KABANATA 6
PAGKATAPOS ng araw na ‘yon ay hindi ko na nagawa pang magpahinga para sa sarili ko. Pakiramdam ko bawat oras na lumilipas ay mas dumadagdag lang ang takot sa ‘kin, tinawagan at nilapitan ko na ang lahat ng pwedeng utangan, mga kaibigan, mga malayong kamag-anak. Nagbigay naman sila pero maliit na halaga lang, kulang na kulang pa sa laki ng pera na kailangan ko.
Nakakahiya man pero wala na talaga akong mahanap na ibang solusyon. Sa totoo lang, kung hindi ko lang mahal ang mga kapatid ko at kung selfish lang akong tao... matagal ko nang ginawa ang pagpapakamatay.
“Good morning, doc. Papunta po ba kayo sa kwarto ng kapatid ko?” salubong ko sa doktor nang makita ito sa hallway, namukhaan kong siya ‘yong kausap ko kahapon dahil medyo bata pa ang hitsura nito, sa tingin ko hindi nalalayo ang edad nila ni Kael. Sakto kasing paalis na rin dapat ako dahil kailangan ko pa ring pumasok sa La Satina.
Lalo na ngayong kailangan na kailangan ko ng pera, hindi pwedeng lumiban sa hotel man o sa bar.
“Oh, Miss Ramirez. Oo doon nga ang diretso ko, kailangan kitang makausap patungkol sa iba pang tests na iru-run natin para sa diagnosis ng kapatid mo,”
Nagpunta kami sa opisina ni doc at halos itago ko sa aking likod ang mga kamay kong kanina pa hindi matigil sa panginginig. Kagabi ko pa halos iluhod sa langit ang paggaling at pag-recover ng kapatid ko sa brain tumor na ‘yon.
“So, I suggest performing biopsy to your sister, Miss Ramirez. It is needed for the final diagnosis, h’wag kang mag-alala hindi naman ito kagaya ng surgery, we will only remove a small amount of tissue for examination and confirmation kung anong laki o uri talaga ng brain tumor ang mayro’n ang kapatid mo. My assumption is benign ang tumor, we need to make sure.”
“K-Kailan ba kailangan, doc?” kinakabahang tanong ko rito.
“As soon as possible sana, Miss Ramirez. Para malaman na natin kaagad ang next step bago lumala ang lagay ng pasyente,”
Tumango ako sa kanya bilang pagtugon. “Kayo na po ang bahala, gusto ko lang na gumaling ang kapatid ko,”
“Ang brain tumor patients may survival rate ‘yan, posible ‘yon mangyari but it would take a very long journey, dapat tibayan mo ang loob mo. Para sa kapatid mo,”
Hindi ako nakasagot. Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam kung paano hihinga nang maluwag dahil sa mga patong-patong na problemang dumadating.
“By the way, are you and Kael...”
Mabilis pa sa pinaka-mabilis na inilingan ko si doc bago niya pa makumpleto kung ano ang sasabihin niya. “Wala kahit na ano, hindi rin friends,”
He chuckled. “I thought you’re a special friend to him, ‘yun kasi ang sinabi niya. He paid the initial hospital bill for you yesterday by the way, ang bait naman pala ng kaibigan ko tapos hindi kayo friends.” Makahulugang sabi niya habang tumatango-tango at may multo ng ngisi sa mga labi.
Pagkatapos ko ro’n sa opisina ng doktor na ‘yon ay chineck ko nga ang balance namin sa hospital, nabawasan nga ng malaki ‘yon. Pero bakit naman niya gagawin ‘yon? This is... too much.
MAGHAPON akong nasa La Satina Hotel para magtrabaho, maraming client ang nagdatingan sa opisina ko at pinilit ko talaga ang best ko na h’wag maging lutang habang kinakausap sila, kaso nakakahiyang hindi ko talaga maiwasang ma-out of focus kakaisip kung sa’n ako uutang ng 600 thousand pambayad kay Francisco.
Iba pa ang sa hospital bills.
“No, this is incorrect. I said I want my wedding event to be gold and white themed, bakit black ang nakalagay? I also noticed that you forgot to write down my flowers even though I already mentioned roses twice, blank pa oh,” reklamo ng client na babae kaya nagbaba ako ng tingin sa mga event form na finifill-upan ko base sa detalye na request niya.
