KABANATA 19 Bago natapos ang event ay nagulat pa ako nang lapitan ako ng ilan sa mga naging client ko sa La Satina noon. Ang lahat sa kanila ay napaka-sopistikada at halos magsumigaw ang yaman sa uri ng mga suot na damit at mga alahas. Nakatayo na kami ni Charles ‘di kalayuan sa table namin kanina at nakipag-usap sa kanila, bitbit ang baso ng champagne naramdaman ko na lang ang braso niyang pumaikot sa ‘king beywang. “Amiga, do you mean nakilala mo na rin itong si Zarina?” Tanong ni Madame Kristina sa isa pang naging kliyente kong babae noon. Pareho silang nakapostura ng maayos sa gabing ito habang nakasabit sa braso ang mamahaling mga bag. “Yes, amiga!” Nakangiting tugon ni Madame Poncia. “I was thrilled back then, nakikita ko ang pictures sa internet, pictures ng mga events na ginag

