Please VOTE! Inis na inis pa din siya kay Woodman. Kung puwede lang niya ito pulbusin para maka ganti siya sa pang aasar nito ay kanina pa niya ginawa. Nasa labas na sila ng kanyang condo at tapat ng California State University ng biglang bumulaga sa kanila ang bulto ng ex boyfriend niya at ang girlfriend nito na si Sandra. "Belle?" Tila surprised na bulalas nito ng mapansin siya at irip lang naman ang nakuha niyang greeting sa girlfriend nito. Naka tulala naman siya dito. Napa atras pa siya ng makita ito at tumama ang likod niya sa dibdib ni Woodman. Mabuti na lamang ay nandoon ito ngayon dahil kung hindi ay baka kumaripas na siya ng takbo mula sa mga ito. Pag lingon naman niya dito ay bakas sa mukha nito ang labis na iritasyon at biglang nag bago ang modd nito. Nakaramdam siya ng te

