“PAPASOK pa ang bahay ko kaya ibaba mo na lang ako sa kanto mamaya,” pagsisinungaling ni Jianna kay Luther nang makaupo ito sa driver’s seat.
Iyon ang naisip niyang plano kanina. Hindi siya magpapababa sa totoong bahay nila para hindi iyon matunton ng binata.
Tinitigan lang siya ni Luther. Kapagkuwan ay dumukwang ito at isinuot ang seatbelt niya.
Hindi na sila nag-usap muli hanggang sa umusad na ang sasakyan. Mukhang alam na alam na nga nito ang address ni Jianna dahil dire-diretso lang ang pagmamaneho nito patungo sa aparment na inuupahan nila na natatanaw na ni Jianna pero wala siyang balak na sabihin sa binata.
Napuno sila ng katahimikan bago nito binasag sa wakas ang nakakabinging katahimikan.
“Inalam ko pati ang block at lot number ng bahay n’yo kaya hindi mo ako maliligaw, Jianna.” Sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito nang sulyapan siya. “Kahit nga ang may-ari ng apartment na tinitirhan n’yong mag-ina, alam ko na rin.”
“Eh, ‘di ikaw na ang dakilang stalker,” nakasimangot niyang sagot.
Pero nang maalala niya si Gale, bigla na naman siyang kinabahan. Hindi kaya pinaimbestigahan na rin ni Luther ang tungkol sa kanilang anak?
“Hindi ako stalker. Gusto ko lang talaga na makasama ka uli.” Isang titig pa sa kaniyang mukha bago nito inihinto ang sasakyan sa tapat ng inuupahan nilang apartment na nasa katabing kalsada lang. “We’re here,” anito na para bang ito ang nakatira doon.
Hindi agad nakapagsalita si Jianna. Medyo napahiya siya sa pagsisinungaling niya kanina.
Hindi naman siguro siya bababa pa kasi gabi na.
Huminga siya nang malalim bago muling nilingon ang boss. “Thank you po sa paghatid, Sir. Pero next time, huwag ka na sanang mag-abala pa,” makahulugang saad ni Jianna.
Sa halip na sumagot ay inunahan siya nito sa pagtanggal sa seatbelt niya. Nagkatinginan pa silang dalawa nang masagi nito ang braso niya.
“Okay lang naman na maabala ako basta ikaw, angel,” usal nito habang dahan-dahan na inilalapit ang mukha sa mukha niya. “To be honest, ikaw talaga ng rason kung bakit ako bumili ng bahay dito sa Quezon Province at kung bakit dito muna ako mag-i-stay imbes na sa main office ko. Kasi I want to be with you always, Ji.”
Napalunok siya.
Hindi siya makapagsalita. Dahil kapag ibinuka niya ang kaniyang bibig, siguradong magsasalubong na ang kanilang mga hininga sa sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya.
“B-bakit mo ba ako pagkakaabalahan ng oras, Sir?” tanong ni Jianna habang pilit na nilalabanan ang nararamdaman. “Hindi naman tayo magkakakilala talaga. Tapos ang tagal na noong huling nagkita tayo. Balita ko, marami ka na raw naging girlfriend. Kaya bakit mo pa ako guguluhin? Tahimik na ang… buhay ko.”
Umiling ito. “Wala naman akong balak mangggulo, Ji. Hindi ako gano’ng uri ng tao.”
“Kung gano’n, ano ‘tong ginagawa mo sa’kin ngayon? Ano ba talaga ang plano mo sa’kin?” naguguluhan niyang tanong.
“Gusto nga kitang makasama uli. Gusto kong mas makilala ka pa,” walang ligoy na pag-aamin nito. “Kasi hindi na tayo nagkaroon ng chance noon na mas makilala ang isa’t isa, eh.”
“O baka naman may iniiwasan ka lang na girlfriend sa Maynila?” may sarkasmong taong ni Jianna. “Baka akala mo, hindi ko alam na may girlfriend kang kasama noong huling punta mo sa branch namin.”
“Kung si Carmen ang tinutukoy mo, wala na kami. Three months na. Wala naman akong naging girlfriend na tumagal.” Huminga ito nang malalim. “Ewan ko ba. Simula nang makilala kita noon sa isla, kung sino-sino na lang ang niligawan ko. At hindi man sa pagmamayabang, pero lahat ng niligawan ko ay naging girlfrend ko.”
Lalong napuno ng sarkasmo ang mukha ni Jianna. “Coming from your mouth. Babaero ka nga.”
“Wala lang akong mahanap na katulad mo,” walang gatol na sagot nito.
Napalunok si Jianna sa sinabi nito. “Talaga lang, ha? Eh, ‘di ba nga ikakasal ka na noong nagkakilala tayo?”
