HAVING LANDER with me again is like reclining in a cloud nine. In the past few days, we valued every seconds catching up to each other. Taon din naman kasi ang nawala sa aming dalawa kaya bumabawi kami sa isa`t isa sa pamamagitan ng halos araw-araw naming pagkikita. Hindi ko nga alam kung paano naming dalawa naisisingit iyon sa kabila ng mga trabaho namin. But anyway, there`s no such word holding back in our own vocabulary. Kung gusto may paraan, kung ayaw ay maraming dahilan. It`s Saturday. Wala kaming napag-usapang lakad ngayon ni Lander dahil may biglaan siyang appointment sa isang kliyente kaya naman ngayon ko naisipang puntahan ang coffee shop ni Dale. Dapat ay noong nakaraang linggo ko pa napuntahan doon, kaso hindi ko naman maisingit sa mga libre kong oras. Nababahala na talaga ak

