Chapter 72 Venice - Gaano ko mang sabihing mahal na mahal ako ni Mama, bandang huli ay napapatanong pa rin ako— minsan ba ay itinuring man lang niya akong anak? Minahal ba talaga ako nito bilang anak niya? Noon pa man ay hindi ko na iyon maramdaman, gaano man nito paulit-ulit sabihin na 'they treasure me like diamond', pero hindi ko naman mahagilap kung paano ako naging diamond? Maybe because diamond shines bright? Pagak akong natawa, kasunod nang masagana kong pagluha. Wala man ding sabihin si Mama, iyong paghingi pa lang nito ng pasensya sa akin ay alam ko na. Iyong pag-iyak pa lang niya na tanda ng pagsisisi niya ay nakuha ko na kaagad. Ang hindi ko lang ma-gets ay bakit kailangan pa akong ibenta? O gawing pambayad? Gamit ba ako? Wala ba akong kwenta sa kaniya na naisip niyang ako

