Isabela
Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto naming mag asawa. Kukuha lang ako ng ibang gamit at 'yong mga papeles na kakailanganin ko sa opisina bukas.
Pagpasok ko sa loob, pinagmadan ko muna ang loob. Walang nagbago kahit isa at halata mo din na hindi man lang nahigaan ang kama namin.
"Saan kaya 'yon natutulog?" tanong ko sa aking sarili bago ako naglakad patungo sa kabinet namin at kumuha na ng ilang mha damit at pantalon. Nang matapos ako ay tumungo na ako sa aking mesa at kinuha na ang mga papeles na nasa ibabaw nito.
Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay napaupo muna ako sa kama at napabuntong hininga na lamang. Namimiss ko nang matulog dito na katabi siya pero wala naman akong magagawa. Gusto kong magkaayos na kami pero hindi pa ata siya handa. Malungkot akong napatayo at naglakad na palabas bitbit ang mga kinuha kong gamit.
Pagkasara ko ng pintuan ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng may maramdaman akong yumakap mula sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino ito. Puso ko na mismo ang nakakakilala sa yakap niya.
"I'm sorry, Asawa koh. I'm really sorry." maririnig ko sa boses nito ang matinding pagsisisi. Isiniksik pa nito ang mukha niya sa leeg ko. Nang maramdaman ko ang pagbasa ng leeg ko ay gulat akong napaikot sa gawi niya.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinaharap ito sa akin. Naawa naman ako sa hitsura niya. He looks like he's been in hell for this past few days.
"What have you done to yourself?" tanong ko at hinaplos ang pisngi nito. He hug me tight. Umiiyak na naman ito. "Don't cry, Asawa koh." pagpapatigil ko dito.
"I'm sorry for what I've done. I've been an asshole, Asawa koh. Nagpadala ako sa selos ko. Akala ko tuluyan ka nang hindi uuwi sa bahay natin. I miss you so damn much, Asawa koh. " kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong kamay. "You don't know how miserable I am. Nagsisi ako sa ginawa ko. Lagi kitang sinusundan sa lahat ng pinupuntahan mo para sana humingi ng tawad. Pero natatakot akong hindi mo ito tanggapin. I'm so sorry, Asawa koh. I'll make it up to you. I promise." pangako nito.
"You don't have to say sorry, Asawa koh. Hindi ka pa nakakagawa ng kasalanan, napatawad na kita. Ganyan na kita kamahal." napakunot ang noo ko nang nakatulala itong nakatingin sa akin. Nagtatanong ang kanyang mata at parang hindi ito makapaniwala sa naririnig niya. "Hey, did I say something wrong."
Umiling ito habang titig na titig sa akin. "Did I heard it right, Asawa koh?" hindi makpaniwalang tanong niti sa akin na kinunutan ko ng noo. Inalala ko ng mga sinabi ko. Napanganga na lang ako ng marealize ko kung ano ang mga huling sinabi ko. Damn! Napamura na lang ako sa aking sarili.
"Alin doon?" pagmamaang-maangang ko na lang na tanong at napapaiwas ng tingin dito.
"Is that true?" napangiti na ito sa akin.
"What?" hindi talaga ako makatingin sa kanya dahil pulang-pula ang aking mukha. I just confessed how I feel for him. Ano naman kasi ang pumasok sa isip ko at nasabi ko 'yon. May plano naman akong sabihin ang nararamdaman ko sa kanya pero hindi pa sana ngayon.
"Gaano mo ako kamahal?" napatingin ako dito sa tanong niya. Abot na abot na sa mata niya ang kanyang saya.
Napayuko ako dahil hindi ko matignan ang mga mata niyang seryosong naghihintay ng sagot mula sa akin.
"Look at me, Asawa koh." itinaas niya ang mukha ko para magpantay ang mukha naming dalawa. "Just say how much you love me, Asawa koh. You know from the start that I really love you."
Bigla akong napatingin dito sa sinabi niya. "You love me?" gulat na tanong ko. "I thought you were forced because of that damn wedding."
