kay Caine at pabalik sa babaeng nakaupo sa witness stand.
"Sinabi niyo na sinaktan kayo ni, Mr Valdez. Tama ba ako?" tumango ito kaya nagpatuloy ulit ako sa pagtatanong.
"Puwede niyo po bang ilahad sa korteng ito kung paano kayo sinaktan ng nasasakdal?" seryoso kong tanong dito. Nakita kong lumunok muna ito bago nagsalita.
"Katatapos lang ho nang shooting niya that time at dumaan kami sa kanyang condo." umpisa nito na para bang nag-iisip pa kung ano ang isusunod nitong sasabihin. "Hindi namin alam kung bakit ito galit na galit nang makarating kami. Nang tanungin ko ito ay bigla na lang itong nagmumura. Nagulat na lang ako ng bigla na lang niya akong sinampal--"
"That's not true!" napatingin ako kay Caine ng bigla na lang itong nagsalita. Napapikit na lang ako habang nakatingin dito. It's not right to meddle habang nagsasalita ang witness ng kabila.
Lumapit ako dito at binilinan. "Calm your ass down, Mr Valdez. Ayaw mo naman sigurong matalo sa kasong ito, right?" mahinang tanong ko dito.
"It's just that, she's not telling the truth. She's lying." madilim ang anyong sabi nito na ikinatapik ko sa balikat niya.
"I know. Just leave it to me. One more word coming from you at the middle of my interrogation? I'll walk out." pananakot ko dito. Nakita ko ang pagtahimik niya kaya napangiti ako. "Good." pagbalik ko sa harap ng witness stand ay nagsalita na ulit ako.
"Sorry about that." paghingi ko nang tawad bago pinagpatuloy ang pagtatanong. "Please, continue what you were saying a while ago."
"Yon nga po, bigla na lang niya akong sinampal. Hindi pa ito nakontento sa ginawa niya. Sinuntok niya pa ako sa sikmura at tinadyakan. Buti na lang ay nakatakbo agad ako. Kung hindi ay baka napatay niya na ako." mahabang litanya nito na tinangu-tanguan ko bago ulit nagtanong.
"Pagkatapos niyong makatakas mula sa p*******t nito ay dumiretso ka na sa hospital at mag-isa mo lang? Tama ba ako?" seryosong tanong ko dito.
"Opo,"
"At humingi ka ng medical certificate na magpapatunay nang p*******t niya sa iyo? Tama?" tanong ko ulit na sinagot na naman nito ng opo. "Sa statement ng alalay nito, sabi nito na magkaibang araw ang p*******t niya sa inyo." naglakad-lakad ako sa harap nito at tumigil mismo sa tapat niya.
"Paano niyo ipapaliwanag ang magkaparehas na araw ng medical certificates niyo? Sino sa inyo ang nagsisinungaling? Totoo bang sinaktan kayo ng nasasakdal o gumagawa lang kayo ng alibi para sirain siya! O baka naman may hidden agenda kayo kaya niyo ginagawa ang pagsisinungaling na ito?!" magsasaliya pa sana ako ng biglang sumigaw ang abogado nito.
"Your honor, she's harrassing my client!"
"Your honor, I'm only asking for a question that is relevant for the case. Nasa sa kanya kung sasagutin nito o hindi." tumingin ako sa judge saka tumingin din sa abogado nito.
"Question sustained."
"Thank you, your honor."
Nang mapatingin ako sa dating manager nito ay makikita mo na ang panic sa mukha nito.
"Nakalimutan niyo po atang ipapalitan ang araw at oras na nakalagay sa medical certificates niyo. Paano niyo ipapaliwanang ito?" tanong ko at ipinakita sa lahat ang medical certificates na hawak ko. "Nakalagay dito sa medical niyo ang araw ng pagkakahospital niyo at dito..." turo ko sa isa pang papel na hawak ko. "...nakalagay din ang araw ng pagpapamedical ng alalay nito. I have only one question left. Kung magkaibang araw ang p*******t niya sa inyo? Bakit magka-parehas ang araw dito sa medical certificates niyo?" tanong ko sa dating manager nito na namumutla nang nakaupo sa witness stand.
