Chapter 99 - FINALE Venice - Sa ilang minutong sakay ng kotse ay huminto rin iyon sa tapat ng isang kilalang sementeryo rito sa States, ang Arlington National Cemetery. Kaagad na bumaba ang driver ni Papa Leonardo upang pagbuksan kami ng pintuan mula sa back's seat ng van. Nauna kaming bumaba ni Leo, kung saan madalian niyang inalalayan ang anak naming si Leon. Sumunod si Shantal at ang mag-asawa na naroon sa likuran. Matapos kunin ang ilang kumpol ng bulaklak ay gumayak din kami. Nang makapasok sa loob ng sementeryo ay humampas sa amin ang malakas na hangin. Malawak ang nasabing lugar, nagsasayawan din ang mga nagtatayugang puno sa paligid na sumasabay sa hampay ng hangin. Maganda ang panahon ngayon, maaraw ang kalangitan ngunit hindi ganoon umaabot dito sa kalupaan kung kaya ay hin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


