THIS DAY, I feel like I'm gonna explode any moment. Not because of anger, but because of several thinking that I could not let go even just for a while. Ngayon ang araw ng alis ni Lander. Nandito siya ngayon sa opisina ko para sadyain ako saglit nang makapagpaalam sa akin bago man lang daw siya umalis papuntang Baguio. "Just text or call me whenever you miss me, love," saad ni Lander sa akin habang nakatukod ang mga kamay sa lamesa ko at saka kumindat. Natawa naman ako at mahina siyang sinampal sa pisngi na mabilis niya ring nahuli. "Ewan ko sa iyo, Lander. Hindi ka naman aabutin ng buwan doon, kung makapagpaalam ka naman. Anong oras na oh at baka ma-late ka pa. " Bahagya pa rin akong nakatawa sa nakasimangot na nitong mukha. Tumayo na ako para lumapit sa kaniya. Ngumuso naman ito s

