Chapter 9 LEO - Napangiti ako nang makita iyong payong ni Venice na naroon nakapatong sa study table ko, kaya pinag-igihan ko ulit mag-ayos ng sarili. Isang pahid pa ulit ng pamada sa buhok ang ginawa ko, saka iyon inayos sa bagong hairtyle na trending ngayon. Iyong mala-Zayn Malik, ewan ko na lang kung 'di pa 'to mapansin ni Venice. Ayon na rin kay Travis ay crush niya iyon, kaya try kong subukan. Nang matapos sa ginagawa ay sandali akong napahinto, mariin kong tinitigan ang sariling sa malaking salamin. Kapagkuwan ay itinaas ko ang isang kilay, kasabay nang pagkagat ko sa pang-ibabang labi at saka pa nag-pogi sign. Isang kindat ang iginawad ko sa sariling repleksyon, kalaunan nang mapasuntok ako sa hangin. "Sh*t! Ang gwapo ko!" palatak ko habang namamangha pang pinagmamasdan ang mu

