KABANATA 30 PRESENT TIME. IGINALA ko ang tingin sa buong paligid. Puno na ng mga sopistikada at mayayaman na tao ang buong ballroom ng Manila Polo Club kahit maaga pa ng limang minuto ang oras mula sa event time. Maayos ang color theme na white, gold and gray ang mga kurtina, table cloth maging ang floral design sa bandang entablado. Hanggang sa may lumapit sakin na babae. "Wait. You look familiar to me," bungad niya. "Ikaw ba 'yong girlfriend ni Kuya Charles?" Unti-unti akong tumango, hindi sigurado kung ano ang isasagot sa kaniya. Paano niya nalaman? Halos wala naman kaming pinagsasabihan... kahit nga ‘yung kasal... "Tama! Nakita ko ang pictures ninyong dalawa sa wallet niya, mula no'n ay hinanap na kita kasi crush ko si Kuya Charles at walang may alam na may girlfriend siya." sun

