NAPAHINTO sa pagbaba sa bridal car si Jianna nang kumatok sa bintana si Ninang Lara habang kasunod naman si Nana Olyn. Nagtaka pa siya dahil dapat ay nasa loob na ng simbahan ang kaibigan niya na siyang maid of honor niya. Habang hihintayin naman siya sa labas ng simbahan ni Nana Olyn at saka siya alalayan papasok sa loob. She didn’t know why. Pero iyong kaba na nararamdaman ni Jianna kanina pa ay lalong tumindi. Her heart even thundered inside her chest nang makita niya ang sobrang pag-aalala rin sa mukha ng kumare niya. “B-bestie, bakit?” kabadong tanong niya kay Ninang Lara nang buksan niya ang bintana ng bridal car. “M-mamaya ka na bumaba, bestie.” Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “H-ha? Pero magsisimula na ang ceremony.” Tumingin siya sa suot na relo. Muntikan na nga siyan

