LESSON 26 “Eat Your Brain Out” “ANO bang nangyayari sa iyo, Morgan?! Bakit mo sinaksak ang mommy mo?!” Galit na galit ang daddy ni Morgan sa kanya. Nasa hospital sila ng gabing iyong upang ipagamot ang sugat ng mommy niya. Nasa labas sila ng room kung saan ito ginagamot. “I told you, hindi ko sinasadya!” Pagdadabog niya. Kanina pa kasi siya nito tinatanong niyon. Naririndi na siya dahil paulit-ulit na. “Bullshit, Morgan! Hinahayaan na nga namin ang kademonyohan na ginagawa mo sa school pero huwag naman pati kaming nagpalaki sa iyo ay sasaktan mo!” bulyaw pa nito sa kanya. Nakakalokong napatawa si Morgan sa narinig. “Yeah, right, daddy. Nagpalaki. Right term. Pinalaki niyo lang naman talaga pero hindi minahal! Mas mahal niyo pa kasi ang negosyo niyo kesa sa demonyo niyong anak--” Isan