Lumapit ako sa judge at ibinigay dito ang folder.
"No more questions, your honor." magalang na sabi ko at bumalik na sa aking upuan.
Pagkaupo ko sa tabi ni Caine ay napangiti ito sa akin.
"f**k! Your good at interrogating people. Paano mo nakita 'yon? I'm impress, Atty." humahangang sambit nito na ikinangiti ko lamang.
Napatingin ako sa harap ng tinawag na ang abogado nito dahil ito na rin ang susunod na magtatanong. Tumagal pa ang session ng isang oras hanggang sa tuluyan na itong matapos. Sinet ang resulta ng paglilitis isang linggo mula ngayon.
Paglabas namin ng trial court ay dumiretso pa ako ng opisina para daanan ang iniwan kong papeles. Maagang natapos ang session kaya malaya na ang oras ko.
Ihahatid sana ako ni Caine kaso tumanggi ako. Ayokong may mangulit sa akin dahil gusto kong magmall today. Once a month lang ako nakakalabas kaya gusto kong sulitin mag-isa.
Pagdating ko sa opisina ay nagulat ako sa nadatnan ko. Magenta is sitting at the couch. Hindi man lang nito napansin ang pagpasok ko dahil tulala lang ito na nakatitig sa kawalan. Agad akong lumapit dito at tinapik ito sa balikat.
"Hey, what are you doing here?" bungad kong tanong dito nang tumingin ito sa akin.
She sigh, "Can't think straight, Bebz. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. My mind wants to explode." nahihirapang sambit nito. Bigla naman akong naawa sa kanya.
"Do you want to talk?" umupo ako sa tabi niya at hinanda ang sarili sa pakikinig.
"Wala ka na bang gagawin? Baka nakaistorbo ako." sambit nito na inilingan ko.
"Katatapos lang ng last hearing sa case ni Mr Valdez. At wala na akong susunod pang appointments kaya I'm all ears." she sigh for the second time.
"It's about the wedding." umpisa nito at napabuntong hininga ulit. "They are forcing me now dahil alam nilang hindi ako payag. They even say na aalisan nila ako nang mana. I don't really care about that f*****g mana!" sa boses nito ay galit siya. Hindi naman na nakakapagtaka 'yon. Ikaw ba naman ang ipakasal sa taong hindi mo naman kilala. Talagang magrerebelde ka.
"They want me to date that bastard." nakasimangot nitong sambit at nagpadyak. Tahimik lang ako at nakikinig sa mga himutok niya. "But I have a date tomorrow!" bulalas niya na nakapagpatigil sa akin at tinignan ito ng seryoso.
"You don't want that guy to involve in your problem, Magenta. Once na nalaman ni Tito 'yan. I'm sure of it na may gagawin ito. Are you not afraid of it o paraan mo lang ito para magrebelde sa kanila. Kawawa 'yang idedate mong guy, Magenta. Think." payo ko dito na mas ikinalungkot niya.
"I don't want that to happen, but Bebz..." tumingin ito sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "I'm starting to like this guy and I think I'm falling for him."
"What? Oh s**t! That's a big problem, Magenta. Sa ugali ng Daddy mo, gosh!" umiiling na sambit ko at pinisil ang kamay niya. "I know, you know what you are doing, Magenta. Pero... can you handle your Daddy once na malaman niya about sa guy na 'yan?" tanong ko.
"I dont know, Bebz. All i know is that I don't want him to stop courting me." pag amin nito na ikinahinga ko nang malalim.
"Did he know it?" tumango ito sa tanong ko.
"He said, he don't care. As long as he know that he's the one I like. He'll do everything." napatanga ako.
"He knows and he don't care. Oh my God. That's a big mess if they found out. How sure that guy is na kaya ka niyang ipaglaban sa Daddy mo." paniniguradong tanong ko na mas ikinayuko niya.
"I dont know, Bebz. We've been dating since last week. And I feel he's serious about me. He even suggested to meet my parents. But I refused. What will I do, Bebz?" nahihirapang tanong nito sa akin at hindi na napigilang umiyak. Hinagod ko naman ang likod nito dahil hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko.
