Please VOTE! "Nana, kayo na ang bahala dito. Paki sabi kay Mr. Torres na i- email ko na lang sa kanya ang mga documents na hinihinga niya." Bilin niya kay Nana Margarita habang pababa sa hagdan niyakap naman siya nito. "Oo ako ng bahala dito. Basta mag iingat kayo sa LA ha? Kumain ka sa oras." Nag aalala naman na bilin nito sa kanya. "Nana, isang linggo lang ako mawawala may aasikasuhin lang ako doon. So, stop the drama." Saway niya dito. "Oh, Hijo ikaw na ang bahala kay Seniorita. Mabuti na lamang at kasama ka kaya hindi na ako masyadong mag aalala." Baling naman nito kay Woodman at napa buga na lamang siya ng hangin. "Opo, Nana." Sagot naman nito. "If you're good to go let's go. Baka mahuli pa tayo sa flight." Baling niya dito at tumango ito. "Oh siya, mag iingat kayo. Tumawag na