Bigla siyang umiling at hinawakan ang mukha ko. "I was never forced, Asawa koh. Ginusto ko 'yon. I was very happy when your friend said that the wedding is legal. Natakot nga ako nang gusto mo agad ipa-annul ang kasal natin. But thank God at pumayag kang bigyan ako ng chance. From the very first day, I laid my eyes on you, Asawa koh. I knew from that first day that I found my happiness. Kaya ginagawa ko ang lahat para mapaibig kita."
May sasabihin pa sana ito kaso tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang daliri ko. "I love you too, Caine. I don't know, when did I started loving you. All I know is that you've been here." turo ko sa puso ko. "At first, I was torn on that craziness I maid. At dahil nga kasalanan ko, sumubok ako. But here is the result. I learn how to love you. I'm sorry for that incident you see. Hindi na 'yon mauulit, Asawa koh. Basta bati na tayo. I miss you." paglalambing ko.
Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako sa aking labi pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit.
"You don't know how happy I am, Asawa koh. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para hindi ka mawala. I'm sorry too dahil naging seloso ako. Hindi ako nakapag isip ng tama dahil sa pagseselos ko. But, It was already in tbe past. Let's start a new chapter in our life. This time, let's start creating memories as husband and wife, Asawa koh. I love you so much."
"I love you more, Asawa koh." sambit ko at tinugon na ang kanyang halik. We ended up being inside our room and hugging each other. Nahiga kami sa kama at nanatili akong nakaunan sa mga braso niya. Walang umiimik sa amin, but we know that we understand each other now.
"Babalik ka pa ba sa bahay ng kapatid mo, Asawa koh?" hinahaplos haplos nito ang mahaba kong buhok habang nakaunan naman ito sa sarili niyang kamay.
Tumango ako, "maybe I'll just get my other things in there. Kukuha lang naman sana ako ng gamit ko dito. Since, bati na tayo, babalik na ako dito sa bahay natin, Asawa koh." saad ko at bumangon para dumapa at ihiga ang kalahati kong katawan sa katawan niya. "I'll never do such things like that anymore, Asawa koh. Hinding hindi na ako papayag sa mga lunch meeting na 'yan. Ayokong magalit ka sa akin ulit. Ang hirap kapag hindi mo ako pinapansin, Asawa koh. It hurts like hell." napanguso ako pakatapos kong sabihin 'yan.
Napangiti naman ito at hinaplos ang pisngi ko nang inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"Same as mine, Asawa koh. I'll be more patience now. Napagtanto ko na dapat ay hindi ako basta basta nagpapadala sa selos at galit ko. Kasi ako din ang mahihirapan sa dulo. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi, Asawa koh. I never felt like that for my entire life, not until you came. I love you." hinalikan nito ang noo ko at pinakatitigan akong mabuti.
"I love you too, asawa ko. I never thought that I would feel this kind of feelings. Noon, boys are always boys. Wala akong pakialam sa kanila. Kahit gaano pa kayaman o kaguwapo ang mga lalakeng lumalapit sa akin ay wala akong pakialam. My mind always reminds me that boys are f*****g thickheaded. Sakit lang sila sa ulo." mahabang litanya ko dito at sumimangot. Kapag naalala ko kasi ang mga ugali ng mga nakakasalamuha kong mga lalake ay talagang always dissappointed ako. "My whole life change when you enter my life. Although kasalanan ko naman kung bakit tayo napasok sa ganoong sitwaayon. But now..." napangiti na ako at tumingin sa kanyang mga mata. "I'm happy, Asawa koh. I'm more contented with my life now dahil sa inyo, Asawa koh. Thank you for coming and I really do love you." mas lumawak ang ngiti nito at hinaplos nang marahan ang aking pisngi.
"Let's date." napaupo ako sa sinabi niya.
"Sure." kinikilig na sagot ko agad agad.
Natawa ito nang mahina, "you really seem excited, Asawa koh. I'm flattered."
"I really am, Asawa koh. It's our first date together as true husband and wife. No pretention to made. No regrets at mas lalong walang pilit sa pagitan natin. We'll date because we love each other." kinindatan ko siya. Nakita ko ang kinang sa bawat mata nito. Kahit pagod ako sa trabaho ay nawala lahat ng 'yon. Iniisip ko na ganito pala ang feeling nang minamahal din ng taong mahal mo. It really felts so good.
