Chapter 16

1063 Words
Chapter 16 Tapos na ang lahat kumain. Gabi na at ako na ang nag prisinta na mag hugas ng pinagkainan. Maayos na ang lagay namin ni mama, habang kumakain ay nag tatawanan at nag kwentuhan na kami pero hindi pa rin sapat yun para sabihin ko na 'ayos na ang lahat'. Dahil alam ko, kahit hindi sabihin sakin ni mama ay may mga bagay pa rin siyang iniiwasan sakin. Gusto ko yon malaman, gusto ko malaman kung ano ba talaga ang problema. Tinapos ko na ang mga hugasin at dumiretso na ako sa kwarto. Sabi ni mama ay tabi daw kaming matutulog ngayon, kahit na sinasabi ni tita na marami namang kwarto dito sa bahay. "Ma," tawag ko kay mama na naka-upo ngayon sa kama, habang hawak ang ibang papeles na nakakalat sa kama ko. "Monica, tara nga dito," mabilis akong lumapit kay mama at na upo sa tabi niya. "Bakit po ma?" Tanong ko habang tinitignan ang mga papel na nakakalat. Mukhang mga papel pa 'yon sa trabaho na inuwi pa niya mula sa trabaho. "Anak, malapit na akong umalis, sigurado ka bang kaya mo na? Kung ayaw mo nama ako umalis, sabihin mo ngayon para tanggihan ko pa ang offer ng boss ko," umiling ako bago ngumiti. Na iintindihan ko naman kung bakit si mama ganito, kung bakit siya puro trabaho, at kung bakit kailangan niyang umalis nang bansa. "Hindi na ma, nandyan naman si tita Amika para bantayan ako" nakangiti kong sabi. Hindi naman akong pwede tumanggi, dahil kung mahirap sakin na mapapalayo si mama. Mas magiging mahirap naman sa kanya ang bayaran ang utang at pag papa-aral sa'kin. "Siguro ka dyan anak ah?" Tumango ako bago niyakap si mama. Na miss ko siya nang sobra. Lagi ko nalang siyang hindi na kikita, kahit na sabihin nang nasa iisang bahay lang kami nakatira ay madalang lang kami mag kita. At karamihan do'n ay galit pa, wala sa mood o 'di kaya'y nag aaway sila ni papa. "Ma, sorry," sabi ko at nag umpisa na mag tuluan ang mga luha sa mata ko. Ayaw kong umiyak, pero kusang tumutulo ang mga luha ko. Habang inaalala lahat nang ginawa ko, ang pag tangka ko sa sarili ko, na hindi iniisip ang pwedeng maramdaman ni mama. "Ayos lang 'yon anak. Ako nga dapat ang humingi nang tawad sayo, hindi ko alam na may problema ka na pala, pressured pa kita sa pag-aaral kaya wag mong sisihin ang sarili mo," umiiyak na sabi ni mama. Umiling ako, habang ang mukha ko ay nakabaon pa rin sa dibdib niya. "Inaamin ko, na galit ako dahil sa ginawa mo, pero kasalanan ko din naman. Nag focus ako sa trabaho, at hindi sayo. Na walan ako nang oras sa'yo, harap-harapan pa kaming nag aaway nang papa mo sa'yo. Kaya kung tutuosin, ako ang may pagkukulang sayo, Monica." Ma, "Hindi kita na isip ma. Iniisip ko lang sarili ko, all those time nag hirap ka para pag-aralin ako pero ganon pa ang ginawa ko, sobrang nag sisi ako ma," mas hinigpitan ko pa ang pagyakap kay mama. Disappointed ako sa sarili ko, sa mga ginawa ko at pakiramdam ko lahat nang tao y disappointed din sakin. I hate it. Ayaw ko may na didisappoint sakin pero ako mismo ang gumagawa nang mga bagay na ika-didisappoint nila sakin. "Monica, natural na sa magulang ang mag hirap para sa anak, pero tandaan mo na ang ina kahit gaano pa kagalit sa anak, hindi niya kayang mawala 'yon." Nilayo ako ni mama mula sa pag kakayakap ko sa kanya bago pinunasan ang mukha ko, "tumingin ka sakin, Monica," Tinaas ko ang paningin ko kay mama. Seryoso siyang nakatingin sakin, ang kamay niya na mahigpit din nakahawak sa dalawang kamay ko. "Alam mo ba ang tawag sa lalaking na walan ng asawa, Monica?" Tumango ako bago sinagot ang tanong ni mama, "Widowed po," "Alam mo naman ba ang tawag sa anak na walang magulang?" Tumango ako ulit bago sinagot ang sunod na tanong ni mama, "Ulila po," sagot ko. "At alam mo ba ang tawag sa ina na nawalan nang isang anak, Monica," napatigil ako sa tanong ni mama. Wala. "Dahil alam mo, Monica, walang salita ang mag papakita o makakapag paliwanag nang isang ina na nawala nang isang anak," hinigpitan ni mama ang pagkakahawak sa kamay ko, "kaya wag na wag mong gagawin ang bagay na 'yon. Isang malaking kasalanan ang pag-papakamatay, hindi lang sa mata ng mga tao kundi sa mata na rin ng diyos," "Ma, sorry ma," umiiyak na sabi ko. Habang nakatingin sa mga mata ni mama na punong-puno rin nang mga luha. "Anak, ipangako mo sakin na hinding-hindi mo na uulitin ang ginawa mo," tumango ako bago niyakap si mama. "Hindi na po ma," ngumiti siya sakin, bago ako niyakap nang mahigpit. "Pasensya na anak, pasensya na," sabi ni mama habang ina-alo ang likod ko. "Sorry din ma," Ngayon lang ako na linawan, na kahit ganito ang magulang ko- si mama ay mahal na mahal niya ako. Kahit palagi siyang busy sa trabaho, kahit pag dating ko ay lagi siyang galit o stress. Lahat 'yon dala lang nang pagod niya, lahat nang 'yon ay dahil din sakin. Para maitaguyod ako mag isa. "Tama na nga 'to, bukas na ang appointment mo sa psychotherapist. Wag kang kakabahan, okay?" Tumango ako bago ngumiti. "Kinakabahan po ako ma. Baka mamaya ay kung ano-ano ang gagawin," pag sasabi ko nang nararamdaman ko. Pero base lang naman sa na papanuod ko, mga tinatanong lang ang mga pasyente pero natatakot ako ma husgahan. Natatakot ako na may masabi sila sakin, natatakot ako mag tiwala kahit kanino. "Hindi 'yan, mag sabi ka lang nang totoo para maging maayos ka. Hindi 'yong iniipon mo ang mga problema sa dibdib mo, wag kang mag aalala, sigurado naman na mapagkakatiwalaan ang doctor mo" tumango kay mama na yakap ako ngayon. Parehas na kaming nakahiga sa iisang kama, na hindi namin nagagawa sa sarili naming bahay. Paano'y hindi ko malaman lagi kung saan ako pwepwesto. O may pake pa sila sakin. Para akong patay. Gigising, makikita ang pag-aaway nila, papasok, uuwi na parehas silang wala sa bahay. Paulit-ulit na puro gano'n. Nakakapagod. Sa tingin ko ngayon, kailangan ko na harapin 'to. Lahat nang problema, lahat 'to kailangan kong kayanin. Dahil ito ang laban ko. Ang sarili ko na laban sa tao, sa emosyon at sa bawat iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD