NAGBABAGA sa galit ang mga mata ni Jianna nang sagutin niya ang tawag ng asawa. Lumayo siya sa kusina para hindi marinig ni Luther ang usapan nila. “Marsean,” sambit niya sa pangalan nito na may pigil na galit sa boses niya. “N-napatawag ka?” “Tumawag ako sa bahay. Hindi ka pa raw umuuwi,” sabi nito sa malumanay na boses. Ngunit hindi na iyon kasing lambing nang dati. Na para bang normal na lang silang magkakilala. “Where are you? Nandito ka pa rin ba sa New York?” Sandaling sinulyapan ni Jianna si Luther na nasa kusina pa rin. Bagaman at abala ito sa ginagawa, ramdam ni Jianna na nakikinig lang ito sa usapan nilang mag-asawa. “Oo. Nandito pa ako sa New York. Dadalawin ko lang sana si Margarita,” tukoy niya sa kaibigan noong nasa Cebu pa lang siya. Matagal na rin itong nag-migrate ro

