"NO! DON'T HUG ATE NIKA!" "At ikaw p'wede?" "Opo. Kasi baby pa ako kaya p'wede, ikaw damulag na. Ble!" "Aba't! Kuya mo pa rin ako, Joshua." "Nyenyenye! Basta don't hug her." "Bigyan mo ako ng rason para hindi ko siya yakapin, sige nga." "You need her consent. Ako, bata pa ako, so I can hug her anytime. And she's not your girlfriend." "Anak ng! Kaunti na lang papatulan na kita, ah!" Naalimpungatan ako nang makarinig ng pagtatalo sa magkabilang gilid ko. Pupungas-pungas kong idinilat ang mga mata at doon ko nakumpirma kung kanino nanggagaling ang pagtatalong iyon nang mapatingin ako sa dalawa. Kapwa sila nakatingin sa isa't isa kaya hindi pa nila alam na gising na ako. Walang gustong bumitaw sa dalawa na animo'y walang gustong magpatalo. Talaga 'tong si Dale, pati bata papatulan.

