WALANG BALAK na matulog si Jianna nang makaalis si Luther. Gusto sana niyang umalis at umuwi na lang ng Los Angeles habang hindi pa bumabalik ang dating nobyo. Ayaw na niyang magkita pa silang muli. But Luther was right. She couldn't walk yet. Dahil sinubukan niyang tumayo at iapak ang paa niya sa sahig. Ngunit naka-isang hakbang pa lang siya ay napangiwi na agad si Jianna. Baka nga lalong hindi agad siya makaalis kapag pinilit niya ang sarili. Sa layo ng uuwian niya, baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya sa daan. Hindi rin niya kayaning pumunta pa sa penthouse ni Marsean. Alangan namang magpahatid siya roon kay Luther. Ano na lang ang iisipin ng mga kakilala nila na makakakita sa kaniyang may kasamang ibang lalaki habang nasa business trip ang asawa niya. Tapos malalaman pa ni Mar