Napaawang ang bibig ko, oh my god, mali-mali nga ang mga nailagay ko.
“I-I’m sorry, ma’am,”
Sa mga sumunod pang mga minuto mas lalong umiksi ang pasensya ng kliyente, maiintindihan ko naman siya dahil wedding ang event niya at mahalagang-mahalaga ang mga detalye ro’n lalo na’t mahal ang ibabayad niya, hindi ko lang talaga mapigilan magzoned out.
“Will you send me an email later for further updates?” nakakrus na ang mga braso nito sa dibdib, nakataas ang kilay at mukhang matalim na rin ang titig sa ‘kin kahit na hindi ko naman nakikita sa likod ng shades na suot.
“Yes po, ma’am, buo ko pong iu-update sa inyo ang progress mamaya rin po,” isinara ko ang brochure ng event chairs and tables saka itinabi sa gilid ng table.
“Okay,” maiksing sagot niya, ilang segundong hindi umimik pero parang may gusto pang sabihin. “Ariel, the hotel managing director, was my colleague before. Ang akala ko naman mataas ang standards niya sa mga employee na iha-hire, especially hotel event manager like you,”
“Ma’am, I apologize for-“
“Uh, no, stop.” Tinanggal nito ang shades na suot at minata ako. “Magpasalamat ka na hindi ko babawiin ang event na iho-hold ko rito sa La Satina, kung nangyari ‘yon ay hindi ako magdadalawang-isip na bigyan kayo ng low rating. And that would be on you lumilipad ang isip sa trabaho, sinasayang mo lang ang binabayad ng hotel sa ‘yo,”
Hindi ko na tinangka pang magsalita, first time kong makatanggap ng gano’ng komento mula sa client. Since day one ko rito sa trabaho ay palagi naman akong may maayos na feedback, ngayon lang talaga.
Dire-diretsong umalis ng office ‘yong client, itinukod ko na lang ang siko ko sa mesa saka sinapo ang mukha at bumuntong-hininga.
I’m hopeless. Linggo ang palugit ni Francisco sa kulang ko na pera at Friday na ngayon. Kahit hindi pa ‘ko umuwi ng bahay at magbuong araw sa trabaho, I’m sure wala akong mapapala.
Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya naman agad na nag-angat ako ng tingin, nakita ko si Meira na nakanguso habang naglalakad patungo sa harap ng mesa ko.
“Hindi ko naman sinadyang mag-eavesdrop kaso nakabukas nang kaunti ‘yung pinto kanina pa.” ani niya saka naupo sa harapan ng mesa. “Kilala mo ‘yon? Mayaman kaya suplada,”
“May karapatan naman siyang magsuplada, lutang talaga ako mula pa kanina,” inabot ko ang water bottle mula sa mesa saka ininom ‘yon.
Sinong hindi mababaliw kakaisip kung may death threat ka, may malaking utang na lagpas kalahating milyon? Pero sa kabila ng dalawang mabigat na problemang ‘yan, walang hihigit sa pag-aalala ko para sa buhay ng kapatid ko.
Gusto ko siyang mabuhay pa. At kailangan pa rin ng pera doon.
“Porque anak siya ng Alcantara.” Umirap na sambit ni Meira, ang tinutukoy ay ‘yong client ko kanina.
She’s Yukira Alcantara. Sa pagkakaalam ko nga ay anak-mayaman ito, kaibigan ng hotel managing director ng La Satina Hotel at isa sa may-ari ng Garnetlands, resorts chain na maingay ang pangalan sa industry.
Kaya maling-mali na sinakto kong maging lutang sa araw na ‘to.
NAGING mabilis ang pagdaan ng mga araw, halos matakot na nga akong matulog dahil halos ayokong lumipas kaagad ang mga oras nang mabilisan.
Linggo na ngayon, ang kinakatakot kong araw, pero wala pa rin akong napagkukuhanan ng pera. Halos marami na rin akong sinubukang utangan pero kahit utangan ko pa yata ang lahat ng kilala ko, hinding-hindi aabot sa 600 thousand pesos na dapat kong maibigay kay Francisco ngayon mismo.
Kahapon naman, isinagawa ang biopsy kay Nicole. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa pero benign ang tumor at hindi malignant gaya ng sinabi ng doktor sa ‘kin.