"So, let's go?" aya nito habang dahan dahang bumabangon. Napakunot ang noo nito ng umiling ako. "Akala ko ba payag kang magdate tayo? Ang bilis namang magbago ng isip mo, Asawa koh." Nalungkot ang mukha nito at hindi na maipinta.
Natawa na lang ako. "Hindi naman nagbago ang isip ko, Asawa koh. Ayaw mo naman sigurong pagtawanan ako ng mga tao sa pupuntahan natin kapag ganito ang hitsura ko?" tinaas baba ko ang kilay ko na siyang ikinatawa na nito at hinawakan ang mukha ko.
"Kahit pagtawanan ka ng lahat, Asawa koh. Wala akong pakialam. Kahit ano pang hitsura mo, ikaw pa din ng pinakamagandang babae sa paningin at mundo ko. Mahal na mahal kita, Asawa koh." kinilig nanaman ako sa sinabi nito.
"Tara na!" masaya ko ng aya dito at tuluyan nang tumayo ng kama. Bakit pa nga naman ako mag aayos kung sa mga mata nito ay ako ang pinakamaganda kahit ano ang ayos ko, 'di ba? Gusto ko makita ang reaksiyon niya. Nakita kong napapakamot ito sa kanyang batok. Kahit natatawa na ako ay pinigilan ko.
"Asawa koh..." nag aalangang tawag nito sa akin habang panay pa din ang kamot niya sa kanyang batok. Binibiro ko lang naman siya na hindi na ako mag aayos, eh. Hello!! Eh, nabura na ang make up ko tapos nasa pisngi ko na rin ang eyeliner na ginamit ko. As if namang lalabas talaga ako nang ganito.
"Oh, ayaw mo ng umalis, Asawa koh?" taas kilay kong tanong dito. Nakita ko naman na napalunok ito bago nagsalita.
"Are you sure na hindi ka na mag aayos, Asawa koh?" paninigurado nito habang nagkakamot pa din.
Tumango ako at ngumiti, "ayos pa naman ako, Asawa koh. Akala ko ba kahit pagtawanan ako ng lahat, ako pa din ang pinakamaganda sa lahat." tukso ko dito at lumapit sa gawi niya. "joke lang, Asawa koh. Wait here. I'll just freshen up." hinalikan ko ito sa pisngi at umalis na sa harapan niya.
Pumasok ako sa loob ng banyo at naghilamos. Nakangiti ako habang sinasabon ang aking mukha. The mirror tells me that I am really happy now. Habang sinasabon ko ang mukha ko ay hindi ko maiwasang balikan ang pag amin ko dito. Hindi naman ganito dapat ang gusto kong mangyari. Sasabihin ko naman na mahal ko siya pagbalik nito kaso nangyari nga ang pag aaway naming dalawa. Pero masaya na akong nasabi ko ang nararamdaman ko.
"No more hidings, Isabela. Just be you and let him feel the love you can give." sambit ko at binanlawan na ang aking mukha. Mabilis lang naman ang pananatili ko sa banyo. Hindi ko na kailangan pang mag ayos ng mukha ko. I am being me when I'm with him.
Paglabas ko ay ang nakangiting Caine ang bumungad sa akin.
"Shall we, Asawa koh?" aya agad nito na agad kong tinanguan. Lumapit na ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Hawak kamay kaming lumabas ng kuwarto hanggang sa makaratinh kami sa sasakyan nito. Inaalalayan niya ako papasok ng sasakyan niya. Para akong reyna na ayaw masaktan ng aking hari. Nang umikot na ito sa kabila ay masaya akong hinihintay ang kanyang pagpasok. Ito na ang umpisa ng buhay naming mag asawa. No pretentions, just love. Gagawin ko din ang lahat para maipakita sa kanya at maiparamdam sa kanya kung paano magmahal ang katulad ko.
Trust love not destiny. Because destiny can change in just a snap. Even love. But, love cannot be replace or lost in an instant. Kapag nagmahal ka, wala dapat pag aalinlangan. Trust Love. Because love will surely help you find the right person you'll be with for the rest of your life.