LESSON 14 “Broken And Fixed” SA wakas ay nakarating na rin si Charlotte sa bahay nila. Naabutan niya ang kanyang mommy na umiiyak sa salas. Nang makita siya nito at yakapin ay hindi siya nakaramdam ng kahit na katiting na pagtutol. Napapaiyak na rin siya ngunit pinipigilan niya lamang. Gusto muna niyang malaman nang maayos kung ano ba ang nangyari talaga at nasabi ng mommy niya na umalis at wala na ang daddy niya. “Charlotte! Iniwan na tayo ng daddy mo! Sumama na siya sa kabit niya!” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Charlotte sa narinig. Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at bahagyang napaatras. Walang namutawing salita sa bibig niya ngunit puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Napailing ang mommy niya. “S-siguro, ito na ang tamang oras para malaman mo ang totoo. M-may kabi