“Miss Ramirez, base sa resulta ng biopsy na isinagawa namin ang kapatid mo ay may benign tumor o meningiomas, now it’s really confirmed. Kung malignant ‘yon at hindi benign tumor, panigurado kakalat ang cancer cells sa iba pang parte ng katawan. So we’re still blessed.” Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa balitang ‘yon.
“Binigyan na namin siya ng medication para sa mga sintomas dahil nakakaranas siya ng matinding pagsakit ng ulo, pero bukod do’n ay hindi tayo kailangang magsagawa ng surgery. Radiotherapy lang gaya ng nais mo no’ng una pa lang.”
Nilagok ko ang isang baso ng alak na kanina ko pa hawak-hawak saka malakas na inilapag ‘yon sa counter. Ramdam na ramdam ko na agad ang hilo, nakaka-apat o limang baso pa lang yata ako, pero sa bagay puro puno naman ‘yon.
Ang hina talaga ng alcohol tolerance ko.
“Hoy, bakla ka! Ano ‘yan, ano ‘to? Anong mayro’n at naglalasing ang lola Zarina natin?” pabirong sabi ni Marie sa malakas na boses dahil sa malakas din na tugtog sa bar ngayon.
Humalimuyak agad ang pabango nito. Ayos na ayos na rin ang maikling suot na uniform bilang waitress at makapal ang makeup.
“Sexy mo naman! Sana makabingwit ka tonight!” nakangising bati ko sa kaniya saka hinampas ang pang-upo nito.
Nagulat si Marie, hindi agad nagsalita saka tinakpan ang bibig na parang gulat na gulat. “Hoy, Earl! Anong ginawa mo rito?!” turo niya sa ‘kin saka nilingon si Earl na naghahalo ng mga alak.
“Nako! Kanina pa umiinom ‘yan dito! Gusto pa nga ‘yung hard drinks talaga, mabuti sana kung hindi ko alam na mabilis siya malasing,” naiiling na sagot ni Earl.
“Nagulat ako sa pananalita eh, hindi naman ganiyan ‘yung Zarina na kilala ko. Maliban na lang kung...” lumapit si Marie saka inamoy-amoy ako. “Amoy chico ka na! Marunong ka na maglasing!” humalakhak siya.
Maaga pa sa 9 PM kanina nang dumiretso ako rito sa bar, iniyakan ko nga si Earl kahit nagtatrabaho siya sa harap ng mga alak, iyak-tawa ang ginawa ko sa harap din ng mga taong dumadaan sa paligid ko.
Pero wala na ‘kong pakialam.
Kung sila ‘yung may ganito karami at kabigat na problema sigurado akong ganito rin ang gagawin nila.
“Kaya pala hindi kita napansin sa dressing room,” tumatango-tangong sambit niya saka naupo sa stool sa tabi ko. “Kailangan mo pera, mag-abang ka ng foreigner dyan!”
“Ayoko. Okay lang.” nakangiting sagot ko saka nagsalin ng alak, halos hindi ko na nga maisalin nang maayos sa baso dahil sa hilo. “May gusto nga sa ‘kin pumatay ngayong araw, ineenjoy ko lang buhay ko, bakit ba!” natatawang tinapat ko kay Marie ang baso saka uminom.
“Oh my gosh? True ba?” lumapit si Earl kaya natawa ako sa boses nitong naging malambot na binabae.
“Totoo! Inom na tayo!” aya ko pa sa kanila.
May kung anu-ano pang sinasabi si Marie at Earl pagkatapos no’n pero hindi ko na binigyan ng atensyon, abala lang ako sa pag-inom ng alak. Pakiramdam ko talaga last day ko na.
Si Francisco... hindi siya ‘yong tipo ng nagbibitaw ng salita tapos hindi tinototoo.
Ilang minuto lang, ang naiisip ko na ‘yon ay napatunayan kong totoo nang may humila nang marahas sa balikat ko.
“Oh, tama. Dito ka nga raw nagtatrabaho!” bungad ni Francisco.
Hindi ko alam kung anong lakas ng loob ang mayro’n ako ngayon pero tinawanan ko ito at binati ng magandang-gabi. Natauhan lang ako nang malakas niya ‘kong sampalin dahilan para mahulog ako mula sa stool na kinauupuan.
Halos magtilian ang mga babae sa paligid dahil sa gulat, napunta sa ‘min ang atensyon ng iba habang si Earl nagmamadaling lumapit sa ‘kin.