“Kasal?” tila gulat na gulat na bulalas ni Luther nang balingan siya. “Ako?” Itinuro pa nito ang sarili. “Ikakasal?”
Nakagat niya ang ibabang labi. Wala sana siyang balak na aminin pa sa binata ang pangingialam niya noon sa cellphone nito. Ngunit nasabi na niya. At iyon na lang ang tanging paraan para mapaamin niya ito.
She took a deep breath. “Okay, I’m sorry. Pero nang gabing may nangyari sa atin noon, may nabasa ako sa cellphone mo. Text from your ‘sweetheart’. She was asking kung kailan mo raw siya pupuntahan para pag-usapan ang tungkol sa wedding,” mahinang saad ni Jianna dahil nahihiya siya sa pagiging pakialamera niya.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Luther. “What? At sino naman ang magte-text sa’kin nang gano’n? Swear to God. Wala akong girlfriend nang mga panahong iyon. Tapos… sweetheart pa?”
“Malay ko sa’yo. Bakit ako ang tatanungin mo?” mataray niyang sagot. “Eh, cellphone mo ‘yon. Malamang ikaw ang t-inext no’n.”
Sandaling natahimik si Luther. Tumingin pa ito sa labas ng bintana na para bang may inaalala sa isip.
“F*ck!” kapagkuwan ay bulalas nito. Muntik pang masuntok ang manibela. Pagkatapos ay saka mabilis na bumaling sa kaniya. “Si Trixie ‘yon. Kababata ko. Ayaw siyang tantanan ng manliligaw niya kaya humingi siya ng tulong sa’kin para itaboy iyon. Magpanggap daw kami na mag-fiance. Nagte-text pa kami no’n ng tungkol sa kasal kunwari namin para maniwala ang manliligaw niya.”
Pinakatitigan niya itong mabuti. Mukhang hindi naman ito nagsisinungaling.
“Iyon ba ang dahilan kung bakit umalis ka na lang bigla no’n?” untag sa kaniya ni Luther. “Dahil inakala mo na ikakasal na ako at ginawa lang kitang parausan?”
“Hindi.” Umiwas siya ng tingin. “Wala naman akong pakialam that time kung ikakasal ka man. Ikakasal na rin naman ako no’n, eh. Kaya quits lang tayo.”
He scoffed. “Pero ang unfair pa rin kasi hindi mo man lang ako tinanong kung totoo ba o hindi. Tapos nagsinungaling ka pa sa’kin tungkol sa totoong pangalan mo. Samantalang ako, sincere ‘yong mga ipinakita ko sa’yo noon. Ipapakilala pa nga sana kita sa kapatid ko kung hindi ka umalis agad.”
“I’m sorry. Hindi ko naman kasi alam na magkikita uli tayo. Akala ko kasi, hindi na ako makakalaya sa Papa ko, at magkaroon ng buhay na ganito.” She sighed. “Pero kung sa ibang pagkakataon lang, gusto ko rin sanang makilala noon ang kapatid mo, Sir. Natutuwa kasi ako na ikaw ang nagtataguyod sa kaniya. I’m sure, napalaki mo siya nang maayos.”
Binalot ng lungkot ang mukha ni Luther bago ito tumingin sa ibang direksiyon na ipinagtaka niya. “She’s gone.”
Nagimbal siya sa narinig. “A-ano? Wala na ang kapatid mo?”
Hindi ito kumibo. Sa halip ay nakita ni Jianna ang pag-igting ng panga at pagkuyom ng kamay nito na nakahawak sa manibela. Sapat na ang nasaksihan niyang iyon para masagot ang tanong niya.
“I’m sorry. Pero ano ang nangyari?”
“I’m sorry din dahil hindi pa ako handang pag-usapan ang bagay na ‘yon, Ji,” malungkot na baling nito sa kaniya. “Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Wala na ang kapatid ko.”
“I understand,” puno ng simpatiya na sagot niya. Ni hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na sapuin ang mukha nito. “It’s okay to be sad. Pero isipin mo na lang na she’s an angel now. Nasa paligid lang at binabantayan ka palagi.”
Hinawakan ni Luther ang kamay niya na nakasapo sa mukha nito. Pinakatitigan siya nito. Kapagkuwan ay nagulat na lang si Jianna dahil bigla na lang nitong kinabig ang batok niya at hinalikan ang mga labi niya.
Inisip niya na dala lamang iyon ng kalungkutang naramdaman ng binata kaya hinayaan na lang niya ito. Tumugon pa nga siya na hindi niya namalayan. Gusto ni Jianna na kahit sa ganoong paraan man lang ay matulungan niya si Luther na mabawasan ang lungkot at sakit na naramdaman nito.
Wala naman itong ginawang masama sa kaniya noon para maging masama rin ang pakikitungo niya rito. Ayaw lang naman niyang malaman nito ang tungkol kay Gale.