"Isang buwan na lang at mahigit ay ikakasal na ako, Bebz. They are forcing me and I hate it. If I don't do it, they will lock me up until the wedding comes."
"That's absurd! They wont do that."
"They can, Bebz. Nasampulan na nga ako. Kaya nakalabas ako ngayon dahil pumayag ako to date that arrogant bastard. Feeling niya nga patay na patay ako sa kanya. He even requested to Daddy na dapat ay nagtatabi na kami." galit na bulalas nito.
"What! Ipakita mo sa akin 'yang lalaking 'yan at nang baldaduhin ko! Kapal niya, ha! Nanggigigil ako, Magenta. Sobra!" i gritted my teeth because of anger. How can that guy suggest it. f*****g maniac!
"Chill, Bebz. Hinding hindi ako papayag kahit na pumayag si Daddy."
"What the f**k! Is that even serious? Konti na lang talaga at mag-iisip na akong itakas ka sa bahay niyo, Magenta." nakita kong naluluha itong napatingin sa akin at hindi makapaniwala. "I'm f*****g serious, Magenta. And you know me when I get mad. I'll do everything." sambit ko dito. Napatanga na lang ako nang umiyak ito at niyakap niya ako nang mahigpit.
"I love you, Bebz. You are truly my bestfriend. You'll do that for me?" nakayakap na tanong nito kaya tumango ako.
"I don't want you to become a mess because of that, Magenta. Sabihan mo lang ako kung aabot na tayo doon adhil willing akong gawin ang lahat para makatakas ka diyan sa mga taong 'yan." seryosong saad ko dahil hindi talaga ako nagbibiro. "Wait." kumalas ako dito nang may maalala akong tanungin dito.
"Who is the guy you were dating for almost two weeks?" nakakunot noong tanong ko dito na ikinangiti na niya. Dahil lang sa lalaking 'yon ay nawala ang bigat ng loob niya at napalitan na nang saya. That guy must be something. "Hey, I didn't ask you to day dream infront of me. I'm asking who that guys is." pag uulit ko.
"Ahmmm---he's-- you know... A guy we met when I--- got drunk." napapangiwi ito habang sinasabi nito at pag-alala niya sa pagpapakalasing nito sa bar. Nang magsink in sa utak ko kung sino ito ay napamata talaga ako sa kanya at niyugyog ito. Tawa naman nang tawa ang loka habang tumatango-tango.
"f**k! I didn't know you'll be serious with Morgan. What the! Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko at itinigil na ang pagyugyog dito.
"A day after that, we meet and we dated." imporma nito sa akin na ikinabilog ng mata ko.
"How? Paano?" naguguluhang tanong ko.
"I gave him my number when he asked for that." kibit balikat nitong sabi habang nakangiti.
"Oh f*****g s**t! Why didn't you tell me?" bulalas na tanong ko dito.
"It's a secret for me kaya hindi ko muna sinabi until now. Kailangan ko ng kausap."
"So, naglilihim ka na sa akin, Magenta?" nagtatampong sabi ko dito.
"Wow nman! Nagtampo agad si bebz. I'm planning to tell you about it kaso nakulong ako sa kuwarto for two days at kalalabas ko lang sa lunggang 'yon. And i'm not planning to be back there. Susundin ko lahat ng gusto nila but not that f*****g marriage." biglang bumalik ang pagkakaseryoso nito ng maalala ang problema.
"You really like Morgan, huh!?" tukso ko na nakapagpabalik sa ngiti nito sa kanyang labi. "I'll support you, Magenta. Basta sa ikakasaya mo? I'll do everything. Sabihan mo lang ako."
"Thank you, Bebz. Thank you for being here with me. I love you so much."
"I love you too, Magenta, always." niyakap niya ako at yumakap din ako pabalik. Nang kumalas ito ay nakangiti na kaming parehas. That's when I invited her for a shopping. Alam ko na hindi ito tatanggi dahil kahinaan at stress reliever nito ang pagshoshopping.