“Hindi mo ba nakita? Babae ‘tong kaibigan ko, kalalaki mong tao nananakit ka!”
Tumango si Francisco saka pinuntahan ng mga tauhan niya si Earl para ilayo sa ‘kin. Mabilis ang pangyayari at siguro dala ng kalasingan at pagkamanhid kaya hindi ko namalayan na nakailang sampal ang inabot ko kay Francisco.
Nagdudugo na ang ilong ko ngayon.
“May hawak na kutsilyo, oh my god!” tili ng kung sino.
Dumating ang mga guard at bouncer pero hinarang sila no’ng mga kasama ni Francisco. Halos nagkagulo sila ro’n habang ako... hinihintay lang kung kailan niya papatayin.
“Patayin mo na ‘ko bilisan mo! Hindi rin naman kita mababayaran, ayoko rin naman takbuhan ka.” Kaswal na parinig ko sa kanya sa namumungay na mga mata. “Mas okay nga ‘yan, patayin mo ‘ko, go!” humalakhak ako.
Nababaliw na nga yata talaga ako ngayon.
Basta nahihilo na ‘ko dahil sa alak, gusto ko na matulog.
Nakita kong lalong nagalit ang ekspresyon ng mukha niya kaya naman humiga na ‘ko sa sahig, pinikit ang mga mata at hinintay na lang siyang saksakin ako. Inaantok na rin ako dahil sa kalasingan.
“Don’t you dare come near her,”
“Kael,”
Agad na nagdilat ako ng mga mata. Mula sa pagkakahiga ay nakita kong nasa gitna namin ngayon ang nakatalikod mula sa ‘kin na lalaki.
Kael?
“H-Hindi ko alam na babae mo ‘yan, kaso may atraso sa ‘kin ‘yan eh. Baka naman pwede mo na ‘kong hayaan diyan,” rinig kong pakiusap ni Francisco.
Babae? Sino? Ako?
“Anong atraso niya sa ‘yo?” segunda agad ni Kael saka nakita kong nagtapon ng tingin sa gawi ko.
“Umutang sa ‘kin nanay niyan, namatay na lang nang ‘di nagbabayad. Binigyan ko na ‘yan ng ilang buwan na palugit kaso wala talaga.” Biglang kalmadong paliwanag ni Francisco. “Kailangan ko na ‘yon, patakaran sa ‘min na kung ‘di siya magbabayad pwes ibayad niya ang pwede niyang ibayad na mas mahal sa inutang,” rinig kong dagdag pa nito saka bahagyang tumawa.
“How much does she owe you?”
“600,000 din ‘yon,”
“It would take her the rest of her life to pay off that debt,”
“Ayun nga, Kael! Umalis ka diyan at tuturuan ko ng leksyon ‘yan-“
Kitang-kita ko na binali ni Kael ang kamay at braso ni Francisco nang hawakan siya nito sa balikat. Napasigaw sa sakit si Francisco saka naalarma ang mga kasama niya pero mukhang takot silang lapitan si Kael.
Halos mag-ingay ang mga tao sa paligid.
Anong ginagawa niya?
Malakas na tinulak ni Kael palayo si Francisco, nagulat ang lahat nang suntukin niya pa ito sa mukha, saka pumameywang, nag-unat pa ito ng leeg habang tinatapunan ng tingin ang mga kausap. Hindi man lang nakabawi si Francisco, mukhang iba talaga ang takot niya sa kaharap ngayon.
Napaupo ako dahil do’n at halos maghurumentado pa ang puso ko nang humarap ito sa gawi ko.
Nagtama ang tingin naming dalawa at kitang-kita ko ngayon kung gaano kadilim ang kanyang mukha sa galit. Nilapitan ako ni Kael at marahas na hinila sa braso patayo.
“Follow me outside, I’ll give you your 600 thousand.” Diretso niyang sambit kay Francisco.
Namilog ang mga mata ko! Tama ba ang narinig ko?
Babayaran niya si Francisco?!
Halos huminto na ang puso ko nang magbalik siya ng tingin sa ‘kin. Nagtiim-bagang ito at mas mahigpit na hinawakan ang braso ko.
“Sa ‘kin ka na may utang ngayon,” he smirked.
TO BE CONTINUE...