Please VOTE! Bumangon siya na magaan ang katawan at ulo. Pakiramdam niya ay iyon na ang pinaka mahabang tulog niya mula ng mawala ang kanyang lolo. Naka tulong iyon upang makapag isip siya ng maayos tungkol sa buhay at lalo na sa kompanya para sa mga bagong ideya na kanyang na isip na ikaka unlad nilang lalo sa market. Nag inat pa siya bago tuluyan umupo sa kanyang kama. Nang bigla na lamang siyang nakarmdam na kung ano na parang may nakakalimutan siya. "Ano nga 'yon?" Tanong pa niya sa sarili. And her eyes widened in shock ng hindi maalala kung paano siya nakarating sa kuwarto niya. Wala din siya maalala sa nangyari kagabi. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi ngunit wala talaga. Ang huli niyang naaalala ay ang pagtatanong ni Woodman sa kanya tungkol kay Conrad na hindi nam