Pero hindi niya ipagkakait ang kay Luther ang simpatiya. At kung ang halik na iyon ang makakatulong dito, ipagkakaloob niya.
Napadaing nalang siya ng kaagad nitong palalimin ang halik na pinagsaluhan nila. Yumakap siya sa leeg nito at ito naman ay sa beywang niya at mas lalong naging mapusok ang labanan ng mga labi at dila nila. Halos kandungin na siya ni Luther nang iangat nito ang katawan niya. Tumaas na ang skirt na suot niya at nagusot na rin ang blouse niya ngunit hindi na niya iyon pinansin pa.
Halinghing, ungol at daing ang kumawala sa mga labi ni Jianna habang nakikipaghalikan sa boss niya. Napakasarap ng halik nito na iniwan ang mga labi niya at ngayon ay ay bumabiyahe na patungo sa leeg niya at ang kamay nito ay humahaplos sa mga kaselanan niya. Hindi rin niya mapigilang humaplos sa katawan nito habang lumiliyad siya sa sarap.
“Luther…” impit na daing ni Jianna nang paglandasin nito ang kamay sa mayayaman niyang dibdib. Tuluyan na nga siyang kinandong nito at magkadikit na ang kanilang mga katawan. “Ah…” ungol niya dahil sa sensasyong lumukob sa kaniyang kaibuturan habang inikiskis nito ang matigas na harapan sa kaniyang hita.
Alam niyang pareho na silang mainit ni Luther. Pareho silang naghahanap na mas higit pa sa ginagawa nila pero walang may gumalaw sa kanila. Patuloy lang silang naghalikan at humahaplos sa katawan ng isa’t isa hanggang sa parehong mapugto ang mga hininga nila at naghiwalay sa wakas ang kanilang mga labi.
Saka lang nakaharamdam ng hiya si Jianna nang mapagtanto niyang nakakandong na pala siya rito. Dali-dali siyang bumaba at umayos ng upo sa passenger’s seat.
Pero bago pa man siya tuluyang makaiwas ay muling sinapo ni Luther ang mukha niya at hinagilap ang kaniyang mga labi. Damang-dama niya ang matinding pagkauhaw nito sa mga labi niya bagaman at nararamdaman niyang tila nagpipigil din.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, sinapo ni Luther ang kaniyang buong mukha at direktang tinitigan siya sa kaniyang mga mata. “Ngayon na nakita na uli kita, dalawa na ang angel sa buhay ko. Isang nasa heaven na at isang nasa tabi ko ngayon.”
“Luther…”
“I want you to know that I’m serious,” puno ng emosyon na usal ng binata, “Seryoso ako sa sinabi ko na masaya akong nagkita uli tayo. Call me corny or whatever you want. Pero alam mo ‘yong feeling na para akong binigyan ng bituin ng kalangitan? Parang lahat ng problema ko nawala, napuno na ulit ng saya ang mundo ko. Ewan ko ba.” Ngumiti ito na hindi umabot sa mga mata. “Simula kasi nang mawala ang kapatid ko, hindi ko na alam ang ibig sabihin ng totoong kasiyahan, Ji.”
Animo’y piniga ang puso niya sa matinding kalungkutan na nakikita niya sa mga mata nito. Kahit sandali lang silang nagkakilala noon, nakita niya si Luther bilang masayahing tao. Kaya nga naninibago siyang makita ito na malungkot sa mga oras na iyon.
“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng hot chocolate? Iyon kasi ang ginagawa ko kapag nalulungkot ako. Funny but yes. Gumagaan naman ang loob ko,” biglang prisinta ni Jianna na kahit siya man ay nagulat.
Lumiwanag ang mukha ni Luther. “Papapasukin mo ako sa bahay mo?”
Napakagat-labi siya.
Nasabi na niya kaya hindi na niya iyon mababawi pa.
Nilingon niya ang apartment nila. Patay na ang ilaw sa kuwarto nila ni Gale. Ibig sabihin ay tulog na ang anak niya. Hindi kasi ito nakakatulog na maliwanag ang paligid. Hindi naman siguro tatagal ang boss niya kaya imposibleng magkita ang dalawa.
Muli niyang binalingan si Luther. “Yes, sir. Pero sandali ka lang, ha? Dalawa lang kasi ang room namin. Iyong isa, sa’ming mag-ina. Tapos sa yaya naman niya ‘yong kabila.”
“No problem!” masigla na uli na sagot nito. “Don’t worry, hindi ako magtatagal. Gusto lang kitang tikman, este, ‘yong hot chocolate mo pala.”
Hindi niya narinig ang huling sinabi nito kaya napakunot-noo siya. “Ano?”
“Wala. Ang sabi ko, tara na. Baka magbago pa ang isip po.’ Ngingiti-ngiti na tinanggal na rin ng binata ang seatbelt nito bago bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pintuan.