Date Published: September 08, 2021 KABANATA 16 NANG MAKUMPLETO na ang mga panauhin mula sa kumpanya ng Valencia Highlands at Ferrer Holdings Inc. ay ipinakilala na ako ni Sir Ariel at ng iba pang board sa harapan, taas-noo at confident akong tumayo sa harap ng lahat para magpakilala at ipresent sa malaking screen ang lahat ng pinagmamalaki ng team ko at ng La Satina Hotel na mga events. Ipinakita ko ang pictures maging ang short videos ng makukulay na debut event, wedding, birthdays at anniversary events na matagumpay na naidaos sa ilalim ng team ko. “Okay, then. Let’s proceed for the breakdown of events and its designs,” propesyonal niyang sabi sa lahat. Si Darlene. Nagtagal ang meeting nang ilang oras. Lahat kami ay naging abala sa pagpaplano, sa budget team, sa requests na detalye a

