Caine I've been waiting here for hours. Hindi ugali ni Isabela na paghintayin ako. She always makes a way to text or even call me whenever she's late or may pupuntahan siya. Now, i'm really worried kasi kahit isang text lang mula dito ay wala akong natatanggap. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Ate Katherina. Ilang ring lang ng sumagot ito. "Napatawag ka Caine? Anong oras na,ah." "Pasensiya na sa abala Ate. Tatanungin ko lang sana kung dumaan diyan si Isabela." nag aalalang tanong ko. "Ha? Hindi naman siya napapadaan dito. Matagal na ngang hindi dumadalaw yung babaeng 'yon dito." may himig pagtatampo ang boses nito. "Teka lang. Don't tell me, hindi pa umuuwi asawa mo?" Napakamit ako sa ulo ko bago sumagot. "Sort of, Ate." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita ito.

